Wednesday, June 4, 2008

Papa Died

Papa's sister called just this morning. "Patay na Papa n'yo, kaninang umaga lang."

*blank stare. blank reaction*

"Sige po, sasabihin ko po kay Mama. Tatawag na lang kami ulit," sabi ko na lang.

Hindi ko kasi alam kung paano magre-react. O malamang, wala lang talaga akong maramdaman. The last time na nagkita kami ni Papa, alam ko may sakit na siya, and in fairness naman sa akin, mabait naman ako sa kanya noon. Well...

Nasanay lang siguro ako na wala siya. He left us when I was three years old. Next time na nagkita kami highschool na ako. Mabibilang lang sa kamay ko ang beses ng pagkikita namin. Karamihan pa doon, medyo puno ng tensyon dahil sa mga kiorvs ng pamilya. Later ko na lang narealize na indifferent na pala ako sa tatay ko. At ngayon ngang patay na siya, i don't feel anything at all. I'm not sad, but I feel sorry for him for having made decisions he regretted only later in his life, pero hindi niya 'yun aaminin dahil ma-pride siya. Kung sinuportahan niya lang sana ako noong nga-aaral ako e di sana hindi naging mahirap ang school life ko. Oh well,  oh well! Past is past. Okay naman na ako sa buhay ko, though medyo marami pa ring trials and all. And he's dead now. Wala na siyang magagawa. At wala na rin akong magagawa to lessen the gap between us. Honestly, I did try to love him. Pero tulad rin ng iba pang klase ng pag-ibig, kailangan mutual. E sa kaso niya, ipagpalagay na natin na mahal naman niya kaming dalawa ni Bon, pero hindi naman niya naipakita. Mas pinairal niya 'yung napakatayog niyang pride kaysa mag-sorry. Hay naku naman. Sakit talaga 'yan ng pamilya namin!

I don't know how my mom will react to this news. I suspect he still loves him after everything. Sabi ni Mama dati, hahayaan na lang daw niya si Papa sa kung sinong gusto nitong makasama pero kapag namatay na, kailangang ibalik sa kanya. Hmmm... mahabang lakbayin 'yun ha. Malayo ang La Union at Laguna. Paano kaya 'yun? O baka "tayutay" lang ni Mama 'yun? Hehehe

15 comments:

  1. my sincerest condolences xiao...pero pa-sermon na rin (haha!) walang naidudulot na maganda ang mataas na pride at alam mo na yan base sa nangyari sa inyo kaya kung sakit man yan ng pamilya nyo at meron ka nyan- mukha namang di pa ganun kataas :-) -gamutin na. di ba naman? :-) sana maayos ka lang. *mahigpit na akap*

    ReplyDelete
  2. "don't grieve for him now, for he is free"

    (someone told me the same line when my dad passed away)

    ReplyDelete
  3. dad mo pa rin siya, so my sincerest condolences.

    ReplyDelete
  4. i just can't feel anything... hindi dahil sa pride, ayoko lang magsinungaling sa sarili ko. I know dapat malungkot ako kahit papaano pero, wala talaga akong nararamdaman. That makes me sad... kasi baka hindi na ako marunong makaramdam... :-(

    ReplyDelete
  5. ngayon ko lang nabasa to xiaui, pareho pala tayo ng family set up, i totally understand your indifference kahit na lang to other people, it doesn't look like the proper emotion towards your dad.
    condolence and prayers :)

    ReplyDelete
  6. thanks steyfi... hindi talaga napipilit ang love e... :D

    ReplyDelete