Kahit nagkakagulo na sa Makati dahil sa kudeta (daw... di pa ako sigurado kasi hindi pa ako nakakapakinig ng balita, at dahil brown out sa bahay kanina), para akong baliw na kinakabahan nang makita ko ang kanyang mahiwagang larawan. Oo, baliw na kung baliw, pero wala akong pakialam. Siyam na taon ko siyang hindi nakita at ngayon ko na lamang din nakita ang itsura niya dahil nga sa larawan sa friendster.
Medyo mataba na siya kaysa sa dati, at inaamin ko, medyo hindi na siya kasinggwapo tulad ng inaasahan ko. Pero natutuwa pa rin ako't kahit papaano'y nasilayan ko kung anong itsura niya ngayon.
Magkikita kami sa Disyembre, sana, dahil kasal ng pinsan niya na kakaklase ko noong highschool, at reunion din ng batch namin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Siguro dahil sa sobrang tagal na ng huli naming pagkikita. O dahil sadyang siya lang ang taong nagpapakaba sa akin. (shit, ang korni ko!!!)
Alam kong malaki ang kagagahan na ginawa ko dati. Hindi ko ginawa ang dapat sana'y ginawa ko noon. Napakaraming pagkakataon ang pinalampas ko, para makasama siya at makausap. Masyado kasi akong nahiya, iniwasan siya, dinedma na tila ba hindi kami magkakilala. Oh well, dahil lang yun sa simpleng rason -- kinakabahan talaga ako, speechless, at may nginig ng tuhod effect pang kasama!
Pinalampas ko ang pagkakataong magkausap kami pagkatapos ng dalawang taong hindi pagkikita. Dalawang monobloock chairs lang ang pumapagitan sa amin. Bumalik pa siya mula sa labas, umupo na halos magkatabi kami. Naghintay. At naghintay. At ako, nanginginig malapit sa kanya, naghihintay din na magsalita siya. Kahit isang "hi" man lang, o simpleng pagbati, o kaya "huy"... pero wala. Walang natinag sa aming dalawa.
Pinalampas ko rin ang pagkakataong makausap siya nang binigay ko ang imbitasyon para sa kaarawan ko. Tinitigan niya lamang ako. At tumitig lang din ako sa kanya. Hanggang sa nangatog ang tuhod ko. At hindi ko na siya nakausap nang matino.
Pinalampas ko rin ang pagkakataong halikan niya ako, kahit sa pisngi. Pinalampas ko ang pagkakataong makipagkuwentuhan sa kanya, kahit isang gabi.
Pagkatapos nang maraming pagpapalampas na ito, hindi ko na siya nakita. At hanggang ngayon a maasa na muli ko siyang makita.
Madalas ko siyang mapanaginipan sa mga panahong pre-occupied ang utak ko sa ibang mga bagay, o tao. Sumusulpot siya sa panaginip ko, nagpapsaya, at minsan'y nagsasabing "Wag kang mag-alala, love naman kita e."
Kung sana lang ay pareho kami ng nararamdaman.
Sana naman mapagbigyan kami (o ako lang?) ng pagkakataon, kahit huli na, na magkasama, makapagkuwentuhan, magtawanan, magkulitan, tulad ng dati. At bahala na kung may girlfriend siya, o kung hindi niya ako gusto, o kung hindi ko na siya gusto.
Pagkatapos, lulubayan ko na ang pagnanasang ito. Sana lang mapagbigyan ako, kahit last na 'to.
hahahah naghahanap ka ba ng closure??
ReplyDelete:p isa ba yan sa mga naikwento mo sakin??
oo may kudeta kanina...lintek hindi pa ako tapos maglinis sa opisina pinapaalis na ako,,hehehe maiipon nanaman yun sa lunes bad trip
Yes, dear! hay... ang sad ng life... may kuwento pa ako sayo pero saka na lang...
ReplyDeleteang closure bow! ate xiaui, sana humarap ka sa table nung may ex-files morning na nagaganap at binabaha ang ating bahay hehe go ako sa closure na yan =D
ReplyDeletehahaha ayus yan, para medyo madami ulit tayo pag-kwekwentuhan(ikaw mostly heheh)
ReplyDeletei think di lang closure ito guys...it's a big WHAT IF? ;-p
ReplyDeleteAgree ako kay Tet!!! Hehehe...Mahirap ang mga namuong "What if" sa buhay... nakakainis at nakakapikon! Hehehe
ReplyDeletehehehe... :D 22 days na lang, magkikita na kami. kelangan PAYAT na ako!!! Hahahaha
ReplyDeletenaku naman ma'am xiaui! kung di ka payat e di hindi ako sexy! kaya payat ka! okay? haha!
ReplyDeletehaha! usapang payat na ba eto?! jogging na ulet tayo te xiaui!
ReplyDeletepara maiwasan ang mga what if: icheck ang lahat o wag na lang. pagnacheck na lahat ng dapat icheck (sa mga pagpipiliang kasagutan hehe), proceed na sa next question dapat hehe =D
paparazzi ako xiaui sa dec 23 at sa batch reunion natin. hahaha. i-prepare mo na lahat ng lines mo. at practice na rin ng pagngiti at pagtawa.:-)
ReplyDeletenow I understand...
ReplyDelete