Sunday, September 7, 2008

Hindi Ako Nagtatago!

Taliwas sa inaakala ng lahat, HINDI PO AKO NAGTATAGO!

  • Wala lang akong pan-text sa Pilipinas dahil 100 pesos ang maintaining balance ng roaming sa globe kaya hindi ako makatext. 100 pesos na lang ang load ng sim ko.
  • Mahal magtext using roaming services ng globe. Kung kayo ang magtetext, piso lang 'yun pero kapag nagreply ako, 25pesos yun.
  • Wala akong mabilhan ng load dito ng globe.
  • Mahal din ang pagtetext using DTAC. Hindi pa ako nakakabili ng DeeDial.
  • Kung magtext naman ako, hindi ko alam kung natatanggap ang mga text ko. Kasi hindi naman kayo nagrereply.
  • At kung mag-email naman ako, wala rin namang sumasagot, bukod kay lau.
  • Wala pa akong laptop kaya hindi ako madalas makapag-internet.
  • Wala rin YM dito sa computer lab.
  • Kailangan ko munang manghiram ng laptop sa mga pwedeng mahiraman bago ako makapag-internet ng matino, at madalas, gamit din nila 'yung mga laptop nila.
  • Gustuhin ko mang kamustahin kayo araw-araw, hindi afford ng budget ko. Estudyante lang po ako dito at minimal lang ang allowance. Kailangan ko pang ipunin para pambayad ng utang. Next sem pa ako papayagang mag-work.
  • Pinapakain ako dito para mag-aral kaya naman wala akong choice kundi... mag-aral! Hehehe, gustuhin ko man o hindi. (This is karma!!! Damn!)
  • Miss na miss ko na kayo pero kailangan kong pigilan ang sarili ko kundi, iiyak lang ako nang iiyak dito.

So ayun. Hindi ako nagtatago. Mahirap lang talaga ang maghanap ng affordable means of communication these days. Tsaka sana sagutin n'yo rin mga mails ko sa inyo kasi kailangan ko 'yung reply n'yo. Please!!!

Salamat and miss y'all!

P.S. Hindi busy ang love life ko. Actually, wala nga akong love life e. Hindi ko siya mahanap dito kahit tumaybay na ako sa kung saan-saan. Hayy... kaya babay na lang sa kanya! Charoz! Political life pa, pwede! Ahahaha!

12 comments:

  1. kung DTAC mas maganda pa yatang tumawag kaysa magtext.

    ReplyDelete
  2. di ka naman nag-i-email sa akin kaya. hehehe.

    ReplyDelete
  3. hala ka! bakit ka nagtatago ngay?!

    ReplyDelete
  4. hehehe... napaka-strategic ng location ko! Joke! :D

    ReplyDelete
  5. oo pero mas mura yata kung magtext ka sa pinas kesa magtwag ka. ewan ko lang. ahehehe

    ReplyDelete
  6. wala ka ding email sa akin kaya. :) musta na?

    ReplyDelete
  7. bakit naman? sana natanggap mo reply ko dun sa text mo noon. number mo ba jan yun? :)

    ReplyDelete
  8. wala lang. maraming assignment tapos hindi ko maintindihan yung mga kaklase ko. ang labo kasi nilang magsalita. hahaha.. yung buddy ko binigyan ako ng cottonbuds! Baliw talaga! pero kwela mga kaklase ko lalo na yung mga indonesians at thai. hehehe... yup, number ko yun dito. :D

    ReplyDelete
  9. hehehe. tagalugin mo pag di mo sila maintindihan. hehehe :)

    ReplyDelete
  10. hay naku. alam mo ba na isang buwan pa lang ako nandito, may gusto na akong sakalin!!! Nakakainis siya ha! Promise! Hayop na biyetkong 'yun! Grrrrrr.........

    ReplyDelete