Sunday, November 11, 2007

Sembreak Chronicles

SEMBREAK- panahong pinakahihintay ng mga estudyante. Noong nasa kolehiyo ako, ito ang pinakamasayang panahon dahil walang klase, walang exam, walang iniisip, pero wala ring baon. Ngayong guro na rin akong, isa ganoon pa rin ang "feel" ng sembreak dahil kung noong estudyante ako ay nangangarag ako at sembreak lang ang tanging pahinga, mas lalo na ngayon. Bakit? Dahil pagkatapos mangarag ng mga estudyante ko sa kanilang final exam at final papers (note: plural) ay ako naman ang mangangarag sa pagtse-check ng kanilang mga kapapelan.

Ngayong Oktubre, hindi lamang sa pagmumukmok sa bahay ang inatupag ko. Bukod sa panonood pa rin ng Anime at kung ano-anong pelikula sa cable, ito ang mga pinagkaabalahan ko sa loob lamang ng dalawang linggo.

VOLUNTEER KAMI!
Masarap ang pakiramdam kapag nakatulong. Bata pa lang ako ay iminulat na nina Lola at Mama ang mata namin (magpipinsan) sa pagtulong sa kapwa na walang hinihinginh kapalit. Noong nasa kolehiyo, ang org kong AMiCUS ay madalas magdaos ng Medical Mission sa kung saan-saan, maging pagbibigay ng libreng tutor sa mga batang nangangailangan ng dagdag na pagtuon sa kanilang pagkatuto.

Hanggang ngayon ay hilig ko talaga ng mga ganitong gawain. Kaya naman noong pumayag si Dean Calinawagan na sasama ako sa Departamento ng Komonikasyon sa kanilang Campus Journalism Workshop ay na-excite talaga ako. Sina Amer, Arjay, Dazzie at Marifi ang nagsipagturo at ako, ako lang naman ang DAKILANG documentor.


Sa mga lugar na nakasama ako bilang "taga-piktyur" ay naramdaman ko ang dedikasyon ng mga gurong ito sa kanilang trabaho at sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga kababayan. Kahit pagod na pagod na sa kasasalita ay hindi nila iniinda. Saludo talaga ako sa mga 'to.


Sobra ko ring na-enjoy ang pagiging documentor. Ang hilig ko rin sa sining ang nagbibigay ng "fuel" sa akin para sumama, magbuhat ng sandamukal na gamit, maglakad ng malayo, etc. At hindi ko pinagsisihan ang pagsama ko.


Bukod sa mga ito, nakakatuwang makihalubilo sa mga batang makukulit at bibo. Sabi nila, kung nasasaktan ka daw at ang iyong puso ay hindi alam kung paano kakayaning ngumiti, makipag-usap ka daw sa isang bata at gagaan ang iyong kalooban. Totoo 'yon! At sa mga pakikisalamuha namin sa kanila, maging kami'y maraming natutunan.

LABOY SESSION


Alangan namang mawala ang laboy, siyemre hindi. Pingad, Mt. Province ang destinasyon ngayong oktubre.

Napakaganda ng natural na ilaw sa lugar na ito. Ang gandang magpiktyur-piktyur! Hindi na kailangan ng flash. :D


Sa tatlong araw ng workshop, hindi pa kami nakagala pero isang katanghaliang tapat ay hinatak kami ni Maam Irene sa Viewdeck para makita ang nakatambad na kagandahan ng kalikasan.

Pagkatapos ng workshop, dumeretso kami sa Sagada para doon i-celebrate ang 25th birthday ni Amer. Sa Sagada:


Naghintay ng alas-12 para sa birthday ni Amer habang patong-patong ang damit,



Nag-agahan sa Yoghurt House,




Nag-caving sa Sumaging Cave,


Tumingin sa Hanging Coffins,


Sinorpresa si Amer ng banana cake,


Sumigaw sa Echo Valley,


At kumain ng Lemon Pie.


INDELIBLE INK
Pag-uwi ko sa amin, akala ko tatambay lang ako tulad ng ginagawa ko dati pero hindi. Dahil sa kinailangan kong rumaket ng pamasahe pabalik ng Baguio at dahil ayoko na ring mag-iniyak dahil sa galit sa mga pesteng @#$%&@#$%#, minabuti ko na lang na mag-serve sa baranggay election sa amin.

Bilang Third member, ako ang naglalagay ng "indelible ink" sa mga bumuboto. Maraming ayaw magpalagay, as if makakalusot sila sa akin. Sabi ko na lang sa kanila, patunay 'yan na isa kayong mahusay na mamamayan ng Pilipinas. Hindi ko nga lang alam kung pinaniwalaan nila ako.

UNDAS
Hindi kami natuloy ni Aileen na magkita dahil uber busy siya sa nalalapit na Milagrosa something sa amin. Saglit lang din ako sa pantyong (tawag sa sementeryo sa amin). Hindi rin nagsidatingan ang iba naming pinsan. Ang mga pinsan ko lang na nandoon ay mga lalaki at busy sa kanilang mga girlfriend. Ako, naiwan sa bahay, lumalamon ng suman na gawa ni Mama habang nagpapakasawa sa Anime.


Ayun. Pagdating ng Nobyembre 4, biyaheng Baguio na naman ako. Balik pagtuturo, at iindahin ang semestreng ng pamumulubi. Pero, keri lang naman. Sabi nga ni Arjay, "kelan naman tayo hindi naghirap?" Ngiti na lang, dahil sa Summer, mas mahabang paglalakbay ang magaganap. :D

11 comments:

  1. parang pumuslit lang po kayo ng lemon pie ah... ahahahha :)

    ReplyDelete
  2. para po sa akin, perpekto ang sembreak niyo. wala nang maihihiling pa :)

    ReplyDelete
  3. atez, nasisilaw ako sa huling pic. ahahaha! charing!
    mga walangya, naalala ko na naman na iniwan nio kami ni marifi at nagviewdeck!
    mga ayup, mga ayup! :-D
    buti na lang may pic ka pala ang most-loved slippers ko. haaaay... ang aking rice stalk brown na sinelas (Mang Kulas, pabili ng tsinelas) ay kasama sa bag kong napariwara sa bangkok. :-(

    ReplyDelete
  4. ahahaha... my solar disc sa noo ko, shet!!! ahahaha... :D

    ReplyDelete
  5. shoot.inggit ako to the highest level!!!

    ReplyDelete
  6. kainggit nga! buti ka pa nakarating na sa probinsya ng aking mahal na Hoseal. kaya lutuin ni seal yung kinain nyong rice na may curry powder at rosemary sa Yoghurt House. :)

    ReplyDelete
  7. wow naman, astig! turuan niya kamo ako! hehehe

    ReplyDelete