Tuesday, March 24, 2009

Hindi ako makapaniwala

...pero dahil inagaw nila ang buhay mo nang wala sa panahon, itatago ko na lang ang naiiwang alaala mo sa silid-aklatan ko, ang isinulat mong kuwento sa Literary Folio ng Kule na ipinagamit ko sa Humanidades class ko nung nagtuturo pa ako sa UPBaguio, 'yung mahaba ang pamagat, yung nakakatuwang basahin.

Ipagdarasal ko na sana mabigyan ng katarungan ang iyong paglisan. Badtrip e, ang dami mo pang pwedeng gawin.

VJ, salamat sa pagkakadaupang-palad!

7 comments:

  1. what is the title of that literary folio? may kopya kaya ako nun?

    ReplyDelete
  2. "Trip" ang title. Kule 2000-2001 lit folio. 'yung may photo ng lumang tsinelas sa cover. Ang pamagat nung kuwento ni VJ ay something like "Kuwento ng sira-sirang robotikong sumisigaw sa ilang" -- basta isa siyang experimental "suicide note." Nakaburol siya ngayon sa Arlington Memorial sa Pasig. Di ko malaman kung paano ide-describe 'yung nararamdaman ko for the past two days habang di makatulog sa kakaisip nito. Gusto kong maglasing at sumigaw.

    ReplyDelete
  3. Nakakagalit talaga Mao. Kahit ako, hindi ko magawang maisip na nangyari ito sa kanya. Isigaw mo lang yan kung gusto mo. Nakikiramay ako sa paglisan ni VJ. :'(

    ReplyDelete
  4. kakatanggap pa lang niyang magturo sa Mapua Makati nung mismong araw na pinatay siya. At balak na raw sana niyang maglabas ng isang libro ng short fiction this year.

    ReplyDelete
  5. haay. may isa pa akong entry tungkol dito sa wordpress blog ko e. Dun ko yata binuhos ang inis ko sa pangyayaring ito.

    ReplyDelete