Ahahaha... "when it rains, it's four!" Ka-level niyan ang "I told you not to go to but you go to. Now look at!" (in tagalog, "sabi ko sayo wag kang pumunta dun pero pumunta ka pa rin. Ngayon tingnan mo!) Ahahahaha. Baliw!
Wala akong pasok ngayong araw na ito. Parang yung dating gawi sa UP, wednesday walang pasok. Pero hindi ibig sabihin walang pasok lahat. Hehe, nagkataon lang na wala akong pasok kapag wednesday. So, nagpunta ako sa Language Center dahil "required" ang lahat na kumuha ng English Test kahit 'yung mga Kano at European. Hmmm... weird nu! But anyway, so ayun na nga. Pero bago ako pumunta doon, dumaan muna ako sa computer lab at nagcheck ng mails. After nun, bumaba na ako para nga pumunta na diyan sa exam kiorvs na yan. Pagbaba ko, asus! May nakita akong super-mega familiar na face! Si KISSY!!!
Yes, mga kapatid, si Kissy Sumaylo na dating AMiCUS na matagal nang hindi nagpapakita ay nandito pala sa mahiwagang kaharian ng Thailand! At nasa AIT pa siya. Graduate na daw siya at nagtatrabaho na dito. Hindi ko lang sure kung staff siya or nagtuturo na rin. Hindi kami masyadong nakapagchikahan kasi late na ako sa exam na yan pero at least, nung makita ko siya, parang mas gumaan ang mundo! Yun lang. super tagal ko nang kakilala si Kissy. Third year pa lang ako sa college kilala ko na siya. Nakarating na rin siya sa bahay namin sa Laguna at madalas naming kachikahan sa tambayan, sa church, sa kung saan-saan. Pero siyempre after niyang grumadweyt, medyo hindi na kami madalas magkita at ang pagkikita naming ito ay super surprise sa aming dalawa. Of course nagtataka siya anong ginagawa ko sa E-AY-TE (AIT, hehehe) samantalang alam niya na writing talaga ang course ko dati. Oh well, ako rin nagtataka bakit ako nandito. Pero hindi naman ako mapapadpad dito kung walang purpose diba? Ahehehe...
Ayun, bukod kay Kissy, kinukulit ko na lahat ng Pinoy na makita ko dito. Actually kahit yung hindi pinoy kinukulit ko na rin. Tawa nang tawa sa akin yung dormmate ko na Vietnamese, si Hang. Nagchikahan kasi kami kagabi at ayun, pareho kaming mahilig sa Japanese culture particularly anime and manga. Ahahaha! Sabi niya gusto niya raw makarating sa Pilipinas kaya lang pareho kaming under scholarship at kailangan naming mapasa 'yung mga subjects namin bago kami makapagliwaliw. Sabi ko sa kanya, ipapasa namin yung mga yun! Para makagala naman siya sa Pilipinas. At para makarating na rin ako sa Vietnam at nang tama na ang costume ko sa next time na mag-Vietnamese outfit ako para hindi naman na ako mapagkamalan ni Isko na Cambodian! Ahahahahaha
Oh well, hindi pa tapos ang araw ko. Mamaya, pupunta ako sa Future Park (mag-aadventure ako papunta doon. Sasakay ako ng public transport! Ngiiii... good luck sa akin! Igagala daw kasi ako ni Oyeng at para na rin makabili ng plantsa! Ahahaha! Naaalala ko tuloy ang dalawang kikay housemates kong sina arjay at amer, na kahit saan pumunta, mapa-Sagada pa 'yan o Bontoc, plantsa talaga ang unang dala-dala! Ahahaha)
Wish me luck! Hihihihi
sabi ko sa yo nandyan si kissy eh!
ReplyDeletehehehe buti naman madami kang matatakbuhan dyan...
te ligs! regards na din kay oyeng pala! hahaha! ismolworld
ReplyDeleteliit ng mundo. :-) enjoy your adventure!
ReplyDeletemay ka name ako na housemate mo?bihira yan!
ReplyDeletehaha... meron pero payat siya tsaka maputi!!! Ahehehe
ReplyDeleteaha, dapat sinabi mo na lang ka opposite ko..hehe
ReplyDelete