Showing posts with label happy. Show all posts
Showing posts with label happy. Show all posts

Wednesday, March 2, 2011

Tula at Awit

Just wanna share. :)

Pinapagawa ako ni Arjay ng tula na lalapatan niya sana ng awit para sa BIYAHERO, yung play namin na inorganize na ipapalabas na sa Marso 6 at 13 sa Pasay. Nagkataon naman ni-repost ko ang luma ko ng tula, yung UNTITLED #1. E nagustuhan niya, so yun ang ginamit niya.

Matagal-tagal bago ko narinig ang "finished product", kundi pa ipinost ni VJ yung Biyahero Song Teaser sa fb page ng Sulok. At sobra akong natuwa. Kasi, hindi talaga natural sa aking tumula ng mukhang masaya ang tema so nagulat ako na parang punong-puno ng pag-asa yung nabuong kanta. Ang galing!

So dahil sobra akong natuwa, eto na ang kanta!
(Para sa lyrics, click nyo lang yung link ng tula.)





May iba pang kanta sa play. So NOOD NA KAYO!!!

BIYAHERO
Marso 6 at 13
Pasay Adventist Church Multi-purpose Hall
Pasay City

For ticket reservations, please call 09179901724


Kitakits!!!


Sunday, February 27, 2011

My Emo Heart




Photobucket



It was my inaanak Chin's 11th bday last Saturday, our lola's 11th death anniv last Friday, and our lolo's bday today. Hehe. There's some family affair in Laguna and before I went home for a weekend-long eating spree, I went out with Chin and Eila, our pamangkins, with my ever-busy cousin, Apol. After eating, we strolled a little at Trinoma and found this 'emo' heart. Hehehe. Nothing to do with Chin's bday, or with anything else. I just bought it coz it's cute, it's black, and it's emo! hehehehe


my emo heart



Pictures from our gimik later this week, maybe... if Pol find time to email me the photos. hehe

Monday, February 14, 2011

Manila Chronicles: 14

Wala namang bago sa EDSA, traffic pa rin. Wala ring bago sa MRT, siksikan pa rin. May mala-"parade of colors" nga lang --sa kalye, sa mall, sa opisina, sa kung saan-saan. Bida ngayon ang kulay pula, mala-pula, itim, mala-itim, puti, nagkukunwaring puti at ibang kulay na minamaskarahan ang tunay nilang kulay. Yung tipong ayaw magpula kasi nagsusumigaw pero ayaw ring mag-itim kasi bitter naman. Ayaw ring magputi kasi... magmumukhang mataba!

Nakaputi ako ngayon.

Nagkalat sa bangketa ang sangkaterbang rakista: yung mga nagbebenta ng rosas sa kalye. Dinadaan-daanan lang naman sila ng mga tao. Titingin sabay irap. Pero yung iba, may second look. Ramdam mo ang hesitation, tipong gustong tanungin ang presyo pero nahihiyang hindi makabili o kaya gustong bumili pero nahihiyang makita na sa kalye lang niya binili. Napakadami naman kasi kaechusan!

Sa MRT, naka-muk-up ang mga babae. Nakaporma. Namamango. Busy mag-text habang ngumingiti-ngiti. Sa Mall, nagkukumahog ang mga lalaki. Nakaporma. Namamango. Busy mag-text habang parang hindi na makaugaga, hindi na mapakali, na parang "today is the day... or not!"

Nakikipaghabulan ako ngayon sa aking pangarap.

Busing-busy ang mundo. Busing-busy ako.

Ang selepono kong kanina pa natutulog, nabuhay. Nagtext ang nanay ko ng "Hapi Balentayms".

:)

Friday, February 11, 2011

Unlikely

Lau was reading this week's lesson, Hope Against Depression, last night while I was reading my posts from my old blog, Anik-Anik, Atbp. Actually, it was my third blog. My first attempt to publicize my thoughts was in Purple Rain, a blog feature from the defunct website of AMiCUS-UPD. I forgot to transfer all my posts to another blog before the site hit non-existence. The second one I entitled Moonshadows, which I decided to erase because of some circumstances. Haha, I remember now. Nabadtrip nga pala ako kasi may nagliligawan sa blog ko, talaga nga naman! (I think my reaction then was, "Ang kapal ha, sa blog ko pa talaga nagligawan!" Hahaha)

Anyway, so Anik-anik, atbp came to be, and my first entry was entitled Circles (the one I reposted). Siguro nasasakal lang ako sa sitwasyon ko before na kahit mga friends ko kinaiiritahan ko. I was really that aligaga that time. And my excuse then was, "I'm brokenhearted and depressed." Haha. And I think that image stayed to a point where it became synonymous to me -- Si Ligay, ang babaeng pinagsakluban ng langit at lupa! (Other synonyms would be "Ang babaeng mahilig sa True Love," "Ang babaeng mahilig sa mga pag-ibig na puno ng tandang-pananong at tandang-padamdam," among others. Haha, adik lang.) That blog became a shock absorber, where I can just rant all day, where I release all the negativity inside my brain, where I vent out all my frustrations and emotions. It actually became easier for my friends to understand me (because every time they ask me what's wrong, I would just break down and cry. I was THAT emo! Gulay!)

But something must have changed over the years. I still burst out emo-shits occasionally, pero kumakabig agad. Because the truth is, I don't have a reason, or even the right, to be depressed or whine about things that are happening or not happening.

So when Lau read the seven signs of depression, there's still a thought that I would score maybe 3 over 7 or 4 over 7. Lau said she scored 6 over 7. Hehe. Surprisingly, I got butata. ZERO. And I was like, "So sa ating tatlo dito, ako ang walang bahid ng depression? Ganun? Parang hindi naman..." So inisa-isa nila sa akin why I failed the depression test:

Depression causes a variety of painful manifestations:

  • a deep sense of sadness (sorrow): Sabi nina Lau, hindi naman daw ako malungkot. Wala naman daw akong reason para malungkot. Sabi ko, hindi ba pwedeng maging reason ang kawalan ko ng lovelife? Tiningnan lang nila ako, at natawa ako kasi, honestly hindi ko naman siya pinoproblema. Pero part yun ng new year's resolution ko. Hehe. Yun nga lang, bakit mo poproblemahin ang bagay na wala? Or kung meron, e bakit mo pa poproblemahin? Hehehe.

  • a lack of motivation to do anything, even enjoyable activities: Marami naman akong bagay na ine-enjoy gawin. Sulok, for example. Kahit ngarag-ngaragan, I still love being a part of it. At ineenjoy ko naman ang pagsusulat, pagdaldal, pagtawa, pagkain, hahaha!!! Ako na ang mababaw ang kaligayahan! :)

  • a change in appetite and either weight loss or gain: Actually, problema ko nga ang hindi pagbaba ng timbang ko! HAHAHA! At anong loss of appetite? Walang ganun! Sarap kumain nu! Kaya hindi talaga ako mamayat! :P

  • sleep disturbances, sleeping either not enough or too much: wala naman masyado, mahilig lang akong magpuyat at kailangan kong gumising ng maaga kaya minsan kulang ang tulog ko (kaya rin siguro may biglang pag-e-emo na nagaganap, hmmm...)

  • feelings of low self-esteem: Sabi ni Sheli, wala daw ako nito. Never daw ako nagkaroon ng low self-esteem! Grabe naman, meron naman, hindi ko nga lang ine-entertain! Because, sabi sa Bible, I am "fearfully and wonderfully made" so bakit ako mag-iinarte? Buti nga kumpleto ako (sobra pa nga e, ng taba!!! hehe). May iba nga na may kulang pero nagagawa pa rin nilang magpasalamat. So sino ako para hindi pasalamatan ang lahat ng meron o wala ako, diba?

  • poor reasoning and memory: Ewan ko lang ha, pero sabi ni Sheli, ako daw ang may pinakamaayos na memorya at reasoning powers sa aming tatlo ngayon. Bolera naman 'yang si Sheli, hahaha! Sabi ko sa kanya, I have selective amnesia kaya, maraming detalye sa past ko ang hindi ko maalala. Sabi niya, pinipili mo lang naman ang maaalala at hindi. Ayun, sapul! Hahaha

  • thoughts of death and suicide: NO! I am so vain to even think of killing myself, sabi nila. Hahaha. But really, hindi talaga. Siguro dati, pero kapag naiisip ko kung paano ko papatayin ang sarili ko parang... eeeeeewww... Imagine, sasaksakin mo sarili mo, sakit kaya nun! O kaya uminom ng lason? Yuck kaya lasa nun. O kaya magbigti? E yung paghihintay mo na mamatay e nakakaloka kaya, wag na!!! Hahaha
 
Sabi rin sa lesson, a basic coping strategy for depression consists of talking to a friend who knows how to listen, and there's a healing effect in verbalizing thoughts and feelings. So maybe the reason why I don't feel depressed is because I have friends whom I can talk to with whatever. And for all the depressions I had, sila talaga ang nagtitiyaga sa akin. :) And of course, I can talk to my mom openly. We're like the best of friends. We fight, yes, but at least I can voice out my frustrations without a thought of being forsaken or whatever. Hehe.

And maybe because I talk a lot. Talk meaning write all my thoughts about anything and everything. I can verbalize my feelings and thoughts easily daw. Nagiging emo lang daw ako kasi I'm an emotion-sucking vampire, I feed on other people's emotions! Hahahaha!

But I think, the best coping mechanism talaga for depression is prayer. I don't want to sound preachy or anything, but it's the truth. Knowing someone listens to you with whatever things you want to say saves you from killing yourself. And the best listener still, for me, is my Lord.

So, guard your heart, people! Nagpa-fluctuate madalas ang emosyon ng mga tao ngayong buwan! HAHAHA. And don't forget to pray. :)

Monday, November 23, 2009

It's the thought that counts

Funny.

Last Saturday evening, kumain kami ng dinner ng friend kong si Vera somewhere in SM Baguio. Siyempre, magkaiba inorder namin. Chika-chika habang hinihintay ang food (habang nakita ko pa si Atty. Crush ulit). Nang dumating ang food, ang order ni Vera ang inilagay sa tapat ko, at ang order ko ang nilagay sa tapat ni Vera. Ang nakakatawa dun, medyo marami yung order ni Vera, maraming food sa plate. Yung sa akin, iisang putahe lang tapos maliit pa yung lalagyan. Diba naman? So ibig sabihin nasa itsura ko ang lalafang ng marami??? hahahahahahaha Oh well, hindi ko naman masisi si Ading Crew dahil ang diperensya ng katawan namin ni Vera ay medyo may kalakihan!

Ang moral lesson of the story: MAGPAPAYAT KA NA XIAUI DAHIL ANG TABA-TABA MO NA, AND IT SURE SHOWS! hehehe

Fine!

Monday, August 31, 2009

Wednesday, July 22, 2009

Buknoy and Me




Break from proposal writing... almost on the brink of nervous breakdown, hahahaha! Halata naman sa pics e! Echoz!

Photobucket

Friday, June 5, 2009

The Charms of Pinoys

*Got this from an email.*


In a recent international convention of coffee-producing nations, the Philippine delegation was trying to come up with a credible statement, to prove that the country has indeed contributed something significant to the coffee world.

It was time for the presentations.

The Colombian delegate boasted: "We have the best coffee beans, bar none!"

The Japanese representative humbly reported: "Japan has refined coffee production to make people enjoy coffee more."

The American delegate trumpeted: "America has the best and the most number of brands of regular and instant coffee, supported by the most modern means of production."

Then the head of the RP delegation stood up and declared proudly: "The Philippines invented the two-hour coffee break!"

Proud to be a Filipino.

Photo grabbed from http://www.baguio-city.net/2008/03/cordillera-coffee-review.html

Thursday, June 4, 2009

Yankumi is Back!!!

GOKUSEN THE MOVIE


This movie is set for July 2009 in Japan! "Shun Oguri, Yuma Ishigaki, and Hiroki Narimiya will reprise their roles from the first season, and Kazuya Kamenashi, Mocomichi Hayami, Teppei Koike, and Keisuke Koide return from the second season. The film will focus primarily on students seen in the last season, as played by Haruma Miura (Ren Kazama), Yuuya Takaki (Yamato Ogata), and YÅ«ta Tamamori of the Johnny’s Jr. idol group Kis-My-Ft2." (source: http://nylesor.wordpress.com/2009/05/31/gokusen-the-movies-trailer-streamed-online/)

Yes, kasama si Uchiyama-kun (Shun Oguri) tsaka si Kame (si Shuuji sa Nobuta wo Produce! Hehe)

Gokusen the movie official site: (only for those who can understand Japanese) http://gokusen-movie.jp/index.html




Friday, May 29, 2009

Sa wakas...

Matapos ang isang semester ng paghihintay, isang milyong beses na deadmahan, at makailang ulit na salubungan sa daan, nabiyayaan rin ako ng isang matamis na "HI"...

ni Kuya!!!

at ang puso ko'y tumalon, pero delayed reaction! Nakasampung hakbang na ako saka ko na-realize na binati pala niya ako at bigla akong napabulalas ng "YES!"

Haha... Yun lang. Hihihi

Tuesday, May 26, 2009

Happy Eating




When there are million reasons to celebrate, eating good food with crazy people should not be missed. :

These pictures were taken from Ting and P'Jo's Thesis Defense, FILA Farewell Party for Graduating Students, and their Surprise Pre-Graduation Dinner (nasurprise sila kasi bigla lang kaming sumulpot ni Ching!) Hehe

Today is their Graduation Day. Congrats!

Sunday, March 29, 2009

Nagsusumixteen Series: Si Manong Kuya

Tumalon, tumakbo, at nadapa ang puso ko
nang makita ko ang likuran mo...

Hindi naging kumpleto ang nakaraang linggo ko kasi wala ka. Nalaman ko na lang, nag-China ka pala. Hindi tuloy kita nakita noong Martes at Biyernes. Isang linggo kong inabangan ang pagbalik mo, gabi-gabing dumaraan sa tapat ng dorm mo, nagbabakasaling may masisinagan akong ilaw sa kuwarto mo, pero hanggang kagabi, hindi pa rin kita nakikita.

Pero kanina, habang tulog akong nagbibisikleta papunta sa silid-aklatan, nakita ko ang likod mo, naglalakad sa may di kalayuan. Tila bang tumalon, tumakbo, at nadapa ang puso ko nang makita ko ang likuran mo. Nandito ka na ulit! Ang saya-saya naman! Kailangan ko na lang maghagilap ng sapat na lakas ng loob para man lang makatingin sa'yo ng deretso, at kung kakayanin pang makangiti sa'yo, para na akong biniyayaan ng super powers nun.

Martes na bukas. Kita-kita tayo sa klase. Hihihi. Bigla akong na-excite!


Saturday, March 28, 2009

It's a Miracle!

Okay! Fine! I over-reacted! Kelan naman ako hindi naging OA, exaggerated, at exceptionally ngarag sa mga bagay-bagay sa buhay ko? I was trained to magnify ordinary things to make them look extraordinary. It's art!

Haha! Sorry. I'm just justifying the exaggeration of my reaction towards my academic life. Hehe. Nataranta lang ako, nagimbal at nagising sa katotohanan.

Para wala nang paligoy-ligoy pa, sasabihin ko na kung anong nangyari. Ganito:

  • Mababa pa rin ang nakuha ko dun sa pinangangambahan kong subject, pero hindi naman siya kababaan na tipong patatalsikin na ako dito sa AIT. Kaya pa naman siyang bawiin kahit next highest grade na lang (but I'm still aiming for an A! Lord, help me!)
  • Kumbaga sa battery, Triple A ako. Hehe. Yun. :) Pero nangangahulugan din 'yun na kailangan kong magtino pa kasi midterms pa lang 'yun. There's still a big chance na bumaba pa 'yun kapag nagpabaya ako. More pressure! My gulay!
  • Isa sa mga subjects ko ay walang grade kasi wala daw pagbabasihan, sabi ni Dadi Seyj. Hehe. Kasi naman, one credit lang yun tapos 5points pa lang yung assignments na binigay niya. Well, Research Design yun so ang mahalaga dun ay ang Thesis Proposal at the end of the semester.

Speaking of thesis proposal, I need to finish my thesis proposal as soon as possible, and I have to defend it as early as may, dahil by June/July, I should be going back to Baguio to do my data gathering and my internship.

So there. Isang buwan na lang at Finals na naman! At nape-pressure na akong lalo! Natatae na ako sa pressure. Haha

Well, I can say, it's still good to feel low sometimes kasi you get to realize that you have to try your best in everything and you cannot survive without God's grace! Nababatukan ang mga papetik-petik! Kaya ayun!

Kung sa ANTM pa 'to, sasabihin ni Tyra sa akin, "You're still running towards becoming America's Next Top Model!" Sabay fierce-look... and pout!

Haha.

To my dearest Pangga!



BONGGANG-BONGGA ka ngayong araw na ito dahil ARAW mo ngayon!

Dedma sa lahat ng nega, kalimutan ang problema! I-enjoy ang araw na ito dahil minsan ka lang maging 24. Di ba!

Wag kalimutang ngumiti! Baka may maakit, para magka-lovelife na rin tulad ni *****! ayun, bawal daw sabihin kaya puro *****! ahahahaha!

At dahil nga ispeyshal day mo today, eto ang iyong horoscope for the day! hehehe

"It's important to be around people who share the same values as you right now.
Why would you listen to anyone who tells you that you can't accomplish one of your goals? Someone as charming and as dedicated as you can work their way around any obstacles thrown in their path. So if you get a red light from the big boss, your funds are pulled or the weather rains all over your picnic plans, turn to other people to help you out. You know exactly how to ask for favors from people -- and there are quite a few favors due to you. Call them in." (Ayon sa iyong horoscope! Ahahaha!)

Wabyu Jay! Mwah!

Monday, March 16, 2009

Reflection




Bundat, while sleeping in one corner of his 'crib' (aquarium).

Photobucket
*This is a raw pic. I did not edit this in photoshop.

Sunday, February 8, 2009

AIT-FILA's Flower-gram

Calling everyone from AIT, Thailand, especially my beloved KABABAYANS!!


Please support the FILIPINO COMMUNITY!

Salamat!




Tuesday, January 27, 2009

Poor Man's Pasta ala Ligay

Ahahaha. Kahirapan nga naman! Kung anu-ano ang naiimbentopara lang makakain ng matinong pagkain!

Love ko ang pasta, as in! Bago ako maging vegetarian, medyo aanga-anga pa ako dahil ang alam ko lang na pasta ay spaghetti. Ahaha. E simula nung nagvegetarian ako, kailangan makahanap ng ibang putahe. Kung anu-anong nilalahok sa sauce ng spaghetti para lang makakain ako.

Saktong napanood ko sa "Series of Unfortunate Events" na ang pinakasimpleng pasta ay ang "putanesca". Ayun, simula nun, ilang versions na ng putanesca ang naluto ko (note: walang iisang putahe kasi pacham ako, as in patsamba-tsamba.

Medyo bihira ka makatikim ng masarap na pasta dito sa thailand kasi hindi nila feel ang ganung pagkain. Tsaka kamamahal ng noodles na binibenta sa mga grocery stores, not to mention na ang cheese dito e parang bar ng ginto! Grabe!

May kaklase akong Italian last semester at nung last day ng class last semester e nagluto siya ng vegetarian pasta. Broccholi yung nilagay niya.

'Yun na 'yung last kong kain ng pasta... hanggang kanina! Ahahaha.

Since iniwan ni Kissy sa akin halos lahat ng mga gamit niya, pati mga pagkain e binigay niya sa akin. May naiwan siyang macaroni. Naisip ko, gawa ako ng pasta. Ang available lang naman dito e kamatis, at seaweed. So bumili ako kagabi ng kamatis at seaweed para maluto ko para sa lunch ko kanina. Usually, may mushroom, olives, anchovies ang putanesca. E since kamatis lang ang nandito, e di yun na lang. At para mareplace ang anchovies, seaweed na lang!

Ang cost ng putanesca na ito, 20baht. hehehe. 10 baht na kamatis (may natira pa kasi dalawang malaking piraso lang naman ang ginamit ko) at 10 baht na seaweed. Hehe.

Ayun, naisip ko: 'Yung macaroni, bigay lang sa akin, yung mantika rin, yung asin, yung paminta; yung kamatis 10 baht lang, yung seaweed 10 baht lang din. Parang pampulubi naman tong pagkain ko. Oh well, masarap naman so tawagin na lang natin siyang "Poor Man's Pasta", diba? Hehe

Tuesday, January 20, 2009

Foggy Morning




It's 8:15 in the morning pero eto ang itsura sa labas ng room ko. Bihira 'yan dito! Ahaha. Namiss ko tuloy ang Baguio! :D


Photobucket

Photobucket

Photobucket

Sunday, January 18, 2009

Media Noche '08




December 31, 2008
Bangkok, Thailand

with Kissy, Ate Mimi, Pong and Ely.

Nagpunta kaming Bangkok nung new year's eve para kumain, makagala at para makapanood ng fireworks. After namin dito, nag-Mcdo kami tapos dun na kami inabutan ng midnight. Kinabukasan na namin nalaman na malapit lang pala sa pwesto namin yung sunog na nangyari sa Santika. Kaya pala marami kaming wang-wang na nadaanan nung pauwi kami.

Wednesday, January 14, 2009

Dalawang Bagay

May dalawang bagay akong ginawa ngayong araw na ito na tila ba nakapagpasaya sa akin, sa paraang alam kong hinding-hindi mauunawaan ng iba.

Una, yumakap ng mga stuffed toy.

Pangalawa, mag-soak ng paa sa mainit na tubig.

Gusto ko talaga ang mga stuffed toy kasi malambot, ang sarap yakapin. At sa isang tulad ko na ilag nang yumakap ng sinuman, sa stuffed toy ko binubuhos 'yung kagustuhan kong mangyakap (justification rin siguro ito kung bakit kailangang maraming unan sa kama ko, pero simula bata ako gusto kong maraming unan sa kama.) Though hindi ko mabili yung mga yun kasi mahal, okay na ako makakita or makayakap man lang ng mga stuffed toy. hehe

Ibang satisfaction naman ang nadudulot sa akin ng pagbababad ng paa sa mainit na tubig. Ang tagal kong na-deprieve sa habit kong 'to kasi walang lutuan sa dati kong bahay. Pero since pinaampon ni Kissy yung mga gamit niya sa akin habang wala pa siya dito, nagkaroon ako ng gamit at means para magawa ko ulit yung bagay na alam ko kapag hindi ko ginawa e sobrang hindi talaga ako mapapalagay.

Hayy... weird na kung weird, pero ito 'yung ilan sa mga bagay na nakakapagpakalma o nakakapagpasaya sa akin. Hehe... Lavet!