Saturday, September 1, 2007
Thursday, August 30, 2007
Thursday, August 23, 2007
Nang-aasar Lang Ako
Isang kapana-panabik na araw ang naghihintay sa mga estudyante ng PI 100, sections JD and JR, bukas dahil midterms nila sa PI 100. Ano kaya ang naghihintay sa mga estudyante ko? Ating abangan...
Ang highest, ililibre...
Ang bagsak, manlilibre...
Monday, August 20, 2007
Bagong Antipara sa Lumang Mukha
"Nakakakita na akong muli..."
Pinalagyan ko na ng bagong lente ang aking salamin para naman may silbi na ang pagsusuot ko nito. Hindi na nakatiis ang aking sarili at pinagbigyan ko ring ayusin na ang aking salamin. Ngayon, dalawa na ang salamin ko sa mata. Kapag hindi pa naman ako nakakita niyan, ewan ko na. :D
Php400 pesos lang ang ginastos ko sa pagpapalagay ng lente sa salamin ko. 'Yung isa kong salamin, mahal 'yun kaya nahirapan akong palitan. Bale dito sa bago, mura lang talaga ang nagastos ko. Php 60 lang ang frame at Php 400 ang lenses. Kumpara sa Php5000 salamin sa mata! Super mura na nito, diba. Ayun. Makikita ko na 'yung mga estudyante kong pasaway... hahaha... hindi na sila makakapagtago sa akin! Goodluck sa kanila! :D
Tuesday, August 14, 2007
Sundo
Kagabi pa ako sinusundo ng langit. Bumaba ang mga ulap at lumatag sa aking harapan. Niyaya akong sumama, sumakay at pumalaot sa kalawakan habang ibinubulong ng hangin ang matatamis niyang pangungulila sa akin. Tinatakbuhan ko lamang siya. Nagpapahabol, dahil ayokong sumama.
Bawat lingon ko'y ang pagsundo niya ang naaapuhap. Halos yakapin ako ng kanyang mga ulap sa tuwing naaabutan niya ako at nagmamakaawang yakapin ko rin ang kanyang kairalan. Patuloy lang naman akong tatakas sa kanyang bisig ngunit lalo lamang niyang iniiihip ang kanyang kapighatian at hindi niya ako pinapakawalan. Nanlalamig na ako sa higpit ng kanyang yakap. Makailang ulit ko mang takasan ang kanyang bisig at magkubli sa ilalim ng patung-patong na damit ay hindi sumasapat. Tataghoy siya at hihimig sa saliw ng napakalamig na hanging dumadampi sa aking pisngi. Ganito siya humalik.
Naninibugho siya sa mainit na tsokolateng aking kaulayaw. At patuloy na magtatagumpay na paalisin ang katunggali, hanggang sa ang kaulayaw na tsokolate'y lamunin na ng kanyang kairalan.
Binale-wala ko siya buong magdamag subalit matindi ang kanyang pangungulit at ako'y hindi pinatulog sa kanyang walang humpay na panunuyo. Hanggang sa kinaumagahan ay patuloy ang kanyang panunuyo, walang humpay maging hanggang sa katanghalian. Ang wika niya sa aki'y ganito:
"Hindi kita lulubayan hanggang ika'y mapasaakin. Kahit ilang araw pa akong manatili dito sa lupang minamahal mo, maghihintay lang ako sa'yo dito hanggang ikaw na mismo ang lumapit sa akin. At sa araw na darating ang pagkakataong iyon, hinding-hindi kita tatanggihan."
Monday, August 13, 2007
Jazz For Tonight
Invited po kayong lahat sa "Jazz for Tonight", isang gabi na puro jazz ang tugtog na gaganapin sa Par 7, Baguio Country Club sa Setyembre 15, 2007, alas-7 ng gabi! Presented by the Baguio Writers Group, Baguio Country Club and Smart. Limited lamang po ang seats ko kung gusto ninyong pumunta, magtext lamang po sa 09279890191. (A minimum of P300 donation will be collected upon entry.)
Punta po tayo!