This place is so much different from UP Diliman and even UP Baguio. Walang shopping center na pwede mong mabilhan ng lahat ng pangangailangan mo. Meron nga ditong mga convenience store pero actually, hindi siya convenient puntahan. Bakit? Una, wala naman dun ang mga kailangan mo. Pangalawa, hindi mo maintindihan ang mga nakasulat. At pangatlo, hindi ka nila magets. Oh well, ano ba ang irereklamo ko, hindi naman ako tagarito. So I'm planning to take a crash course on Thai Language this September dito sa school. 1500 baht ang bayad. Sana magkasya ang datung ko diba. Hay.
I can't call my mom. I can't call my friends kahit yung mga nasa Bangkok dahil ang aking mahiwagang sim ay hindi gumagana sa aking mahiwagang phone. Buti pa yung Globe sim card ko na nakaroaming, kahit papaano gumagana at nakakatanggap ako ng messages from the Philippines. Hay...
But fortunately, at God's grace talaga, may mga nami-meet ako na mga astig na tao dito sa campus. Noong monday, habang nagmumuni-muni/super late lunch/ naiiyak moments/ pagod moments dahil sa mga anik-anik at mabigat na bag at pangit na dorm, ay namit ko ang VP for Development and Resources na taga-Burma. Ngachikahan kami at later on ayun, binigay niya yung email address niya at mobile phone, sakali daw na malungkot ako, we can have dinner or something. Actually, inivite niya pa ako sa isang function, Indonesian day daw, e ang lola ninyo, walang dalang pormal-pormalan na damit! Ayun, hindi ako nakasama. She's so nice! ILang beses na daw siya nakarating sa Manila at advice niya sa akin, mag-aral lang ako dahil madali lang ang two years. Pwede ko naman daw siyang tawagan in case na wala akong kasama at gusto ko ng kausap.
And just today, nameet ko yung pinay kong classmate at Adventist pa siya. May Tita siya na dito rin nag-aaral so dun kami naglunch kanina. Dun din ako naki-internet, nakiYM kasi walang YM dito sa computer lab. Ayun.
Then yung dormmate ko na Vietnamese, super nice din. Ahehe. Bumili kami kanina ng planggana kasi hindi namin alam pano namin lalabhan ang aming mga damit. Though may laundry service dito.
Namit ko na rin yung adviser ko (advisor ang tawag nila!) Marami ring Pinoy sa mga offices dito, dun sa CIDA, dun sa Scholarship, dun sa Gender. Haaayyy.
Pero sad pa rin sa room kapag umuuwi ako kaya kapag nakuha ko yung allowance ko, ia-avail ko ang 50% laptop subsidy para sa student na kagaya ko. Ahehehe. So sa mga pinagkakautangan ko, wait lang ng konti ha. Darating tayo sa pagbabayad sa inyo kasi kailangan ng down payment na 6250 baht. yun pa lang naman. Yung other 6250 baht, kahit next year ko na bayaran. ahehehe. Yes, yun lang ang babayaran ko! ahehe. Pero promise, babayaran ko rin kayo. Wait lang ng konti kasi kailangan ko rin ng laptop para sa skul e.
There, para na akong si Rica. Im counting every Sabbath na dadaan kasi makikita ko sina Babes nun or si Zadel. Hay. Sana makasurvive pa ako hanggang May 25, 2010. Or mag-iipon ako para makauwi sa december. There. I'm not having so much fun but what can I do! I chose this so I have to endure! Hay...
kaya yan xaiui! :) blog lang ng blog para ma-i-vent ang mga emosyon na yan! hehe
ReplyDeletewow! dont worry ligs, you'll be fine. :) miss you!!!
ReplyDeletesabi sa film na dan in real life, "plan to be surprised."
ReplyDeleteadjustment period lang yan...things'll get better. :-)
God bless Xiao! *mwah*
2010?? tagal mo pa dyan! pero i know you'll love thailand. sa simula lang yan. nakakalungkot sa simula pero exciting din. wag lang ikaw mawala at talagang hindi ka maiintindihan ng mga nasa sidewalks kung humingi ka ng instructions. tapos sa grocery halos puro thai ang nakasulat. hehehe! hmm i should blog about this. try ko nga! ingats palagi!
ReplyDeletebase sa kwento mo dear, you're enjoying your first week in thailand. hehehe mas exciting kaya yan kasi daming bagong experience. :-) sana makabili ka na ng laptop para mas mapadalas ang iyong pagba-blog. hehehe
ReplyDeletehay naku... sana nga maavail ko dahil ang mahiwaga kong allowance ay baka next week pa dumating. deadline nung laptop subsidy sa friday. i only have 3300 baht. damn.
ReplyDeletehi te xiaui! YOU CAN DO IT through GOD'S GRACE! :) Keep your head up always. We miss you!
ReplyDeletekainis! Namimiss na kita! Anuvayan! Tulo-uhog na ako dito sa Comp Lab. Ahehehe... Anyway, please pray for me lagi ha! Sumama ka kina atez! Ay hindi pala pwede dahil may Estragel! Ayun pa, mamimiss ko ang estragel. I'll email you the script on friday. Promise! :D
ReplyDeleteano ba yan, nagdadrama ka na naman jan! haynaku hehe ayusin mo na yan manay xiaui...
ReplyDeletebaket, kelan ba bawal magdrama nu? haler! ahehehe alam mu namang drama queen lang talaga aku. spice yan ng buhay! Hahahahaha!!!
ReplyDelete