Thursday, May 22, 2008

For the Love of It

My mom teaches alternative learning education. Meaning, mga tumigil sa pag-aaral na gusto muling makapagtapos ng elementary o highschool ang tinuturuan niya in preparation para sa pagkuha nila ng exam na magpapapasa sa kanila sa elementary o highschool. Walang age limit 'yun at depende sa availability ng mga estudyante dahil ang iba sa kanila ay maaaring may anak na o may pamilya, o may trabaho. Libre lang din ang pag-aaral na ito.

Isang buwan na ang nakalipas noong bumaba ako mula Baguio at niyakap ang panibagong hamon ng buhay ko, na magpasahanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung anong hamon ba 'yun. Sa loob ng dalawang taon, sobra kong nagustuhan ang pagtuturo at wala na yata akong ibang gusto pang gawin kundi magturo. Kaya naman nahihirapan akong tumanggap ng ibang klaseng trabaho. Naisip ko na rin na pwde ko namang ipagpatuloy ang pagtuturo, kung hindi ngayon, sa mga susunod na panahon. Kailangan ko lang mag-ipon ng pera ngayon dahil sobrang negative na ang networth ko. Hindi na lang muna kaya ako magturo. Hanap kaya ako ng ibang trabaho.

Pero kanina, since dakila naman akong tambay at hindi naman ako bopols sa Math ay pinakiusapan ako ng Mama ko na magturo ng Math sa mga estudyante niya. Ayun, sumugod ako sa school at winindang ang utak nila sa mga kaetchosan ng Math. Natuwa naman sila, at siyempre proud si mudrabelle sa akin. Ahehehe. Nabuhayan ako ng loob kasi pagtuturo talaga ang gusto kong gawin at ito ang trabaho na masasabi kong fulfilling. Ang saya ng feeling na nakapagbahagi ka ng kaalaman mo at kahit wala kang nakuhang bayad, masaya ang pakiramdam.

Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay mag-apply sa mga schools at magdasal na sana'y matanggap. O kung hindi man ngayon talaga, gagawin ko pa rin ito kapag nabigyan na ako ng financial freedom, kahit 'yung freedom na lang mula sa mga kautangan and all. hehehe.

Magtuturo ulit ako at walang makakapigil sa akin. :D

Friday, May 2, 2008

Lilipad Na Ako




Para lang akong ibon na napadpad sa ibang gubat. At dahil malaya ako, lilipad na naman ako pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako lilipad at kung saan ako makakakita ng pwedeng madapuan. Nakakapagod lumipad nang walang pupuntahan. Pero nakakapagod ding hindi gamitin ang mga pakpak. Kaya, lilipad na lang ako -- makikipagniig sa himpapawid na kumakalinga sa akin, susuungin ang hanging maaaring makasugat o makahilom. At bahala na ang araw at buwan kung gusto nilang mangulit, maging ang ulap kung gusto nilang magtanggol o mang-api.

Hindi ko na mabibitbit ang mga dati kong bagahe. Iiwan ko na 'yun. Hindi ko na rin naman 'yun magagamit. Ang iba nun ay tinangay na ng hangin, ang iba kinain na ng uod, 'yung isa naibaon na sa limot. Bago ang mga bibitbitin ko, magagaan lang para mas madali akong makakalipad. At mas madali kong maaalala ang daan papunta dito.

Salamat sa lahat, sa mga nagpawala ng mga mabibigat kong bagahe, sa pagbibigay ng bagong babauning alaala, sa mga taong nagmahal at minahal, sa lahat ng meron at wala dito. Salamat sa pagkakataon na magkaroon ng saysay sa buhay, kahit hindi ganoon kalaki ang dating ko at mga naibahagi ko, masaya na ako na may saysay ang pananatili ko dito sa loob ng dalawang taon.

Hanggang sa  muling paglipad at pagkakapadpad.

Thursday, May 1, 2008

This


"Is there some place far away, some place where all is clear; easy to start over with the one you hold so dear. Or are you left to wonder all alone eternally? This isn't how it's really meant to be... Butterflies are free to fly, and so they fly away and I'm left to carry on and wonder why..." --Always On Your Side, Sheryl Crow and Sting