Thursday, January 24, 2008

Bababa ba? Bababa...

Habang sila'y nag-uusap tungkol sa teaching load nila next semester, ako'y nag-iisip kung papaano ko bibitbitin ang mga gamit ko pababa sa Manila.

Yes, i'm leaving Baguio.

Kailangan ko ng direksyon sa buhay. Kung mananatili ako dito, malaki ang posibilidad na paaalisin din ako pagkalipas ng ilan pang taon dahil sa hindi ko natapos na graduate studies ko. Kailangan ko na ring tapusin ang MA ko dahil nahuhuli na ako sa biyahe. Huling semestre na ng palugit na ibinigay sa akin para tapusin ang graduate studies ko.

Maraming rason sa aking pagbaba pero malungkot ako. Napamahal na ako sa Baguio at gusto ko na rito. Dito hindi pinagpapawisan ang paa at kamay ko. Dito, kaya lakarin ang SM, ang palengke, ang school mula sa bahay. Dito, mura ang gulay. Dito maganda ang apartment namin. Dito, maganda ang buhay.

Bukod sa lahat ng ito, ayokong iwan ang mga taong napamahal na sa akin. Gusto ko pa silang makasama. 'Yung mas matagal pa. Gusto ko pa ring magturo. Gusto ko pang mangulit sa mga estudyante ko. Marami pa akong gustong gawin dito.

Pero kailangan ko munang iwanan ang lahat ng ito, kahit isipin ko na lang na pansamantala. Dahil kung hindi ako ngayon kakabig, baka tuluyan na akong hindi makabalik dito.

Kaya sa lahat ng nakasama ko, sa lahat ng nakasalamuha ko, sa lahat ng napamahal na sa puso ko, mamimiss ko kayo. At hindi ako magsasawang alalahanin ang dalawang taong ating pinagsamahan, kahit saan pa ako dalhin ng aking mga paa.

Magkikita tayong muli. Promise po 'yun.

7 comments:

  1. mamimiss din kita ate xiaui. namimiss na nga kita o. T.T

    ReplyDelete
  2. amer, dazzie, baka nga ang mangyari niyan every weekend akong nandito sa baguio e. ahehehehe... thank you sa lahat po!!! Wabya!!! :D

    ReplyDelete
  3. laurice, patitirahin mo ba ako sa bahay nyo? ahehehe... ayoko sa dagohoy e... :D

    ReplyDelete
  4. hay xiao...kung may magagawa lang ako para hindi ka na bumaba gagawin ko...di bale, puwede kang mag-stay sa house namin tuwing aakyat ka. paglulutuan pa kita ng puro gulay. :-)

    ReplyDelete