"I'm thankful for the One who made
the sunshine and the rain..."
My ermitanya days are over. Finally, lumabas na ako sa lungga ko at nagsimulang makipagsapalarang muli sa mundo. First day ng pinakapaborito kong buwan sa kalendaryo, lumarga ako papuntang Maynila. Tinantanan ko na ang pag-iinarte ko, tulad ng sabi ni Arjay. Early morning, kakasikat pa lang ng araw nang nilisan ko ang lugar kung saan kumportable akong nagkukulong. Dumating ako sa Diliman, super early sa appointment ko. Naisip ko, "this is it! Kakayanin ko 'to."
After ng appointment ko na may kasamang chika with a friend, napagdesisyunan na na maglalagi ako dito sa Maynila. Wala nang atrasan. Bahala na sa kung anong mangyayari. Kailangan ko nang buuin muli ang mundo ko. Living in Baguio was great but Baguio was over. This is where I chose to be now.
Minit ko si Lau after. Nagkita kami sa SC after ng class niya at after kong mangolekta ng curriculum sa mga kolehiyo sa UP. Si Lau 'yung isa sa mga friends ko na napagtitiyagaan talaga ang kakulitan at kagagahan ko. And I am really grateful for her. Actually, kung hindi dahil sa sinabi niyang "Go!", baka nagkukulong pa ako sa Laguna ngayon.
Nag-fishball kami then naglakad papuntang Sunken Garden. Ahehehe. Ang tagal na kasi mula nang huli kong tambay sa Sunken e. Sabi niya sa akin, may exam daw siya bukas. Sabi ko naman sa kanya, "Aral ka lang. Dadaldal lang ako dito kahit di mo ako pakinggan." Ahehehe. Obviously, hindi naman siya nakaaral ng sobra dahil ang daldal ko!
Tapos nakita namin si Mei. Ayun, mas lalo siyang hindi nakaaral. Tinext namin si Grapes, na nasa Law dahil may class. After ng class niya, pinuntahan niya kami.
Chikahan forever.
Then uwian na.
It's great seeing them and talking with them as if kahapon lang kami huling nagkita. Namiss ko 'yun. Namiss ko sila. Namiss ko 'yung ganito, 'yung hindi ako nagkukulong, 'yung makulit ako, 'yung may kausap ako.
I'm thankful for this day and for days to come.
hamen! :-D mishu xiau.
ReplyDeleteYey! Xiaui's back! :-D
ReplyDeleteyun lang. bow.
ReplyDeleteaw. hope to see you soon.
ReplyDeleteyes He's good, always.
Pahiram para sa weblog.
ReplyDeletesurely, my dear!
ReplyDelete