Wednesday, July 30, 2008

First Love

MAKATI CITY, Philippines--INQUIRER.net multimedia specialist Erika Tapalla interviews Dean Alfar on writing, writer's block and speculative fiction. Dean Alfar has won nine Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature including the Grand Prize for his novel "Salamanca" as well as the Manila Critics' Circle National Book Awards for the graphic novels "Siglo: Freedom" and "Siglo: Passion" and the Philippines Free Press Literary Award.
(source: Inquirer.net)

To view Dean Alfar's interview, click here.

Writing is my first love. Bata pa lang ako nang magsimula akong magsulat, bukod siyempre sa mga doodle na ginawa ko sa mga kasangkapan namin sa bahay. Maaga daw kasi ako natutong magbasa (at kaya malabo na ang mga mata ko bata pa lang ako.)

Mahilig ako sa libro at sa bahay namin ay ginagawang dekorasyon ang mga libro. Kulang na lang pati banyo ay lagyan namin ng libro. Karamihan sa mga libro sa bahay namin ay mga pinaglipasan ng mga tito at tita ko. Sayang nga dahil 'yung iba sa kanila ay nabahaan na. At dahil guro ang nanay ko, nag-a-accumulate ng libro sa bahay so kailangan naming mamigay paminsan-minsan, kasama ng mga damit at laruan. Hindi naman kami mayaman kaya hindi pwedeng maraming gamit, kaya imbis na itapon, ipamigay na lang sa mga nangangailangan.

Nang nagsimula na akong mag-aral, mas lalo nang dumami ang libro sa bahay namin. Bata pa lang ako super close na kami ni Rizal. Naaalala kong nagmumukmok ako sa isang sulok at binabasa ang talambuhay ni Rizal, kids version nga lang. Tapos, bago matapos ang grades school, nagsimula na akong mangolekta ng mga sarili kong aklat. At ngayon nga, highlight ng kuwarto ko sa Laguna ang mga libro ko.

Malaki ang kahalagahan ng pagbabasa sa pagsusulat. Sabi ng mga guro ko sa kolehiyo, hinding-hindi ka magiging magaling na manunulat kung hndi ka nagbabasa. Totoo naman. Dahil sa pagbabasa, na-e-exercise mo ang pag-i-imagine, ang imahinasyon na siyang kailangan sa pagsusulat. At bata pa lang ako, mahilig na akong mag-ilusyon, este, mag-imagine. Pakiramdam ko nga baliw lang talaga ako dahil ang hilig kong kausapin ang sarili ko na para akong nasa ibang mundo -- minsan prinsesa ako na nagbubuga ng apoy, minsan diwatang lumagapak sa lupa at hindi na makabalik sa fairy land, minsan isa akong estatwa na nagiging aswang sa hatinggabi. Ito ang roles na ginagampanan ko dati sa sarili kong mundo, bukod siyempre sa mga extra at aksesorya sa kuwento na ako rin naman ang gaganap.

Bitbit ko ito hanggang ngayon, at siyempre nadagdagan pa dahil sa major ko noong kolehiyo. Ikaw ba naman ang i-train nina Rogelio Sicat, Bienvenido Lumbera, Virgilio Almario, Luna Sicat-Cleto, Ricky Lee, Domingo Landicho, Jimmuel Naval at marami pang iba.

But publishing is a different story. Madugo magpa-publish at dahil may kultura na hindi ka pwedeng tawaging "manunulat" hangga't wala kang naipa-publish, para akong nakikipagbuno sa dragon na may pitong ulo para lang makuha ang pagmamahal ng tagapangalaga ng apoy. Dagdagan mo pa na marami sa mga manunulat ang namamatay na dugyot.

Kaya naman, dalawang bagay lang 'yan. Una, ipagpatuloy ko ang pakikipagbuno, bahala nang mamatay para sa pag-ibig; o kaya'y bumitaw at magsabi ng "Taympers!"

Mas gusto ko yatang "mag-taympers" muna. Hindi naman nangangahulugang iiwanan ko nang tuluyan ang pagsusulat, dahil sabi nga, "first love never dies." Kailangan lang nating tanggapin ang katotohanan, ang ating mga kahinaan, at maghanda para sa susunod na paglaban. Parang 'yung mga underground groups noong Martial Law. After all, ako naman ang bida sa mga kuwento ko at kahit kailan, sa mga ending ng kuwento, panalo pa rin ang bida.

_______________________
* I'm leaving for Thailand this August to pursue a different path, another love. But writing will always be my first love. And I am not willing nor trying to let go of it.

7 comments:

  1. Awww, ang sweet! Ang ganda, nakakatouch. :)
    God bless po sa Thailand.

    ReplyDelete
  2. Ligay ang blog ba di counted sa publish hehehe sabi na man save or publish e di ba publish kiniclick natin hahaha joke lang

    ReplyDelete
  3. yihee! good luck sa thailand! we're so happy and excited for you :)

    ReplyDelete
  4. sa thailand pala. iniisip ko indonesia noong time sa choc kiss tayo kumain ni ate lau.

    ReplyDelete
  5. Awwww... that was me two++ years ago... Napangiti naman ako... :)

    ReplyDelete