Wednesday, August 6, 2008

Bungol


"Nakakasawa rin palang mag-ilusyon 'no?"

Haayyyy... (sabay hikab) nakakatamad! Parang tugtog sa media player na naka-loop, paulit-ulit lang, at nakakasawa. Hindi mo naman kailangang pakinggan pero dahil noong una ay naaaliw ka, 'yun lang ang pinakinggang mo hanggang sa nasusuya ka na. Gusto mo nang isuka ang kantang pinapakinggan mo.

Humanap ka ng ibang mapaglilibangan. 'Yung bago, 'yung mas exciting. Sa madaling salita, 'yung mas mahirap kaysa sa dati, 'yung mahirap maarok, mahirap maunawaan, mahirap maabot. Pero sa kalaunan, tinamad ka na rin. Nagsawa. Paulit-ulit ka lang na tinatamad, na nagsasawa.

Hanggang ilusyon mo na lang ang binalingan mo. Pero kung akala mo masu-sustain ka ng imahinasyong hindi nasasaklaw ng realidad, medyo nagkamali ka rin doon. Dahil mas nakakabato pala 'yun. Kasi kaya mong gumawa ng sariling ending. Dahil ilusyon mo lang. At walang kahit anong excitement. Dahil nahuhulaan ng sarili mo ang plot ng ilusyon mo. Sisimulan mo pa lang, nababato ka na.

Wala. Hindi mo na tuloy alam ang gagawin mo. Kaya katahimikan at kawalan na lang ang pinagdiskitahan mo. Hinila ka sa pagkakatulog. At buong magdamag kang natutulog na hindi nananaginip. Napagod ka sa katamaran mo. Pati panaginip mo wala nang lakas na magpatuloy sa gabi. Pero mas mabuti 'yun para kahit minsan, manahimik naman ang nag-aalburuto mong isipan, at nang sa paggising mo, makalimutan mong ikaw ang ilusyon, at hindi ka umiiral.

 

4 comments:

  1. Ligay! Akyat tayo Mt. Apo sa October 31? hehehe

    ReplyDelete
  2. 'day, hindi mo ba nababasa ang mga post ko 'day? gusto ko 'yan pero 'day late ka naman ng yaya e... lalaboy ako next week dibha? :D

    ReplyDelete
  3. masarap na katamaran
    kadalasan walang patutunguhan
    pero bawal bang mag-ilusyon at kahit sandali iwan ang kamunduhan
    at maligaw sa kawalan?

    ReplyDelete
  4. hindi naman bawal... addictive lang! So parang bawal na rin! Ahahahaha

    ReplyDelete