Thursday, March 19, 2009

Capital T

"... as in Tanga!"


Siguro, hudyat na ito na kailangan ko nang umuwi. O kung sa termino pa ng mga galit sa akin at nag-iisip na ilusyunada ako, panahon na para lumibel ako sa dapat kong kalagyan.

Nabagsak ko ang isa sa mga exam ko, at yun pa lang ang resultang nakukuha ko sa ngayon. Nangangamba ako na pare-pareho ang kalalabasan ng apat ko pang exam dahil, una, tanga naman talaga ako; pangalawa, pareho lang ang takbo ng utak ko simula ng una hanggang huling exam.

Pagod na ako sa totoo lang, pagod na akong makipaghabulan sa mga gusto kong abutin. Huling pagkakataon na ito at anong ginawa ko? Hindi ko alam kung hindi ko lang talaga kaya o nawawala na naman ako sa konsentrasyon?

Sasabihin siguro ng mga galit sa akin, "HINDI MO KASI TALAGA KAYA, ILUSYUNADA KA KASI!" Putang-ama n'yo! At least ako, sinusubukan kong habuli at abutin yung mga gusto ko kahit minsan e suntok sa buwan talaga! Kung ano mang kahinaan meron ako, pinipilit kong i-overcome yun! Nakakapagod na kaya! At oo, ilusyunada ako, kasi ayokong nagsesettle sa ganito lang.

Nakakapagod na lang talaga.

Masyado na akong matanda para sa mga kapalpakan! Pero eto na naman ako, pumapalpak pa rin ng bonggang-bongga! At lagi't laging may repurcussions ang mga bonggang-bongga kong kapalpakan, i.e., hindi na ako makakatuloy mag PhD kasi kamusta naman ang grade ko, diba?

Ngayon, hindi ko alam kung titigilan ko na 'tong habulan na 'to o mas lalo lang akong tatakbo kahit wala na akong lakas. Pero kasi, baka naman hindi na ako kasali sa habulan e takbo pa rin ako ng takbo? Diba katangahan 'yun?

O baka tanga lang talaga ako?


10 comments:

  1. Ligay,

    Magaling ka at maswerte ka dahil napili kang maging scholar dyan sa AIT! Magaling ka! Go lang ng go :)

    Nanay Psyche :0

    ReplyDelete
  2. ayan. di naman pala ako nag-iisa sa ganung kaisipan. pati rin pala si ate psyche ganun din ang sabi.

    ReplyDelete
  3. O tatlo na kaming naniniwala sa kakayahan mo dear. Go lang ng Go! Kayang kaya mo yan! Never stop believing. :-)

    ReplyDelete
  4. kaya mo yan ate ligs! may mga moments talagang ganyan, but eventually things will turn out right and good.
    Rom 8:28 "And we know that all things work together for good, to them that love the Lord and are called according to His purpose"

    ReplyDelete
  5. go on sha! just enjoy what ur doing and later on u will realize 'tapos n pala ako ng PhD?' :-) dont be too serious. ikaw p e kayang kaya mo nga magmulti tasking. imagine making blogs almost everyday at the same time with reviewing for the exams.....(ok yang P - ama nyo! :-)

    ReplyDelete
  6. Ate, nasabi na nilang lahat ang mga gusto kong sabihin... kaya yun na yun... wala na akong pwedeng sabihin pa...

    ReplyDelete
  7. nakaka-relate ako sa feeling na ito. palipad na ako papuntang france bukas pero feeling ko pa rin wala akong sapat na alam para sa sasalihan kong competition. pero 'wag kang mag-alala, mudra, bongga pa rin talaga tayo! hindi sa katangahan at sa kapalpakan kundi sa husay at tiyaga! don't lose faith in yourself, mistakes are simply opportunities to learn. kaya natin 'to! mamayagpag at manalig ;-)

    ReplyDelete
  8. thanks mao. sabi nga dun sa nabasa ko kanina, "It is not that we think we are qualified to do anything on our own. Our qualification comes from God. 2 cor 3:5" I don't have to brag about the things that I think I can do because in the first place, hindi naman yun totally galing sa akin. Siguro humbling experience din ito para sa akin. Good luck sa France. I-hello mo ako sa Eiffel Tower.

    Teka, anong competition ito ne?

    ReplyDelete
  9. Jean Pictet Competition in International Humanitarian Law. March 28-April 4 sa Evian-les-Bains, France. Tatlo kaming taga-UP Law na magma-"Mabu-hey!" doon. Kaya lang baka hindi ko man lang makita ang Eiffel Tower. Mag-eextend sana ako til March 10 pero ayaw pumayag ng airline na ipa-rebook ang return flight kasi promo rate daw ang ticket at may restrictions ek-ek. Hindi ko afford bumili ng bagong ticket for myself. So kailangan ko nang umuwi on March 5. Hay.

    ReplyDelete
  10. sayang naman. anyway, good luck! make Inang Bayan proud! hehehe

    ReplyDelete