Wednesday, February 23, 2011
My Thesis Love Affair (Thai Version) #1
Wednesday, February 2, 2011
Morning Balinguynguy
Friday, February 12, 2010
Xiaui was here!
Monday, August 31, 2009
Wednesday, August 26, 2009
Raket, anyone? (Seryoso po) ASAP
I need some assistance kasi para sa thesis ko. ASAP. as in uber-ASAP.
PM me if you're interested.
Salamat,
Xiaui
Saturday, August 22, 2009
Visitaciones ni FVR
August 20, nakipagkulitan si FVR sa mga Pinoy sa AIT. He was in Thailand for the 50th Anniversary of AIT. Namigay din siya ng mga tobacco. hehehe
Tuesday, July 14, 2009
Monday, June 29, 2009
Tuesday is "Khun-sumisyon" Day
I don't like waking up early because it's torture for me, but since TUESDAY is the cleaning day for my room, I have no choice but to always get out of the bed, leave my room and roam around the campus half-asleep. And today, my friends, is Tuesday.
I don't despise the fact that someone is cleaning my room, infact I am certainly grateful for that. Yet, sometimes, I wish I never have to get up just because someone has to change my beddings. I mean, I can do that on my own, I can even clean my own room. I just don't want to be disturbed especially if sleeping is concerned.
Look, I have a difficult time sleeping. Sometimes, I am up for 48 hours before I can really feel sleepy. When I feel that, I dont hesitate, I sleep. And I dont want to be disturbed. So if someone wakes me up when I am in the middle of my dreamland adventure, that is absolutely irritating. But I don't blame the Khuns. They're just doing their jobs, so dedicated that they even miskaten me for a pillow once and they just threw all the stuff on my head bringing me entirely to my senses. They said sorry, so it was okay. But that really hurt. After that incident, my Tuesdays were never the same as before.
I just wished my dorm's cleaning schedule isn't morning. Or probably, I wish my insomnia will be cured soon so that I won't have to be so irritable all the time, Tuesdays specially.
P.S. I don't leave my room without taking a bath and bringing some baht. hehehe
Friday, May 29, 2009
Sa wakas...
ni Kuya!!!
at ang puso ko'y tumalon, pero delayed reaction! Nakasampung hakbang na ako saka ko na-realize na binati pala niya ako at bigla akong napabulalas ng "YES!"
Haha... Yun lang. Hihihi
Tuesday, May 26, 2009
Happy Eating
When there are million reasons to celebrate, eating good food with crazy people should not be missed. :
These pictures were taken from Ting and P'Jo's Thesis Defense, FILA Farewell Party for Graduating Students, and their Surprise Pre-Graduation Dinner (nasurprise sila kasi bigla lang kaming sumulpot ni Ching!) Hehe
Today is their Graduation Day. Congrats!
Sunday, April 26, 2009
ED 79.16 Final Exam
| Start: | May 11, '09 09:00a |
| End: | May 11, '09 12:00p |
| Location: | E108, AIT, Thailand |
(Last time ko na rin na makikita si Unno... huhuhu)
ED 79.14 Final Exam
| Start: | May 4, '09 1:00p |
| End: | May 4, '09 4:00p |
| Location: | ET109, AIT, Thailand |
Ashes
March 23, 2009, Ratchaburi, Thailand. Libing ni Dr. Nowee. First time kong makasaksi ng Buddhist Funeral. Halos week-long 'yung ceremony, last day na ako nakapunta, nung iki-cremate na siya. We were there since 11am until 5pm. We left AIT at 8am, so medyo may kalayuan 'yung lugar.
Behind the colorful facade of this Thai Temple, sadness was overwhelming. Even the brightness of the sun cannot outshine the loneliness of the ones who cared for her.
I will really miss you, Dr. Nowee.
Saturday, April 25, 2009
Hinga muna
Ang tagal ko nang hindi nakapag-multiply! huhuhuhuhu... pero wag nang magreklamo dahil konting panahon na lang ang kailangan kong gugulin sa pagpapaka-busy dahil malapit na ang FINALS!!! grabe na 'to!
Pero bago mag-celebrate ang kagandahan ko, my gulay, sandmakmak na kangaragan muna. Halos natapos ko na ang karamihan sa mga requirements, konting hinga pa at ayos na ang buto-buto. Kaya lang, sobrang taas na ng stress-level ko, umaatake-to-the-max ang allergies ko, walis-tambo look na ang hairlaloo ko, kungfu panda na ang eyebags ko, at ang room, mukha ng landfill. My gulay! Hay, buti na lang nakatakas ako ngayong gabi, este, madaling araw pala, para makabisita sa blogey kow.
Hay... back to kangaragan! Chow!
Friday, April 3, 2009
Nagsusumixteen Series: Self-Talk
Today, you were actually given that rare chance to smile at him yet you chose to be a wimp.
Sunday, March 29, 2009
Nagsusumixteen Series: Si Manong Kuya
nang makita ko ang likuran mo...
Hindi naging kumpleto ang nakaraang linggo ko kasi wala ka. Nalaman ko na lang, nag-China ka pala. Hindi tuloy kita nakita noong Martes at Biyernes. Isang linggo kong inabangan ang pagbalik mo, gabi-gabing dumaraan sa tapat ng dorm mo, nagbabakasaling may masisinagan akong ilaw sa kuwarto mo, pero hanggang kagabi, hindi pa rin kita nakikita.
Pero kanina, habang tulog akong nagbibisikleta papunta sa silid-aklatan, nakita ko ang likod mo, naglalakad sa may di kalayuan. Tila bang tumalon, tumakbo, at nadapa ang puso ko nang makita ko ang likuran mo. Nandito ka na ulit! Ang saya-saya naman! Kailangan ko na lang maghagilap ng sapat na lakas ng loob para man lang makatingin sa'yo ng deretso, at kung kakayanin pang makangiti sa'yo, para na akong biniyayaan ng super powers nun.
Martes na bukas. Kita-kita tayo sa klase. Hihihi. Bigla akong na-excite!
Saturday, March 28, 2009
It's a Miracle!
Haha! Sorry. I'm just justifying the exaggeration of my reaction towards my academic life. Hehe. Nataranta lang ako, nagimbal at nagising sa katotohanan.
Para wala nang paligoy-ligoy pa, sasabihin ko na kung anong nangyari. Ganito:
- Mababa pa rin ang nakuha ko dun sa pinangangambahan kong subject, pero hindi naman siya kababaan na tipong patatalsikin na ako dito sa AIT. Kaya pa naman siyang bawiin kahit next highest grade na lang (but I'm still aiming for an A! Lord, help me!)
- Kumbaga sa battery, Triple A ako. Hehe. Yun. :) Pero nangangahulugan din 'yun na kailangan kong magtino pa kasi midterms pa lang 'yun. There's still a big chance na bumaba pa 'yun kapag nagpabaya ako. More pressure! My gulay!
- Isa sa mga subjects ko ay walang grade kasi wala daw pagbabasihan, sabi ni Dadi Seyj. Hehe. Kasi naman, one credit lang yun tapos 5points pa lang yung assignments na binigay niya. Well, Research Design yun so ang mahalaga dun ay ang Thesis Proposal at the end of the semester.
Speaking of thesis proposal, I need to finish my thesis proposal as soon as possible, and I have to defend it as early as may, dahil by June/July, I should be going back to Baguio to do my data gathering and my internship.
So there. Isang buwan na lang at Finals na naman! At nape-pressure na akong lalo! Natatae na ako sa pressure. Haha
Well, I can say, it's still good to feel low sometimes kasi you get to realize that you have to try your best in everything and you cannot survive without God's grace! Nababatukan ang mga papetik-petik! Kaya ayun!
Kung sa ANTM pa 'to, sasabihin ni Tyra sa akin, "You're still running towards becoming America's Next Top Model!" Sabay fierce-look... and pout!
Haha.
Songkran
| Start: | Apr 13, '09 |
| End: | Apr 15, '09 |
| Location: | Thailand |
Sunday, March 22, 2009
Khok Charoen, Lopburi
Here are some of the snap shots of our trip to Khok Charoen, Lopburi Porvince, Thailand for the Gender Analysis and Gender Responsive Development Planning class under Dr. Kyoko.
Thursday, March 19, 2009
Capital T
Siguro, hudyat na ito na kailangan ko nang umuwi. O kung sa termino pa ng mga galit sa akin at nag-iisip na ilusyunada ako, panahon na para lumibel ako sa dapat kong kalagyan.
Nabagsak ko ang isa sa mga exam ko, at yun pa lang ang resultang nakukuha ko sa ngayon. Nangangamba ako na pare-pareho ang kalalabasan ng apat ko pang exam dahil, una, tanga naman talaga ako; pangalawa, pareho lang ang takbo ng utak ko simula ng una hanggang huling exam.
Pagod na ako sa totoo lang, pagod na akong makipaghabulan sa mga gusto kong abutin. Huling pagkakataon na ito at anong ginawa ko? Hindi ko alam kung hindi ko lang talaga kaya o nawawala na naman ako sa konsentrasyon?
Sasabihin siguro ng mga galit sa akin, "HINDI MO KASI TALAGA KAYA, ILUSYUNADA KA KASI!" Putang-ama n'yo! At least ako, sinusubukan kong habuli at abutin yung mga gusto ko kahit minsan e suntok sa buwan talaga! Kung ano mang kahinaan meron ako, pinipilit kong i-overcome yun! Nakakapagod na kaya! At oo, ilusyunada ako, kasi ayokong nagsesettle sa ganito lang.
Nakakapagod na lang talaga.
Masyado na akong matanda para sa mga kapalpakan! Pero eto na naman ako, pumapalpak pa rin ng bonggang-bongga! At lagi't laging may repurcussions ang mga bonggang-bongga kong kapalpakan, i.e., hindi na ako makakatuloy mag PhD kasi kamusta naman ang grade ko, diba?
Ngayon, hindi ko alam kung titigilan ko na 'tong habulan na 'to o mas lalo lang akong tatakbo kahit wala na akong lakas. Pero kasi, baka naman hindi na ako kasali sa habulan e takbo pa rin ako ng takbo? Diba katangahan 'yun?
O baka tanga lang talaga ako?