Okay. Due to public demand, nagkaroon ng SP (as in special episode) sina Sergio at Kim Sam Soon! Ang shooting, saan pa e di sa Thailand!!!! Ahahaha
Nag-assist kasi ako sa WEM (Water Environmental Management) para sa conference nila on "An International Perspective on Environmental and Water Resources" para may magawa buong break at para hindi rin ako masyadong malungkot ngayon pasko. So, nagsimula ang conference noong Lunes, Enero 6, 2009 pero Linggo pa lang nandun na kami sa AITCC, yung venue ng conference kasi start na ng registration. Around 6:30pm, may mamang dumating. Pauwi na dapat ako nun e. Nagparegister. Gwapo. Nakuha agad ang atensyon ng lola n'yo, pero quiet lang ako. Tapos lumapit sa desk namin kasi kami yung nag-aayos at nagsa-save ng mga presentations ng mga speakers. Nagtanong siya kung pwede daw ba siyang magprint ng something para sa presentation pero edit muna niya. Si Ate Mimi naman, nakahalata yata na type ko si mama kaya ayun ang sabi niya sa kanya, ako daw ang tutulong sa mama. So dapat sasamahan ko na siya, e sabi niya punta muna siya sa room niya tapos balik siya. Ako naman, di ko na siya nahintay kasi hinihintay ako ni Kissy nun.
Oh well, pagdating ko kina Kissy mega-kuwento ako sa kanila na may bagong lalaki sa buhay ko, pero super panandalian lang kasi tatlong araw ko lang siya makikita. Hahaha. Biglang naloka ang mga tao kasi ang akala nila, gusto ko pa rin yung dati kong gusto. Nga pala, nakalimutan kong sabihin, hindi ko na gusto yung dati. Tagal na! Ahaha.
So ayun na nga, kuwento ako, na Mexicano si mama at Said ang pangalan. Sabi ko pa, "sasaidin ko ang kagwapuhan ni Said." Siyempre etchos lang yun, para naman keri ng beauty ko ang mga ganung bagay-bagay at parang ang ganda ko naman masyado, konti lang naman! Ahaha.
E di ayun, dumating ang Lunes, nabusy ang mga bakla!!! Sa kalagitnaan ng kangaragan ko, biglang may napakagandang tanawin ang bumungad sa harapan ko, tapos nagsalita. Shet, siya pala yun. Todo ngiti naman ako. Nagpa-chek kung tama yung Thai version ng "Thank you" kasi daw he can't afford to make mistakes at that time. Ayyy, seryoso ang lolo mo!!! Well, tama naman ang version niya.
Presentation niya ng 10:30 am. I was planning to see his presentation pero stuck ako sa post ko sa registration. So walang nangyari pero nagkasalubong kami sa corridor at nagpalitan ng friendly na ngiti. Haha. Duda ako sa pagka-friendly ko.
Tuesday, hinanap ko siya. Akala ko kasi naglagalag na si mama. Wala na siyang gagawin e. Mamaya-maya, nasa ayun, nakita ko ulit. Ang gwapo. Naka-long sleeves si mama. Sabi ko kay Ate Mimi, may kahawig siya e. Tapos yun na nga, natagpuan ko ang mahiwagang larawan niya na kuha ni Kuya Ruel, ang official photographer ng conference. Copy paste. Photoshop. Multiply. Instant blog.
During lunch time, muntik na akong tumabi sa kanya pero nakita ko yung mga Pinoy na participants so, dun na lang ako. E katapat lang ng table namin yung table niya. Ahaha. Nakikita niya akong naaanghangan, actually. Nagkakatinginan kami e nag-iinarte pa ako. Hay naku, ewan ko. E sa dinner magri-river cruise kami. Akala ko makaka-score na ako, hmp. Hindi pala. Pagdating namin sa River Cruise, ang layo niya sa akin. Kainis. Oh well.
Last day ng conference, Wednesday.Naku, busy si mama. Laging nagsosolo. Simula nung Lunes, nagsosolo lang talaga siya. Busy mag-internet sa lobby. Naka-MAC si mama, ganda ng laptop.
Nag-lunch, naku, nakita ko mag-isa siya sa table. e kasama ko si Kuya Aldrin. Wala. Dun ako kay Kuya Aldrin lumapit. Dumating si Ate Mimi, sabi niya, bakit hindi ko raw lapitan si mama, walang kasama. Sabi ko, "lapitan mo na lang tapos lapit ako sa'yo mamaya." Style ba, para di masyado obvious. Nagsusumixteen e. ahaha
After nun, sabi ni Kuya Aldrin, go na, wag na akong mahiya. Nung nihatid ko si Ate Ruth sa table niya, tinawag ako ni Ate Mimi. Lapit naman ako. Ayun na. Ahaha. PInakilala kami ni Ate Mimi. "Said, this is my friend, Sharon. She helps me with the registration," sabi ni Ate Mimi sa kanya.
Inabot niya kamay niya sabay sabi, "Hi. Yah, I know."
Tapos ayun na. Start na ng usapan. At napagkasunduan na lalabas kami, siyempre with Ate Mimi and Ate Ruth since may sasakyan si Ate Mimi. Sabi kasi ni Said, 20 oras ang biyahe niya pabalik ng Mexico at 8am ang flight niya, mamaya yun. So sabi ni Ate Mimi, igala namin siya kahit konti para naman naman hindi siya masyadong kawawa. Oh well, advantage sa akin! Kaya GO! Sunggabin ang opportunity.
Ayun. Natapos ang conference. Punta kaming Bangkok. Kumain. Umuwi. hahaha
Siyempre nagkuwentuhan kami. Hahaha.
Sabi niya, mahilig siya sa Rock Music. Mahilig rin siya sa movies. Fave niya si Nicole Kidman. Nagtuturo siya ng swimming sa mga kids at gusto niya yun. Bunso siya at may dalawang ate. Haha. Baby daw siya sa kanila. Nagwork siya after graduation niya for three years as civil engineer. Ngayon, first year siya sa kanyang PhD. Sumasayaw siya pero hindi daw niya masyadong hilig yun. Mas gusto niya ang rock music at fave niya ang Rolling Stones. Oh diba, rakista! Though hindi daw siya marunong tumugtog ng kahit na anong musical instruments. hahaha. May tattoo si mama sa kaliwang braso.
Buong time namin sa Bangkok, nagchicikahan kami. Wala lang. Tungkol sa movies, ganun. Kung may napanood na raw akong Mexican movies. Sabi ko naman, tatlo pa lang yata, at pare-parehong si Gael ang bida. May binaggit pa siyang mga direktor at iba pang critically acclaimed na mga movies, di ko lang maalala kasi espanyol ito at hindi niya ma-english. hehe
Tanong pa niya, bakit daw ganun. Halos pareho ang history ng Mexico at Pilipinas, bakit hindi tayo nagsasalita ng espanyol. Naku, e di lumabas na ang mga PI 100 lectures ko. Ahaha. At ayun, may Intro to Mexico 101 na ni-lecture sa akin.
Hinintay niya ako lumabas ng CR kasi naiwan ko yung bag ko e paalis na kami sa resto. Tinanong din niya ako kelan ako babalik ng Pinas. Sabi ko, matagal pa. Reply niya, magbabakasyon daw siya sa Australia sa May. Ahahaha. Wala lang.
Gentleman si mama, kasi dun siya sa side na may mga kotse pumipwesto pag naglalakad kami. Pero, may konting akbay. Hmmm.. Nasesense niya yata na may gusto ako sa kanya. Tapos sabi niya, dapat daw sumayaw ako dun sa river cruise kasi sumayaw daw siya. HAhahahaha. Hay naku.
Ang saya niya kausap, actually. Akala ko nung una mahiyain si mama, mahiyain naman, pero machika. Sabi niya, nagtataka daw siya kung pano siya nakaka-english kasi hindi daw talaga siya madalas nag-e-english. Ahehe. I had a great time with him. It's just sad kasi uuwi na siya ng Mexico. Hehe. Pero keri lang. Kunyari si Cinderella na lang ako, Korean version nga lang. At siya si Sergio, ang bagong prince charming.
At ala-una ang curfew. Ahahahaha.
sorry, ang haba ng kuwento ko. Yun na yun kasi. wala na yang karugtong. I'm sure. ahahaha. :D
ReplyDeleteaaaahhh.. hahahha!!! kakatawa ang lablyf mo ate ligay! sana naman madugtungan ang episode nyo ni sergio! hahahah
ReplyDeletemishu!
ang taba mo daw ate xiaui, sabi ni arjay :)
ReplyDeleteang taba ng puso mo sabi ko :p sana magkatuluyan kayo ng sergio na yan. hahaha :)
ReplyDeleteoo, ang taba ko ngayon, nakakainis! hehehe
ReplyDeleteahahaha... well, makolesterol ang puso ko ngayon!!! Choz! Ang gwapo nu? Hahaha... Ang ganda ng kulay ng mata ng mama na yan.
ReplyDeletema'am xiaui nakakakilig po :) eeeeeee! hahahaha. :D
ReplyDeleteahahahahahahaha! hihihihi...
ReplyDeletegirl, mukhang sa kin nakatingin pag tinitignan ko ung picture.bigay mo sa kin pag ayomona ha.ahahaha
ReplyDeletehahahaha... kung makita ko pa siya ulit girl, hindi ko na yan papakawalan nu! Ahaha
ReplyDeleteBlooming na blooming ka sa pic ate xiaui ah. nagpagupit ka ata. bakit flat top ka na?
ReplyDeleteHehehe. Kakaaliw naman ng kwento at kakakilig. sana may karugtong... :-)
magpapakacurlytops ako ulit, hahaha. papahabain ko muna ang hairlalu ko. haha. naku ails, wala na yang karugtong, i'm sure. sarap lang mag-ilusyon minsan, gwapo e. hehe
ReplyDeletebahaha! May ASAWA TEH!!!!!!!!!!!
ReplyDeleteoo nga. Shet talaga! Ahahaha... tama talaga 'yung sabi nila, "Good guys are either TAKEN or GAY!!!" hahahaha
ReplyDelete