Wednesday, October 3, 2007

CRUSH(ED)

Gusto n'yo bang masulyapan ang crushlife ko? Eto, magsawa kayo. Walang pattern 'yan. Baliw kasi ako. Hahaha

Crush#1. Wala akong crush no.1, as in 'yung una sa listahan. Kasi 'yung posisyong ito ay nakalaan para sa taong magtatangkang magkagusto sa baliw na tulad ko, tapos gusto ko rin. Hehehe... Kaya wala pang crush#1.

Crush#2. Crush ko siya since highschool at almost 10 years ko na siyang hindi nakikita though sa loob ng mahabang panahon na ito e lagi siyang bumibisita sa panaginip ko. Hindi ko alam kung nasaan na siya pero siya lang kasi 'yung crush ko na nanginig ako e. Hehehe.. Sabi ni Ails, "super delisyoso" daw si crush#1. Actually, totoo 'yun. Naaalala ko 'yung pang-ee-SB (as in Simpleng Banat) ko noong highschool sa kanya. Hahaha, tuwing Applied Research namin (meaning paggagamas ng sandamakmak na damo), lagi akong pumupuwesto dun sa pwede ko siyang makita. E lagi siyang walang shirt kapag naggagamas... Damn!!! Ang ganda ng katawan! Nakakaloka siya kapag hinahagod niya yung malambot niyang buhok... hehehe... hindi nga lang siya matangkad.

Crush#3. Tawagin natin siyang Mission Impossible 1. Hindi naman niya kamukha si Tom Cruise pero hindi rin naman nahuhuli ang kanyang itsura. Pinaka-recent ko siyang crush at sa lahat ng may kakilala sa kanya, batok ang abot ko sa tuwing ikinukuwento ko ang pagkacrush ko sa kanya. Kasi hindi pwede e, kaya nga mission impossible diba? Hehehe... Bakit ko siya crush? Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Ahahahaha... Mahilig lang siguro akong "tumawid sa mga impossibilities" hehehehe.. cute siya e, tapos mahusay na tao, mabait... hahaha... napakageneric... (with matching background music "Eto na naman ako sa aking kabaliwan...") Hehehe

Crush#4. Siya si Mission Impossible 2, kasi tulad ni MI1, hindi rin pwede. May kagwapuhan din siyang taglay, kahit minsan ang kapal na ng face niya. Ahahaha... Makulit siya. At mahilig ako sa makukulit na tao. Pero hanggang dun lang kasi di rin pwede. Makakasuhan ako, cradle snatching! Hahahaha

Crush#5. Barbeque naman ang tawag ko sa kanya. Hindi tulad ni MI2, hindi siya masyadong imposible. Magaling tumugtog ng gitara, magaling ding kumanta. Madalas kaming magpalitan ng nakakatawang messages, dati, pero busy yata ngayon. Hindi ko na rin siya masyadong nakakahuntahan at nakikita. Kaya bumaba siya sa listahan. Tapos, naasar din pala ako sa kanya kasi may tinext siya sa akin na nakakapikon. Nauso daw ang "Love is blind" dahil sa akin!!! Nakakainis! Hmp.

Crush#6. Si Lui. Ahahaha... muntik ko nang makalimutan. Orgmate ko siya sa AMiCUS at kasama din sa church at sa Sulok ('yung prod grup namin sa Manila). May picture siya dito. Makulit din siyang bata, super, at napakadaldal, my golly!!! Ang daming baong kuwento, hindi nauubusan. Kaya lang, bata. At saka may crush 'yung friend ko sa kanya e, mukhang nagkakamabutihan na nga sila e. Ahehehe

Crush#7. Si Lolliboy. Hahahaha. Actually, hindi masyado. Hindi masyadong stricking ang beauty. Mukha pang hindi naliligo. Peace!!! Na-curios lang ako kung sino siya. Nung nalaman ko, 10 seconds ko siyang crush tapos after nun, hindi na. Ahahaha

Mga Dati kong Crush

Knight of the Moonlight. Hahahaha... ito ang tawag niya sa sarili niya dati! Kamusta naman! For a time, naging super friend ko siya, Bestfriend pa nga yung tawag ko dati e. Pero dati 'yun. Nagpapalitan kami dati ng sulat hanggang sa nagkaproblema (ako, kasi na-inlove ang lolah mo sa kanya pero inlove siya sa iba.) ayun, may asawa na siya ngayon at abay ako sa kasal niya. Hahaha

Guitar Man. Sexy ang pangalan ng gitara niya. Hindi siya gwapo pero sa hindi ko maintindihang dahilan, napakaraming nahumaling sa taong ito. Mabait daw kasi. Magaling tumugtog ng gitara at piano. 'Yun nga lang, kapag kumanta na siya, tagaktak ang pawis kasi may stage-fright ang lolo nyo! Hahaha.

Ang Amo ni Ycrat. Hahaha. Gaga lang talaga ako. Mahilig sa mga artist kunyari. FA siya e. Matanda sa akin, pero mas pasaway. Gusto niya 'yung pinsan ko pero ayaw ng pinsan ko sa kanya. Ikakasal na rin siya. Ahahahaha...

Jumong... Hehehe... Kamukha niya si Jumong, promise! Crush ko nung highschool, kaklase ko. Matagal din 'yun, mga 4 years pero yung barkada ko yung gusto niya e (ewan ko lang kung hanggang ngayon... hehehehe) Ayun. Mabait ito, sinasaway niya ako kapag nalalasing na ako at nakikipag-away sa mga kainuman tungkol sa "social injustice" at "social inequality"... hahaha

Mr. Tall, Dark, and Handsome. Siya kung crush kong kamukha ni Richard Gomez, pero hindi ko alam ang kanyang name at hindi kami nagkaroon ng time na magkakilala though laging nagtatagpo ang aming mga mata sa tuwing nagkakatagpo kami sa Diliman.

Ayun, marami pa sila pero pagod na akong mag-type. Saka na 'yung iba. Hehehe

7 comments:

  1. panalo! hahaha. may mga scarcity sa totoo lang ng crushes these days. siguro parang pandesal yan, nilalako lang kapag tulog pa ako- hindi ko tuloy nalalasap ang malambot na loob niyang masarap daw isawsaw sa kape. haha.

    ReplyDelete
  2. hahaha! Grabeng dami ah! ang kilala ko lang sina Crush #1, Knight of the Moonlight, at Jumong.

    ReplyDelete
  3. cradle snatching... ahahah sounds like xiaui talaga hahaha
    may kilala ba ako dyan?!?!
    naikwento mo yata sakin yung iba dyan eh :p cant say which nga lang...hahah memory gap

    ReplyDelete
  4. ahahaha... oo, may kilala ka jan... gusto mo malaman kung sino? hehehe... nakwento ko yata si crush #2 at crush #5. Hehehe... musta? wala na daw bf si twinkle ngayon... syempre ibinida na kita sa kanya... hehehe

    ReplyDelete