Thursday, June 21, 2007

Anim na Kawirduhan

Each player of this game starts with 6 weird things about themselves. People who get tagged need to write a blog of their own 6 weird things as well as state the rule clearly. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. Don’t forget to leave a comment that says you are tagged in their comments and tell them to read your blog. (Tagged by Aileengot)

1. Tuwing uuwi ako sa bahay namin sa Laguna, hindi ako natutulog sa kuwarto ko. Mas gusto kong matulog sa sopa na gawa sa narra, hindi dahil sa ayoko ng kutson kundi gusto ko nakakatulog ako sa panonood ng tv.
2. Nagsusuot ako ng fake na eyeglasses lalo na kung gustong kong maglaho. Weird kasi hindi naman ako nagiging invisible pero sa perspective ko, hindi malinaw ang nakikita ko kaya parang invisible na rin. hahaha labo!
3. Rakista ako pero mahilig sa classical music.
4. Hindi ako nakakatulog nang walang kumot.
5. Nandidiri ako sa malamig na sahig. Kaya lagi akong nakamedyas sa bahay.
6. Nagbababad ako ng paa tuwing gabi. Nakakarelax.

Tagging Rose, Jerrick, Arjay, Jontue, Jeiem, and Rica.

Monday, June 18, 2007

Anik-anik ng aking kamay




Photobucket

High School Kadugyutan


Third Year Recognition day. S'yempre may honors kami. Masyado kaming matatalino e... Hehehe

Dr. Resil Mojares in UPBaguio

Start:     Jun 20, '07 2:30p
Location:     Bulwagang Juan Luna, UP Baguio
The UP Centennial Lecture Series UPBaguio presents

Dr. Resil Mojares' lecture entitled
"Isabelo's Archive: The Importance of Isabelo de los Reyes in Philippine Studies"

Ang Tipo kong Lalaki

Malabo ang konsepto ko ng "Ideal" na lalaki... Pero so far, eto ang mga naging crush ko ('yung pwede kong i-reveal.. hehehe)

1. Leonardo Di Caprio. Nahumaling ako sa karakter niya sa "Romeo and Juliet" at sa "The Man in the Iron Mask"; natulala sa "The Beach"; at mabighani sa isa niyang movie na ang kanyang karakter ay ang manunulat na si Arthur Rimbaud (nakalimutan ko na kasi ang title nun.)

2. Jonathan Brandis. Crush ko siya since high school, naloloka kaming dalawa ni Ails tuwing napapanood namin siya sa SeaQuest. Payat siya dun, at siguro nung bata pa ako ay gusto ko ng payatot! Hehehe...Sadly, nagpakamatay siya. Walang nakaaalam kung bakit. Noong narinig ko ang balitang 'yun, nalungkot talaga ako. Wala lang. Nalungkot lang, siyempre. Nakasabit pa rin sa kwarto ko ang poster niya. Hehehe, ganun ako kahumaling sa kanya dati.

3. Hyun Bin. Hahaha, cute kasi siya, maliit ang mata. 'Yun lang. Napanood ko siya sa "My Lovely Kim Sam Soon" at sa sobrang nakakatawa ng palabas na 'yun, ayun, natuwa rin ako sa kanya. Sabi ko kay Lau dati, "naiinlove na ako sa kanya..." Kamusta naman 'yun??? Siempre, cheverlou lang 'yun! Charoz!

 

4. Dennis Trillo. Sige nga, sabihin n'yo sa akin, sino naman ang hiindi nagkaka-crush kay papa Dennis diba?

5. Ping Medina. There is something in him na nakakatuwa. Mukha akong timang kagabi, kasi nasa All Star K siya, at tuwing kakanta siya, natatawa talaga ako. Magaling rin kasing aktor ito at mahusay magsulat.

6. Yamashita Tomohisa. Gosh, kung may ipapaclone ako, isa siya dun. Ang cute ng smile niya, promise. At ang katawan, hmmm... yummy. Magaling pang magsinayaw. Kamusta naman 'yun! Hehehe... Una ko siyang napanood sa Jdorama na "Nobuta wo Produce" at mas nahumaling sa "Kurosagi". Gwapo niya... hihihi

 

7. Kim Rae Won. Ang pinakabago sa aking listahan. Ayaw ko sa kanya dati dahil sa series niyang "Attic Cat" pero ngayon sa "Which Star ar you From" like ko na siya, lalo na kapag ngumingisi na siya... kainis. :D Kamukha ko daw siya, sabi sa myheritage.com. hehehe

 

 

 

'Yun lang muna. Hindi ko na maalala 'yung iba e, sa dami ba naman nila. Hehehe... 'Yung iba din, secret. Hindi pwedeng sabihin. :D

Tuesday, June 12, 2007

Ako si Pink Five



"Poebo, launch the BIODRAGON!"

Hindi naman ako mahilig sa pink kahit na pink ang kulay ng kuwarto ko, pink ang powder ko, pink ang lipstick ko at si Pink 5 ang paborito ko sa BioMan. Isang Sabado, nagsuot ako ng pink blouse papuntang simbahan. Mamaya-maya pa'y nakatanggap ako ng sms na "ang pretty-pretty mo naman"! E hindi naman marunong magsinungaling ang nagtext kaya naniwala naman ako. Sabagay, totoo naman 'yon! (Kamusta naman, ang kapal ng mukha ko!!! Hahaha)

Sabi nga ng pinsan ko, "Mahilig ka na pala ngayon sa pink ha, dati ayaw na ayaw mong magsuot ng kahit na anong pink." Oh well, dati 'yun. Deny-to-death pa kasi ako na girl pala ako. Pero 'yun nga, paborito ko talag si Pink 5 kahit noong mga bata pa kami. Pero sa totoo lang, wala namang kinalaman ang kulay niya sa Bioman kaya ko siya naging paborito. Ang siste kasi, dadalawa lang ang babae sa Bioman, sina Yellow 4 at Pink 5. Pinsan ko ang Yellow 4. E sino pa ba ang magiging ako, alangan namang si Blue 3 o si Green 2 (na gwapo! heheh) o si Red 1. Siyempre, wal;a akong choice noon kundi si Pink 5. pa-girl masyado si Pink 5 noon, e mahinhin pa ako dati, noong maliit pa ako. Kaya siguro, tama lang na ako si Pink 5 noon. Ngayon, hindi na yata bagay 'yun. HIndi na ako kasinghinhin tulad ng dati. O siguro, nagiging defense mechanism na lang ang pagiging siga ko? Kamusta naman 'yun... hanggang ngayon ba naman ay may ganyan pang chorva sa personalidad ko?

Actually, marami nang nagbago sa personalidad ko. Though some traits remain, like ang pagiging OC ko as in Obsessive Compulsive. Kaya nga pasmado kamay at paa ko ngayon dahil sa pagkaOC na 'yan e.

Oh, well, whatever, whatever, whatever! Basta ang alam ko, i'm so pretty in pink!!! :D

Friday, June 8, 2007

Kamusta naman ang Bida natin?




Eto ang bida natin. Ilusyunada 'yan paminsan-minsan. Ngayon, nag-iilusyon siya na in love siya sa mga panahong ito. Bunsod 'yan ng tatlong gabing pagpupuyat para matapos ang "Which Star ar You From?". Nagugutuhan niya ngayon si Kim Rae Won pero hindi rin naman niya sobrang gusto dahil may iba siyang gusto, si Yamashita Tomohisa. Sa kakapanood niya ng "Which Star are You From?", napansin niyang parang kamukha niya si Kim Rae Won. Kamusta naman 'yun? Sabi sa inyo e, ilusyunada itong bida natin. Minsan, feeling niya na kamukaha niya si Zhang Ziyi. Pero hindi naman siya ang nakaisip noon, nabuo ang ganoong pag-iisip dahil sa myheritage.com. At ang bida naman natin ay naniwala lang.

Noong bata siya, madalas niyang naiimagine na isa siyang prinsesa. kukunin niya ang kaniyang kumot at ibabalabal sa kanyang katawan at magpapanggap na isang prinsesa. Hindi naman siya naghihintay ng prisipe kasi mas gusto niyang siya ang nahahanap ng prinsipe. Para mas maraming pagpipilian.


Madalas siyang baliw at wala sa sarili. Obsess siya sa buwan at hanggang ngayon, pinipilit niyang magkapakpak upang makatungtong man lang sa kanyang buwan. C'mon! hehehe

Saturday, June 2, 2007

Ako ang Bida (Kebs ko sa Kokontra)

Ahehehe... Ako lang naman ang bida sa blog na ito kaya kung may reklamo, go! magreklamo lang kayo, keber ko! Charoz kaldo! Ahehehe...

Wala pa akong matinong maisulat, malamang sa mga susunod na araw, kapag naayos ko na ang daloy ng aking namamalirong na utak!

Kitakitz!