Ahahaha. Kahirapan nga naman! Kung anu-ano ang naiimbentopara lang makakain ng matinong pagkain!
Love ko ang pasta, as in! Bago ako maging vegetarian, medyo aanga-anga pa ako dahil ang alam ko lang na pasta ay spaghetti. Ahaha. E simula nung nagvegetarian ako, kailangan makahanap ng ibang putahe. Kung anu-anong nilalahok sa sauce ng spaghetti para lang makakain ako.
Saktong napanood ko sa "Series of Unfortunate Events" na ang pinakasimpleng pasta ay ang "putanesca". Ayun, simula nun, ilang versions na ng putanesca ang naluto ko (note: walang iisang putahe kasi pacham ako, as in patsamba-tsamba.
Medyo bihira ka makatikim ng masarap na pasta dito sa thailand kasi hindi nila feel ang ganung pagkain. Tsaka kamamahal ng noodles na binibenta sa mga grocery stores, not to mention na ang cheese dito e parang bar ng ginto! Grabe!
May kaklase akong Italian last semester at nung last day ng class last semester e nagluto siya ng vegetarian pasta. Broccholi yung nilagay niya.
'Yun na 'yung last kong kain ng pasta... hanggang kanina! Ahahaha.
Since iniwan ni Kissy sa akin halos lahat ng mga gamit niya, pati mga pagkain e binigay niya sa akin. May naiwan siyang macaroni. Naisip ko, gawa ako ng pasta. Ang available lang naman dito e kamatis, at seaweed. So bumili ako kagabi ng kamatis at seaweed para maluto ko para sa lunch ko kanina. Usually, may mushroom, olives, anchovies ang putanesca. E since kamatis lang ang nandito, e di yun na lang. At para mareplace ang anchovies, seaweed na lang!
Ang cost ng putanesca na ito, 20baht. hehehe. 10 baht na kamatis (may natira pa kasi dalawang malaking piraso lang naman ang ginamit ko) at 10 baht na seaweed. Hehe.
Ayun, naisip ko: 'Yung macaroni, bigay lang sa akin, yung mantika rin, yung asin, yung paminta; yung kamatis 10 baht lang, yung seaweed 10 baht lang din. Parang pampulubi naman tong pagkain ko. Oh well, masarap naman so tawagin na lang natin siyang "Poor Man's Pasta", diba? Hehe
'yung nasa picture, yun na lang yung natira kasi nilafang ko nang lahat. ahaha. Binigay ko yan kay chingot. hehe. :D
ReplyDelete