Super active ng 2007 para sa akin. Ang dami-dami kong pinaggagawa, hindi ko tuloy namalayan ang paglipas ng oras. Here's an outline of what happened last year sa magulong buhay ng bidang ako. :D
1. Medyo boring ang first quarter (January to March) ng 2007 sa akin. Wala masyadong nangyari. Busy sa pagtuturo, sa pagkikipaglandian sa mga natitirang crush na estudyante sa UPB, nasasanay sa pag-iisa sa bahay (Aurora Hill), natataranta sa mga maaaring mangyari sa career. Nahumaling din sa pagpo-poetry reading. Feb14, nagbasa ang BWG ng mga tula ng pag-ibig sa Cafe by the Ruins, at may binasa akong tula doon para kay Ping Medina, ang Buwan IX. Hindi ko alam kung nakarating sa kanya ang kopya ng tula kong iyon. Binasa rin ang dalawa kong tula sa play ng AMiCUS noong February. March, nagwala sa CAC Faculty Variety show at kumanta ng Zombie at Ode to my Family, deretso pangangarag dahil malapit na ang finals nun.
2. Second Quarter ng 2007 (April-June), medyo mas boring pala. Wala akong trabaho noong Summer 2007 so umuwi na lang ako sa Laguna, at rumaket buong bakasyon. At dumagdag ang sandamukal na bilbil sa katawan ko. Nagkita-kita rin pala kaming magkakaklase noong highschool last Holy week and we had fun, as usual. By June, balik Baguio pero medyo problemado sa trabaho due to some irritating facts. More Rizal nga pala itong semester na ito kasi 3 Rizal ang hinawakan ko noon. Plus may 7am class ako noon. Shet!!! 'Yun ang pinakamahirap na semester ko ever! But since, punong-puno pa rin ng blessings ang taong ito, God sent another blessing for me noong June. Arjay came to my Baguio Life (ahehehe... 'kala n'yo ha!) Nagsimula a rin siyang magturo sa Baguio at sobrang thankful ako kasi may kasama na ako sa bahay, may kakulitan, may kaaway kung minsan, may nagpaparealize sa akin na tao pala ako, at may sumusuporta sa akin, forever! ahehehe... (FYI lang po, Arjay's my friend for what, 7 years now, so wag kayong maano jan na asarin kaming dalawa dahil super friends po talaga kami. :D) Then may another blessing kasi nameet ko si Isko, isa pang friend na nagpadagdag ng kasiyahan sa malamig na Baguio.
3. Third Quarter (July-September) 2007. Of course, my 27th birthday na sinelebrate ko ulit sa Laguna since pinadala ako sa Unang Komperensiya ng Panitikang Pambata sa UP Diliman. Nag-uwian na rin sa Pilipinas ang iba kong friends. I remember this one stupid thing that I did. I was about to meet Teofy sa PHAN tapos may isang guy na kinuhit ko sa magkabilang tagiliran niya, akala ko si Teofy. But no! Hindi siya, ayun, napahiya ako. Ahehehe. Mas nakilala ko rin ang iba ko pang mga co-faculty, especially Amer, Dazzie, Marifi, Charz and Isko.
4. Last Quarter ng Taon, (October-December). Ang pinakamakabagbag damdamin sa lahat, punong-puno ng emosyon, pagkagulat, kasiyahan, frustrations, lahat na. Problema sa work dahil sa mga pesteng estudyante ng BALL, Rizal encounter again, CJW extension work sa Abra at Mt. Province, gimik sa Sagada and conquering the cave, simula ng maraming realization about Baguio, loving my friends more, having new friends, having numerous crushes all over the city/country, first reunion ng batch96 ng LSPC Highschool, at marami pang iba... At ang pinakaexciting sa lahat, na humabol pa talaga sa pagsasara ng taon, meeting Bernie again after 9 years. I don't care kung mabasa niya 'to o kung nabasa na niya yung mga past entries ko about him. Hindi ko naman kasi naisip na magkikita ulit kami, at magkakausap. And I'm loving every moment na nakakausap ko siya, lalo na kapag nakakasama. Sana lang magkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin. At kahit hanggang pagkakaibigan lang ang lahat, masaya na rin ako. Pero siyempre, sana hindi lang hanggang doon. :D
2008 na. Hindi ko alam kung anong meron, pero I pray na sana mas marami pang blessings ang dumating. Medyo nakabitin pa rin ang buhay ko, at alam ko super pasaway ako last year pero sana maging mas matino na ako this year. Lord, another second chance, please! Thank you so much for all the blessings. I'm loving my life!
Thank you sa mga naging bahagi ng buhay ko, sa mga nagpasaya, sa mga nagpaluha (dahil mas nagiging strong ako), sa mga nang-aaway (bahala kayo sa buhay n'yo, masaya ako ngayon!) ahehehe, sa mga kaibigan kong walang sawang sumusuporta at nagsasabi ng mga bagay na kailangan kong marinig, I LOVE YOU ALL!!! Mwah! At syempre kay Bernie, thank you. Hope to spend more time with you, sana.
Sa Mama ko, tulad ng sabi ko kanina, I'm so blessed for having you as my mom, walang dull moments with you Ma, promise! Ingat po! :D
And to everyone! Life is indeed beautiful! Always thank God for everything! :D
thank you xiaui. xiaui thank you.thank you!
ReplyDeletebakit?
ReplyDelete