Sabi ni Arjay, makakarma din daw ako sa ginawa kong pambibiro sa kanya dati. Masamang biro naman kasi 'yung ginawa namin sa kanya. And true enough, nakarma na nga ako, kanina lang.
Isang araw kasi na nananahimik ang buhay ko, nagtext si Tita Nonie sa akin. May friend daw siya na may pamangkin, nasa PMA. Hintayin ko daw ang text ng pamangkin ng friend niya at kilatisin ko daw. At dahil nagwo-worry ang buong pamilya ko sa lovelife ko, kung kani-kanino nila ako inirereto, concerned lang naman sila.
Sa totoo, hindi talaga ako mahilig mang-entertain ng mga ganito e since pamangkin siya ng friend ng Tita ko, hindi ako pwedeng magtaray. So nagtext na nga si Mr. PMA, na sa totoo e kapitan na. Knowing my beautiful self, alam kong walang patutunguhan ito dahil unang-una, hindi ako bilib sa mga militar. Magkaiba kami ng pinaniniwalaang ideolohiya. E since pamangkin nga siya ng friend ng Tita ko, hindi ko siya pwedeng basta taray-tarayan. Nakakainis. So mega entertain naman ako, kahit unang text pa lang niya e alam ko na na mababato lang ako sa taong ito. Kasi naman, kung kilala n'yo ang mga crush ko, medyo may mga kawirduhang taglay, may something, may excitement, may "twist" ang kwento, ang karakter, ganun... E sa kanya, na se-sense ko na boring na tao ito. Plus, 30 plus na siya. E ang paniniwala ko, kapag lalaki ka at umabot ka sa 30 na wala pang asawa o kaya girlfriend, either malaki ang problema mo sa personalidad o kaya e hindi ka kagwapuhan, na nagiging pathetic ka.
Ayun, so dahil sa hindi nga ako makapagsungit at makapagtaray plus i gave some space to the "benefit of the doubt", inentertain ko naman ng maayos ang taong ito sa text. At dapat last week pa kami magkikita kasi naa-agit na nga akong malaman kung may itsura ba o kahit karakter na lang. Hindi natuloy (buti na lang!!!) kasi bumaba ako. Tapos ayun, pagbalik ko dito, sabi niya magkita daw kami ng Monday. E para magkahusgahan na rin, pumayag ang lola nyo, pero hesitant ako.
Tapos kanina, nag-lunch kami ni Mangrovs sa SM. Bigla siyang nagtext, nagtatanong kung nasaan ako. E hindi ako sinungaling, well, madalas hindi ako sinungaling, sinabi ko nasa SM ako. At hinanting ako. Ayun, nakita ko siya, at naku!!! Naku na lang ang sasabihin ko.
To cut the long pang-ookray short, hindi ko siya type. At kahit naman hindi kami in good terms ng tatay ko e masasabi ko naman na mas mukha pang binata ang tatay ko kaysa sa kanya. Sorry, i'm just being honest. Tama ang lahat ng hinala ko. Buti na lang talaga at kasama ko si Mangrovs kanina, may maganda akong alibi. Sabi ko may pupuntahan kami, which is actually true.
Now the problem is, may Monday pang naka-schedule!!! SHET!!! Hindi ko alam ang gagawin kong alibi kasi alam niyang sa UP ako nagtuturo. Naisip kong magpalit ng number (or better yet, bumili ng bagong phone with matching bagong sim), o kaya e magpanggap na may boyfriend na ako (ang problema, sinong pwedeng hatakin? or pwedeng tumutoo, hehehe), o kaya e busy ako (na totoo rin naman), o kaya e sabihin ko na lang na LESBIANA ako para matigil na ang kung anumang achuchuchu. Sabi ni Amer, sabihin ko daw na may emergency na kiorvs sa Batad. Ahahaha... Hindi ko na alam. Sabi ni Tita, wag daw akong masyadong maging harsh kasi KAPITAN ito ng MILITAR!!! Baka i-salvage ako!!! Harharhar!!!
Hay naku, karma nga naman. At feeling ko, marami pang parating na karma. Kainis!!! E bakit ba, kaysa naman magpaasa ako o kaya e pilitin ko ang sarili ko sa mga bagay (o tao) na hindi ko gusto 'no? Haller!!!
So ayun. I still don't know what to do. Pero isa lang ang sigurado, hindi ako sisipot sa Lunes. 300 plus papers pa ang kailangan kong tsekan 'no plus 150 na "Pagong at Matsing". At tsaka, may iba akong date. mag-iimbento ako ng gagawin. Punyemas naman o. Hehehe
Hahaha! Lagot ka. pwede nya mabasa to dear! hehehe. siputin mo na lang at sabihin mo ng harapan na "sorry pare, hindi tayo talo." :-D
ReplyDeletedeadma kung mabasa niya. actually, mas okey nga na mabasa nya para lumugar naman siya sa dapat niyang kalagyan!!! HAhahahahaa... super sama ng ugali ko!!! Ahehehe
ReplyDelete