Thursday, September 11, 2008

Fieldtrip: ED79.01

Start:     Sep 18, '08
Location:     Nonthabuti, Thailand
Dr. Perera's class

Fieldtrip: ED79.04

Start:     Sep 17, '08
Location:     Petchaburi, Thailand
Dr. Nowarat's class

Wednesday, September 10, 2008

Pigilan N'yo Ako Kundi Mananampal Talaga Ako ng Bietkong!

Pusang gala naman talaga o! Gusto ko siyang tirisin ng pinung-pino pagkatapos ko siyang pagsasampalin ng tsinelas na ipinanghahampas ng mga ipis habang ipinamumudmod ko sa mga kalapati ang kanyang nagkapira-pirasong katawan. Pero ititira ko ang kanyang utak dahil masamang magpakain sa hayop ng panis na pagkain!

Hindi naman ako galit 'no. Sa sobrang pagkapikon ko sa kanya, naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Wala pa akong isang buwan dito pero may kaaway na ako. Hay naku naman. Kailangang hinay-hinay lang sa emosyon kundi mapapaaga ang uwi ko sa Pilipinas, pwera na lang kung may mag-aalaga sa akin dito pero wala nga e. Hay...

Nahihirapan kaming lahat na intindihin ang lahat ng sinasabi niya dahil nga sa pagkakaiba namin ng wika. Naiintindihan ko 'yun. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang kagustuhan niyang sundin namin lahat ng gusto niya at ang gusto lang niya, wala nang iba! E 'day, hindi naman ako papayag dahil grade ko rin naman ang nakasalalay dito (hindi naman ako nagpapaka-grade conscious 'no pero kailangan ko 'yun para makastay ako dito, at ayokong mapahiya 'te!) So kailangan kong i-edit ang lahat ng gusto niya, at isasama sa ibang suggestion ng grupo.

Aba naman, sabihin ba namang walang kwenta 'yung ginawa ko?? ANAK NG TOKWA, e mas walang kwenta kaya 'yung ginawa niya. Halimbawa, sabi sa questionnaire na ginawa niya na ipinagpipilitan niyang iyon ang gamitin:

"You can stick many choices" --> stick???

"Taste of Water: Normal or Abnormal?" --> Ano ang measurement mo ng pagkanormal at pagka-abnormal?

"Health Effect: Allergic: crash / Losing your hair / Eyed irritation" --> yun na, ayoko na!

Diba naman? Tapos gusto niya ito 'yung gagamitin namin at sasabihin niyang useless 'yung ginawa ko!!! Grabe! Parang nilibak-libak naman yata ang pagkatao ko dun!

At ito pa, kung makapangbati ang lola mo, "Hi Sharon! You look you tired. Why you here?"

Ang ganda ng lola mo!!! Ipakulot ko kaya ang siya, siya talaga ha hindi lang buhok niya, o kaya mas maganda kung ipa-straight natin siya baka maging straight utak niya.

Hay naku... nakakapangliit ng mata!

Monday, September 8, 2008

Afraid For Love To Fade



My head's in a jam
Can't take you off my mind
From the time we met
I've been beset by thoughts of you
And the more that I ignore this feeling
The more I find myself believing
That I just have to see you again

I can't let you pass me by
I just can't let you go
But I know that I am much too shy
To let you know
Afraid that I might say the wrong words
And displease you
Afraid for love to fade
Before it can come true

Like a child again
I'm at a loss for words
How does one define
A crush combined with longing?
Longing to possess you oh so dearly
I'm obsessed by you completely
I'll go mad if I can't have you

I can't let you pass me by
I just can't let you go
Let me say the things and say the words
To let you know
I would rather say the awkward words
Than lose you
Or for love to fade
Before it can come true


Sunday, September 7, 2008

Hindi Ako Nagtatago!

Taliwas sa inaakala ng lahat, HINDI PO AKO NAGTATAGO!

  • Wala lang akong pan-text sa Pilipinas dahil 100 pesos ang maintaining balance ng roaming sa globe kaya hindi ako makatext. 100 pesos na lang ang load ng sim ko.
  • Mahal magtext using roaming services ng globe. Kung kayo ang magtetext, piso lang 'yun pero kapag nagreply ako, 25pesos yun.
  • Wala akong mabilhan ng load dito ng globe.
  • Mahal din ang pagtetext using DTAC. Hindi pa ako nakakabili ng DeeDial.
  • Kung magtext naman ako, hindi ko alam kung natatanggap ang mga text ko. Kasi hindi naman kayo nagrereply.
  • At kung mag-email naman ako, wala rin namang sumasagot, bukod kay lau.
  • Wala pa akong laptop kaya hindi ako madalas makapag-internet.
  • Wala rin YM dito sa computer lab.
  • Kailangan ko munang manghiram ng laptop sa mga pwedeng mahiraman bago ako makapag-internet ng matino, at madalas, gamit din nila 'yung mga laptop nila.
  • Gustuhin ko mang kamustahin kayo araw-araw, hindi afford ng budget ko. Estudyante lang po ako dito at minimal lang ang allowance. Kailangan ko pang ipunin para pambayad ng utang. Next sem pa ako papayagang mag-work.
  • Pinapakain ako dito para mag-aral kaya naman wala akong choice kundi... mag-aral! Hehehe, gustuhin ko man o hindi. (This is karma!!! Damn!)
  • Miss na miss ko na kayo pero kailangan kong pigilan ang sarili ko kundi, iiyak lang ako nang iiyak dito.

So ayun. Hindi ako nagtatago. Mahirap lang talaga ang maghanap ng affordable means of communication these days. Tsaka sana sagutin n'yo rin mga mails ko sa inyo kasi kailangan ko 'yung reply n'yo. Please!!!

Salamat and miss y'all!

P.S. Hindi busy ang love life ko. Actually, wala nga akong love life e. Hindi ko siya mahanap dito kahit tumaybay na ako sa kung saan-saan. Hayy... kaya babay na lang sa kanya! Charoz! Political life pa, pwede! Ahahaha!

Thursday, September 4, 2008

Hugs for a Crying Soul


... i miss lau

It's been almost a month since I came here and all I did was to bother my friends with all my kagagahan. Babes picked me up at the airport late at 1 o'clock in the morning because I don't really know what to do after getting here; Oyeng helped me get to AIT because again, I don't know how to get here, he even carried my very heavy bag; and Kissy is always feeding my hungry stomach everytime I visit her place. Babes also lend me 3000baht so that I can buy a new phone because my DTAC sim card doesn't work with my "very hightech" Nokia 1100. Toto (Pastor Tad-y) added 900baht so I can buy the nokia phone with camera. He even gave me his 1GB memory card (Zadel said it was just an excuse so he can buy a 2GB memory card!! ehehe) with all the mp3s that kept me sane for the last two weeks.

I got lost a couple of times already (taking the wrong van going to Muang Thong Thani, for example) and embarassed myself with my loud big mouth. My heart is on the verge of falling from a cliff and my mind is starting to ask me, "What the hell are you doing here?"

Well, I really don't know why I am here but I'm thankful for all my friends whom I can talk to, and just spend a good laugh trip.

These pictures were taken during these past weeks, using the phone I bought at The Mall with Toto, Zadel and Ching.

I miss Pilipinas!

Wednesday, August 27, 2008

Bloopers Na Naman Ako

Lagi talaga kong nabibiktima ng mga ganito.

Sabi ni Zadel, never pa ako nagkaroon ng crush na hindi nalaman ng crush ko na sruch ko siya. Masyado daw kasi akong halata kapag nagkaka-crush. At ganun na naman ang nangyari this time, though hindi ako 100% sure. Medyo 90% lang ganyan. Ganito kasi ang nangyari:

Tumawag si Zadel sa akin kasi break time niya sa class niya. Wala rin naman akong ginagawa kasi kakatapos lang naming mag-lunch ni Kissy. I was planning to go to the computer lab to finish our assignment for Dr. Nowarat's class pero since tumawag si Zadel, chika-chika muna.

So chinika ko na sa kanya na may crush nga ako dito. So kinuwento ko sa kanya kung paano ko nakilala, at kung bakit ko siya crush. Kinuwento ko rin sa kanya na nakita ko siya kagabi doon sa film showing ng Dark Knight sa AITCC, at kung gaano ka-cute ang smile niya kagabi sa akin. Mga ganyang tipo. Kinuwneto ko rin sa kanya na magkakilala si Kissy at si crush, at super available pa si crush.

Hanggang sa napasarap na ang kuwentuhan. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang boses ko, pero alam ninyo naman na malakas talaga ang boses ko (at base pa ang tone.) Tapos, sinabi ko rin ang mga "pointers" na binigay ni Kissy. Sabi ni Zadel, parang "How to win a (insert nationality here)'s heart" ang drama. E namali si Zadel ng nationality na binanggit. Kinorek ko. After a few seconds... as in few seconds...

SUMULPOT NA LANG SIYA!!! NAKASMILE SA AKIN!!! Galing siya dun sa may bandang library e nakatalikod ako dun kaya hindi ko siya napansin na paparating pala siya sakay ng bike niya!!!

Waaaaaaaaaahhhhhhhh...

Hay naku, the whole time na nagchichikahan kami ni Zadel e nagpi-Filipino ako para nga naman madali ko matago ang chika ko sa mga tao dito. Kung kelan naman ako ng English saka naman dumaan! At malamang narinig niya yung sinabi ko kasi malakas nga akong magsalita!

Damn! Ano ba yan...

Tapos kakaiba pa 'yung pagsmile niya kanina! Para bang sinasabi sa'yo na, "Uy, narinig ko 'yun! Crush mo ako nu?" Waaaahhhh... Anuvayan!!!

Oh well... nagsusumixteen lang!!! ahehehe

Monday, August 25, 2008

Don't smile, baka mahulog ako



Hindi kita kilala. Hindi ko nga alam ang first name mo e. Kilala lang kita sa apelyido mo at madalas, mali pa ang pagbigkas ko sa pangalan mo. Pero natutuwa ako kapag nakikita kita.

Hindi mo rin naman talaga ako kilala pero sa tuwing nakikita mo ako lagi mo akong tinatanong kung kamusta na ako. And you're always telling me that I will be fine here and that I don't need to worry that much.

And I appreciate that.

But still, I don't know you...


(Kanina ko lang naisip na gwapo ka pala... :D)

Saturday, August 23, 2008

First Week Gaga




I had one tough week. As in gusto ko nang lumipad pauwing Pilipinas, pero siyempre, hindi ko pwedeng gawin yun. These are the photos I took while killing time. Most of the time mag-isa lang ako at pakalat-kalat sa AIT. Kahapon, friday, nawala pa ako paghahanap ng masasakyan papuntang Bangkok. Buti na lang mabait si Oyeng at hinintay pa rin niya ako sa BTS (Bangkok Train Station.)

Wednesday, August 20, 2008

When It rains, it pours!

Ahahaha... "when it rains, it's four!" Ka-level niyan ang "I told you not to go to but you go to. Now look at!" (in tagalog, "sabi ko sayo wag kang pumunta dun pero pumunta ka pa rin. Ngayon tingnan mo!) Ahahahaha. Baliw!

Wala akong pasok ngayong araw na ito. Parang yung dating gawi sa UP, wednesday walang pasok. Pero hindi ibig sabihin walang pasok lahat. Hehe, nagkataon lang na wala akong pasok kapag wednesday. So, nagpunta ako sa Language Center dahil "required" ang lahat na kumuha ng English Test kahit 'yung mga Kano at European. Hmmm... weird nu! But anyway, so ayun na nga. Pero bago ako pumunta doon, dumaan muna ako sa computer lab at nagcheck ng mails. After nun, bumaba na ako para nga pumunta na diyan sa exam kiorvs na yan. Pagbaba ko, asus! May nakita akong super-mega familiar na face! Si KISSY!!!

Yes, mga kapatid, si Kissy Sumaylo na dating AMiCUS na matagal nang hindi nagpapakita ay nandito pala sa mahiwagang kaharian ng Thailand! At nasa AIT pa siya. Graduate na daw siya at nagtatrabaho na dito. Hindi ko lang sure kung staff siya or nagtuturo na rin. Hindi kami masyadong nakapagchikahan kasi late na ako sa exam na yan pero at least, nung makita ko siya, parang mas gumaan ang mundo! Yun lang. super tagal ko nang kakilala si Kissy. Third year pa lang ako sa college kilala ko na siya. Nakarating na rin siya sa bahay namin sa Laguna at madalas naming kachikahan sa tambayan, sa church, sa kung saan-saan. Pero siyempre after niyang grumadweyt, medyo hindi na kami madalas magkita at ang pagkikita naming ito ay super surprise sa aming dalawa. Of course nagtataka siya anong ginagawa ko sa E-AY-TE (AIT, hehehe) samantalang alam niya na writing talaga ang course ko dati. Oh well, ako rin nagtataka bakit ako nandito. Pero hindi naman ako mapapadpad dito kung walang purpose diba? Ahehehe...

Ayun, bukod kay Kissy, kinukulit ko na lahat ng Pinoy na makita ko dito. Actually kahit yung hindi pinoy kinukulit ko na rin. Tawa nang tawa sa akin yung dormmate ko na Vietnamese, si Hang. Nagchikahan kasi kami kagabi at ayun, pareho kaming mahilig sa Japanese culture particularly anime and manga. Ahahaha! Sabi niya gusto niya raw makarating sa Pilipinas kaya lang pareho kaming under scholarship at kailangan naming mapasa 'yung mga subjects namin bago kami makapagliwaliw. Sabi ko sa kanya, ipapasa namin yung mga yun! Para makagala naman siya sa Pilipinas. At para makarating na rin ako sa Vietnam at nang tama na ang costume ko sa next time na mag-Vietnamese outfit ako para hindi naman na ako mapagkamalan ni Isko na Cambodian! Ahahahahaha

Oh well, hindi pa tapos ang araw ko. Mamaya, pupunta ako sa Future Park (mag-aadventure ako papunta doon. Sasakay ako ng public transport! Ngiiii... good luck sa akin! Igagala daw kasi ako ni Oyeng at para na rin makabili ng plantsa! Ahahaha! Naaalala ko tuloy ang dalawang kikay housemates kong sina arjay at amer, na kahit saan pumunta, mapa-Sagada pa 'yan o Bontoc, plantsa talaga ang unang dala-dala! Ahahaha)

Wish me luck! Hihihihi