"Bahay kubo, kahit munti..."
Sa totoo lang, parang wala na akong bahay ngayon. Kundi lang super bait ni Kuya sa pagbibigay niya ng extension sa akin hanggang friday, naku, camping sa Session Road siguro ang aabutin ko. Hanggang noong 15 na lang kasi ang bayad namin sa bahay. Hindi na kami nagbayad kasi aalis na rin naman kami. Ang problema, hanggang ngayon ay wala pa rin kaming makitang bagong lilipatan.
Kahapon ng hapon, habang papalubog ang araw (dahil ito lang ang oras na maisisingit namin ang paghahanap ng bahay dahil ngarag season na naman sa dami ng papel na kailangang tsekan), ay naglibot kami ni Amer paghahanap ng bahay na may apat na kuwarto, hindi masyadong malayo, at walang aso sa paligid! And of course, hindi naman eksaherado sa mahal.
Unang destinasyon, Pacdal. May lugar dun na magaganda ang mga bahay, pero puro transient lang e. Tapos lakad pa ulit kami. Nakaabot yata kami sa Maria Basa. Pagdating namin dun, may nakita kaming nakapaskil na "HOUSE FOR RENT". So, mega tanong kami. Si Ate na napagtanungan namin, medyo galit yata kung sumagot, pero hindi naman pala. Naiirita lang siguro sa amin kasi hindi namin siya ma-gets. Sabi niya kasi, "Dun sa kalyeng 'yun." Ayy, 'day, maraming kalye, ano? Hanggang sa nagkalinawan na rin. Sabi niya, "Akala n'yo pababa, pero pataas 'yan." E, pataas naman pala talaga ito. Hanapin daw namin si Jacinta Bukneg. My golly. Naghagilap ang mga utaw, walang nakitang Jacinta Bukneg. Muntik pa kaming kagatin ng aso. Ayy, gudluk. Ayun, may isa pa kaming nakita kaya lang two rooms lang e.
Ang huling destinasyon namin kahapon ay sa... (dyaran!!!!) sa Pinsao Pilot. Hindi ko naman alam na ang lokasyon pala ng lugar na ito ay sa "pagitan ng langit at lupa". Ahahahaha... Tuktok ito ng bundok. Hanep sa adventure, kamusta naman. Nakakaloka 'yung lugar kasi pakiramdam ko wala ako sa Pilipinas. Pwedeng-pwedeng pag-shooting-an ng isang Korean movie, pero pekeng Korea pala. Ahahaha... Tuktok nga kasi talaga ito ng bundok (pwedeng-pwedeng tamaan ng kidlat, mga atez... hehehehe). In fairness, maayos naman 'yung lugar pero kasi, mas malayo pa siya dun sa bahay namin ngayon sa Aurora Hill.
Ayun, wala pa rin kaming nahahanap na bahay hanggang ngayon. Bukas ulit. At sana may makita na kami dahil kung hindi kami makakita bago matapos ang Oktubre, ayy, humanda na ang mga manong sa Session dahil magkakaroon sila ng bagong kalye-mate. Ahehehe.
Wag naman sana.
c amer na b ang bagong housemate?what happened to arjay? :)
ReplyDeletehousemate ko pa rin si arellano 'no... hindi ko siya iiwan!!! AHAHAHAHAHA... yuck! Nagbabalak lang kaming kumuha ng bagong lugar kasi malayo ang bahay, pangalawa para masaya! Ahahaha, labo ng rason. Basta ganun. Marami kasing plano next sem sa office kaya kailangang mabawasan ang travel time namin. Ayun. Parang ganun.
ReplyDelete