Thursday, May 22, 2008

For the Love of It

My mom teaches alternative learning education. Meaning, mga tumigil sa pag-aaral na gusto muling makapagtapos ng elementary o highschool ang tinuturuan niya in preparation para sa pagkuha nila ng exam na magpapapasa sa kanila sa elementary o highschool. Walang age limit 'yun at depende sa availability ng mga estudyante dahil ang iba sa kanila ay maaaring may anak na o may pamilya, o may trabaho. Libre lang din ang pag-aaral na ito.

Isang buwan na ang nakalipas noong bumaba ako mula Baguio at niyakap ang panibagong hamon ng buhay ko, na magpasahanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung anong hamon ba 'yun. Sa loob ng dalawang taon, sobra kong nagustuhan ang pagtuturo at wala na yata akong ibang gusto pang gawin kundi magturo. Kaya naman nahihirapan akong tumanggap ng ibang klaseng trabaho. Naisip ko na rin na pwde ko namang ipagpatuloy ang pagtuturo, kung hindi ngayon, sa mga susunod na panahon. Kailangan ko lang mag-ipon ng pera ngayon dahil sobrang negative na ang networth ko. Hindi na lang muna kaya ako magturo. Hanap kaya ako ng ibang trabaho.

Pero kanina, since dakila naman akong tambay at hindi naman ako bopols sa Math ay pinakiusapan ako ng Mama ko na magturo ng Math sa mga estudyante niya. Ayun, sumugod ako sa school at winindang ang utak nila sa mga kaetchosan ng Math. Natuwa naman sila, at siyempre proud si mudrabelle sa akin. Ahehehe. Nabuhayan ako ng loob kasi pagtuturo talaga ang gusto kong gawin at ito ang trabaho na masasabi kong fulfilling. Ang saya ng feeling na nakapagbahagi ka ng kaalaman mo at kahit wala kang nakuhang bayad, masaya ang pakiramdam.

Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay mag-apply sa mga schools at magdasal na sana'y matanggap. O kung hindi man ngayon talaga, gagawin ko pa rin ito kapag nabigyan na ako ng financial freedom, kahit 'yung freedom na lang mula sa mga kautangan and all. hehehe.

Magtuturo ulit ako at walang makakapigil sa akin. :D

10 comments:

  1. go ligay. hehehe teaching is a noble profession!

    ReplyDelete
  2. sige lang sige lang... sambahin!(smiling face)

    ReplyDelete
  3. naks naman...hehehe nasa dugo naman pala ang pagtuturo :p ang husay mo naman talaga ;)

    ReplyDelete
  4. astig talaga si xiaui :-)
    P.S. lahat ng mga guro.

    ReplyDelete
  5. ahahaha! well, coming from you na dati kong student, baka mahusay nga talaga ako! Ahahahahaha! joke lang! :D

    ReplyDelete
  6. oo naman, lalo na yung mga nasa public school. kumpara sa kanila, kulang pa ang kaastigan ko. ahihihi :D

    ReplyDelete
  7. your right sha there's nothing more fulfilling than sharing what you know to others (as well as what you dont know db? baka sila alam e :-) gusto ko ring bumalik sa academe but... liit sahod e.:-( and your right again kapag meron ng financial freedom magagawa mo na mga bagay na makaka fulfill syo without the feeling of being oblige to do so...

    ReplyDelete
  8. kaso... ibig sabihin... matagal nanaman bago mo ako malilibre tsktsktsk... lintik na prinsipyo talaga yan, minsan magastos/kakapusin

    ReplyDelete
  9. ma'am shawie, saludo ako sa yo. :-)

    ReplyDelete
  10. hoy!!! nasa maynila na ako! Pagpray mo na matanggap ako sa mga pinag-aplayan ko para malibre na kita! Ahehehe

    ReplyDelete