Showing posts with label crushlife. Show all posts
Showing posts with label crushlife. Show all posts

Wednesday, May 11, 2011

Moda-modahan sa Hapon

a

Iisang langit lamang ang nagkakanlong sa ating dalawa, at ngayon kahit gaano ka kalayo, sa bibihirang pagkakataong ito, pareho tayo ng langit na tinitingnan. Sa katunayan, malapit ka kumpara sa dati. Kung pwede nga lang sana kitang abutin, pinilit ko na sanang idinipa ang aking mga braso't kamay para lang maabot ka. Pero kahit na ang layo mo sa akin ay kulang lang sa isang dipa, hindi pa rin kita pwedeng abutin. Hindi na pwede.

Kaya hanggang sa ganito na lang ako -- nalulugod sa miminsanang pagmasid sa magandang dapithapong dumaraan nang sabay sa ating dalawa.

Friday, March 25, 2011

The Ring

Pangalawa na 'to.

Unang beses, si Said, yung Mexicanong Civil Engr na nagpi-PhD ngayon sa Unibersidad Nacional de Autonoma de Mexico (UNAM) na gwapo at swak ang trip sa trip ko. Sayang yun, pero noon naman e dinedma ko lang talaga ang singsing na nakita ko sa palasingsingan sa kaliwang kamay niya. Hindi rin naman niya kinuwento. Mas nakuwento pa nga niya ang nanay at dalawang kapatid niyang babae na mas panganay sa kanya. After ilang araw, na-confirm ko na lang na totoo ang ibig sabihin ng singsing niya.

Ngayon naman, walang singsing. So inassume ko na single ito, so pwede. Nag-ilusyon. Nagpa-cute. Maraming kilig moments ng mag-isa - dahil hindi rin naman niya ako pinapansin - at nagbabalak magpa-cute sa mga susunod na araw. E biglang nalaman kong wala, may asawa na at anak si THE CRUSH. So wala nang pagpapacute na magaganap.

Hay. Badtrip.

Thursday, March 17, 2011

Nagsusumixteen Series: Harmless and Innocent

Dalawa ang crush ko ngayon: isang HARMLESS na pagka-crush at isang INNOCENT crush (at pagkacrush na rin).

(At oo, naririnig ko ang sarili kong sumisigaw, "Eeeeewwww, Ligay!!! Crush? Uso pa ba yan sa edad mo? My gulay!!!" Whatever. Age doesn't matter, does it? hahaha *boogsh*)

Anyhoo, si Harmless crush, a.k.a THE CRUSH, ay ang aking THE CRUSH! Hahaha. First time ko siyang nakita somehow nakuha niya agad atensyon ko. Di ko lang inaamin sa sarili ko. Tipong sa isang room na may mahigit 20 na tao, siya lang ang naalala ko paglabas ko ng kwarto. Hehehe... (Partly dahil kamukha niya si The Ex na sabi nina Lau at Sheli ay hindi naman, ay mali HINDI pala ang sabi nila.) Wala (pa) akong masyadong alam sa kanya at nagnanakaw lamang ako ng silay, sulyap, ngiti, SB sa kanya. Hindi rin pwedeng lumagpas ang landi powers to 1% dahil malalagot ako. Kaya harmless. Harmless pa ako! Hehe. May isang pagkakataon lang na nagkasalubong kami sa corridor at sabi niya, "Hi! Sharon, right?" with matching ngiting pagkatamis-tamis! At ako'y natunaw na parang ice cream na nabilad sa araw. LOL!

Si INNOCENT crush naman ay inosente. Hindi niya alam na crush ko siya at wala akong balak sabihin sa kanya dahil ito'y paglabag sa batas sibil ng Pilipinas: corrupting minors! Hahaha! Natutuwa lang ako sa kanyang pagkabibo. At para sa mga nakakakilala sa akin, wag kayong mag-alala hindi ko haharassin yung bata! Hahaha. Wag lang siyang magpapakita ng motibo kundi... :P BOO!!!

Sila ang nagbibigay kulay sa grayscale kong buhay ngayon, At sabi nga ni Lau, dapat daw siya rin magkaroon na ng crush. Hihihihi.

Pero sana si THE CRUSH maging si THE ONE! Hihihi

Ikaw, sinong crush mo?

:)

Thursday, February 24, 2011

Para kay THE CRUSH

I Do Not Love Thee   
by Caroline Elizabeth Sarah Norton

I do not love thee!—no! I do not love thee!
And yet when thou art absent I am sad;
   And envy even the bright blue sky above thee,
Whose quiet stars may see thee and be glad.

I do not love thee!—yet, I know not why,
Whate’er thou dost seems still well done, to me:
   And often in my solitude I sigh
That those I do love are not more like thee!

I do not love thee!—yet, when thou art gone,
I hate the sound (though those who speak be dear)
   Which breaks the lingering echo of the tone
Thy voice of music leaves upon my ear.

I do not love thee!—yet thy speaking eyes,
With their deep, bright, and most expressive blue,
   Between me and the midnight heaven arise,
Oftener than any eyes I ever knew.

I know I do not love thee! yet, alas!
Others will scarcely trust my candid heart;
   And oft I catch them smiling as they pass,
Because they see me gazing where thou art.

Monday, February 21, 2011

Nagsusumixteen Series: Sinong crush mo doon?

Naaalala mo ba nung bata ka na kaya ka sumasagot ng slambook/ slumbook ay dahil sa gusto mong ipagsigawan/ ipamalita/ ipareserve kung sino ang crush mo? Oh well, ako hindi dahil wala akong pansagot sa "Who is your crush?" nung bata ako. Delayed reaction ako sa ganyan! Haha. Highschool na ako nagkacrush, at wala sa sinumang naging crush ko ang naging crush din ako (nakasama ko nga lang sa Sagada yung isa after naming hindi magkita ng mahigit sampung taon, hahahaha! Pero wala pa rin! Maling diskarte! Harhar)

So, fastforward (konti pang forward... more... more...hehe) may bago akong pansagot sa slumbook/slambook. Hindi lang ako sigurado if I 'crush' him because he's really interesting or dahil lang may semblance siya sa kakilala ko, mas matangkad nga lang ito, but the angas, mehn, yun lang! :)

First time ko siya makita, si Voldemort (kasi he must not be named e, hehe) na talaga ang naisip ko. Naisip ko nun, "E bakit may kamukha niya dito?" Yung sumunod na beses, hmm, ganda ng pwets mo tsong! haha. Third time, nangingiti na ako. Wala na! Crush ko na siya! Hahaha. Eto pa, bukas mas madalas ko na siyang makikita because you know, the universe may be conspiring for somthing... funny! hahaha. Di ko alam, nagulat lang din ako! Basta yun. ^__________________________^ Hindi ko mapigilan ngiti ko! Badtrip! Hahaha. Sana lang e single pa ito kundi lalagapak na naman ang crushlife ko! At hindi yun maganda! :P


Monday, August 31, 2009

Nagsusumixteen Series: Dalawang Segundong Ligalig


"Nandiyan ka naman,
tinutukso-tukso ang aking puso..."


Akala ko'y tapos na ang seryeng ito. Akala ko'y hindi na kita makikitang muli. Akala ko'y hindi na muling matatagpo ang ating mga landas. Subalit mali ako, tulad ng lahat ng akala sa mundo.

Isang lingon at dalawang segundo ng pagkakadaupang-palad. Wala na namang salitang nabigkas sa'yo. Pagkatapos lingunin, dali-dali akong nagpatay-malisya -- na hindi kita nakita, at hindi mo siya kasama.

Dahil kahit sa panahong ito'y wala pa rin akong lakas ng loob na lapitan at kausapin ka.

Dahil hanggang ngayon, kasama mo pa rin siya.


Wednesday, July 29, 2009

Ang bagong "Boy" sa buhay ko!

Makikipagbreak na ako kay Hyun Joong kasi mas gusto ko na 'yung friend niya, Si Choi Seung Hyun aka T.O.P. Hehehe



Nahihimatay ako sa smirk niya, as in, at sa mata niyang, ahmmm, koreano! hahahaha! Alam ko bakit ko siya gusto pero di ko sasabihin dito. Hulaan n'yo na lang! Haha! At dahil super like ko siya now, here's "Lollipop" for you guys! Hihihi





Hihihihi

Friday, May 29, 2009

Sa wakas...

Matapos ang isang semester ng paghihintay, isang milyong beses na deadmahan, at makailang ulit na salubungan sa daan, nabiyayaan rin ako ng isang matamis na "HI"...

ni Kuya!!!

at ang puso ko'y tumalon, pero delayed reaction! Nakasampung hakbang na ako saka ko na-realize na binati pala niya ako at bigla akong napabulalas ng "YES!"

Haha... Yun lang. Hihihi

Friday, April 10, 2009

Tongue Twister



"Sa
lahat
ng
salitang
pinagbubuhol-buhol,
sa 'yo
lamang
talaga
ako
nabubulol."




choz!



Friday, April 3, 2009

Nagsusumixteen Series: Self-Talk


Today, you were actually given that rare chance to smile at him yet you chose to be a wimp.

He was standing right in front of you. It will only take you a little head-lift and a little eye contact and it could have been the greatest moment of your entire... ahmmm... week! He ain't gonna notice that it was even intentional. And since you've been sitting almost next to each other for more than three months in class, it is natural for you to exchange curtsy. He will not take it against you, i hope, and whether he smiles back at you or not is entirely a different story.

And yet, you just let the moment pass. Your head was bowed down, your eyes were pointing nowhere, and your smile was hidden somewhere in the back of your head chasing his presence inch after inch while you walk away from him. You blew your chance, for the nth time, and no one knows if you will still be given another chance. The semester is a month away from its passing and his time here in Thailand is almost over, and you blew another chance of a probable friendship, or whatever.

You are such a wimp! Like, totally!

Sunday, March 29, 2009

Nagsusumixteen Series: Si Manong Kuya

Tumalon, tumakbo, at nadapa ang puso ko
nang makita ko ang likuran mo...

Hindi naging kumpleto ang nakaraang linggo ko kasi wala ka. Nalaman ko na lang, nag-China ka pala. Hindi tuloy kita nakita noong Martes at Biyernes. Isang linggo kong inabangan ang pagbalik mo, gabi-gabing dumaraan sa tapat ng dorm mo, nagbabakasaling may masisinagan akong ilaw sa kuwarto mo, pero hanggang kagabi, hindi pa rin kita nakikita.

Pero kanina, habang tulog akong nagbibisikleta papunta sa silid-aklatan, nakita ko ang likod mo, naglalakad sa may di kalayuan. Tila bang tumalon, tumakbo, at nadapa ang puso ko nang makita ko ang likuran mo. Nandito ka na ulit! Ang saya-saya naman! Kailangan ko na lang maghagilap ng sapat na lakas ng loob para man lang makatingin sa'yo ng deretso, at kung kakayanin pang makangiti sa'yo, para na akong biniyayaan ng super powers nun.

Martes na bukas. Kita-kita tayo sa klase. Hihihi. Bigla akong na-excite!


Tuesday, January 20, 2009

Hate ko si Cinderella

Hate ko ang kuwento ni Cinderella.

Imagine, inaapi na siya't lahat wala pa rin siyang ginagawa para ipagtanggol man lang yung sarili niya pati karapatan niya.

Tapos, kelangan pa niyang mag-rely sa powers ni Fairy God Mother para lang ma-meet niya si Prince Charming! Haller? Pwede naman niyang takasan yung step-mom niyang walang-hiya at lumarga sa party. Kung hindi 'yun aanga-anga, naisip niya sana 'yung naisip ni Fairy God Mother. Or... dapat na-anticipate na niya na magpapaka-kontabida yung pamilya niyang hilaw. Hello naman, sa araw-araw ba namang ginagago siya nung pamilya niyang hilaw e hindi pa niya naisip na hindi pa nagsasawa 'yung mga 'yun sa pangbu-bully sa kanya? Gosh.

Tapos, ayan na nga. Kunyari nagmamagandang-loob itong si Fairy God Mother. Patitikimin siya ng chance, ng opportunities. Tapos, si Cinderella naman, ayun. Uber ang pagkailusyunada! Alam naman niyang ang kabilin-bilinan ay hanggang 12 midnight lang. Ay naku, Nag-enjoy. Anuveh! Hindi pa marunong mag-budget ng time. Anong oras ba siya dumating dun sa party ni Prince Charming? Ang tagal naman nilang nagsisinaw-sayaw dun. Wala bang curfew nun? Hay naku.

Pwede naman siyang hindi tumakbo. Ganun din naman itsura niya kahit walang powers ni Fairy God Mother. Lamang nga lang ng mga ilang paligo yung "photoshopped" version niya (kasi may powers nang kasama! Ganun!)

Hay naku.

Tapos, nung nagkatakasan na, forever lang siyang naghihintay na hindi bobito si Prince Charming at mahahanap siya. Hello?? Pano kung sadyang tatanga-tanga yung prince. E sa simula pa lang, tatanga-tanga na yun e.

Tsaka glass slippers??? Pwede bang ipangsayaw yun? Hindi ka kaya mabubog dun?

Kaya pwede ba, tantanan ang mga Cinderella story.* Never nagkatotoo 'yung mga ganun.

________________________
* Ang pagka-asar na ito is brought to you by this article.
hehehe

Monday, January 19, 2009

Wednesday, January 7, 2009

Sergio and Kim Sam Soon

Okay. Due to public demand, nagkaroon ng SP (as in special episode) sina Sergio at Kim Sam Soon! Ang shooting, saan pa e di sa Thailand!!!! Ahahaha

Nag-assist kasi ako sa WEM (Water Environmental Management) para sa conference nila on "An International Perspective on Environmental and Water Resources" para may magawa buong break at para hindi rin ako masyadong malungkot ngayon pasko. So, nagsimula ang conference noong Lunes, Enero 6, 2009 pero Linggo pa lang nandun na kami sa AITCC, yung venue ng conference kasi start na ng registration. Around 6:30pm, may mamang dumating. Pauwi na dapat ako nun e. Nagparegister. Gwapo. Nakuha agad ang atensyon ng lola n'yo, pero quiet lang ako. Tapos lumapit sa desk namin kasi kami yung nag-aayos at nagsa-save ng mga presentations ng mga speakers. Nagtanong siya kung pwede daw ba siyang magprint ng something para sa presentation pero edit muna niya. Si Ate Mimi naman, nakahalata yata na type ko si mama kaya ayun ang sabi niya sa kanya, ako daw ang tutulong sa mama. So dapat sasamahan ko na siya, e sabi niya punta muna siya sa room niya tapos balik siya. Ako naman, di ko na siya nahintay kasi hinihintay ako ni Kissy nun.

Oh well, pagdating ko kina Kissy mega-kuwento ako sa kanila na may bagong lalaki sa buhay ko, pero super panandalian lang kasi tatlong araw ko lang siya makikita. Hahaha. Biglang naloka ang mga tao kasi ang akala nila, gusto ko pa rin yung dati kong gusto. Nga pala, nakalimutan kong sabihin, hindi ko na gusto yung dati. Tagal na! Ahaha.

So ayun na nga, kuwento ako, na Mexicano si mama at Said ang pangalan. Sabi ko pa, "sasaidin ko ang kagwapuhan ni Said." Siyempre etchos lang yun, para naman keri ng beauty ko ang mga ganung bagay-bagay at parang ang ganda ko naman masyado, konti lang naman! Ahaha.

E di ayun, dumating ang Lunes, nabusy ang mga bakla!!! Sa kalagitnaan ng kangaragan ko, biglang may napakagandang tanawin ang bumungad sa harapan ko, tapos nagsalita. Shet, siya pala yun. Todo ngiti naman ako. Nagpa-chek kung tama yung Thai version ng "Thank you" kasi daw he can't afford to make mistakes at that time. Ayyy, seryoso ang lolo mo!!! Well, tama naman ang version niya.

Presentation niya ng 10:30 am. I was planning to see his presentation pero stuck ako sa post ko sa registration. So walang nangyari pero nagkasalubong kami sa corridor at nagpalitan ng friendly na ngiti. Haha. Duda ako sa pagka-friendly ko.

Tuesday, hinanap ko siya. Akala ko kasi naglagalag na si mama. Wala na siyang gagawin e. Mamaya-maya, nasa ayun, nakita ko ulit. Ang gwapo. Naka-long sleeves si mama. Sabi ko kay Ate Mimi, may kahawig siya e. Tapos yun na nga, natagpuan ko ang mahiwagang larawan niya na kuha ni Kuya Ruel, ang official photographer ng conference. Copy paste. Photoshop. Multiply. Instant blog.

During lunch time, muntik na akong tumabi sa kanya pero nakita ko yung mga Pinoy na participants so, dun na lang ako. E katapat lang ng table namin yung table niya. Ahaha. Nakikita niya akong naaanghangan, actually. Nagkakatinginan kami e nag-iinarte pa ako. Hay naku, ewan ko. E sa dinner magri-river cruise kami. Akala ko makaka-score na ako, hmp. Hindi pala. Pagdating namin sa River Cruise, ang layo niya sa akin. Kainis. Oh well.

Last day ng conference, Wednesday.Naku, busy si mama. Laging nagsosolo. Simula nung Lunes, nagsosolo lang talaga siya. Busy mag-internet sa lobby. Naka-MAC si mama, ganda ng laptop.

Nag-lunch, naku, nakita ko mag-isa siya sa table. e kasama ko si Kuya Aldrin. Wala. Dun ako kay Kuya Aldrin lumapit. Dumating si Ate Mimi, sabi niya, bakit hindi ko raw lapitan si mama, walang kasama. Sabi ko, "lapitan mo na lang tapos lapit ako sa'yo mamaya." Style ba, para di masyado obvious. Nagsusumixteen e. ahaha

After nun, sabi ni Kuya Aldrin, go na, wag na akong mahiya. Nung nihatid ko si Ate Ruth sa table niya, tinawag ako ni Ate Mimi. Lapit naman ako. Ayun na. Ahaha. PInakilala kami ni Ate Mimi. "Said, this is my friend, Sharon. She helps me with the registration," sabi ni Ate Mimi sa kanya.

Inabot niya kamay niya sabay sabi, "Hi. Yah, I know."

Tapos ayun na. Start na ng usapan. At napagkasunduan na lalabas kami, siyempre with Ate Mimi and Ate Ruth since may sasakyan si Ate Mimi. Sabi kasi ni Said, 20 oras ang biyahe niya pabalik ng Mexico at 8am ang flight niya, mamaya yun. So sabi ni Ate Mimi, igala namin siya kahit konti para naman naman hindi siya masyadong kawawa. Oh well, advantage sa akin! Kaya GO! Sunggabin ang opportunity.

Ayun. Natapos ang conference. Punta kaming Bangkok. Kumain. Umuwi. hahaha

Siyempre nagkuwentuhan kami. Hahaha.

Sabi niya, mahilig siya sa Rock Music. Mahilig rin siya sa movies. Fave niya si Nicole Kidman. Nagtuturo siya ng swimming sa mga kids at gusto niya yun. Bunso siya at may dalawang ate. Haha. Baby daw siya sa kanila. Nagwork siya after graduation niya for three years as civil engineer. Ngayon, first year siya sa kanyang PhD. Sumasayaw siya pero hindi daw niya masyadong hilig yun. Mas gusto niya ang rock music at fave niya ang Rolling Stones. Oh diba, rakista! Though hindi daw siya marunong tumugtog ng kahit na anong musical instruments. hahaha. May tattoo si mama sa kaliwang braso.

Buong time namin sa Bangkok, nagchicikahan kami. Wala lang. Tungkol sa movies, ganun. Kung may napanood na raw akong Mexican movies. Sabi ko naman, tatlo pa lang yata, at pare-parehong si Gael ang bida. May binaggit pa siyang mga direktor at iba pang critically acclaimed na mga movies, di ko lang maalala kasi espanyol ito at hindi niya ma-english. hehe

Tanong pa niya, bakit daw ganun. Halos pareho ang history ng Mexico at Pilipinas, bakit hindi tayo nagsasalita ng espanyol. Naku, e di lumabas na ang mga PI 100 lectures ko. Ahaha. At ayun, may Intro to Mexico 101 na ni-lecture sa akin.

Hinintay niya ako lumabas ng CR kasi naiwan ko yung bag ko e paalis na kami sa resto. Tinanong din niya ako kelan ako babalik ng Pinas. Sabi ko, matagal pa. Reply niya, magbabakasyon daw siya sa Australia sa May. Ahahaha. Wala lang.

Gentleman si mama, kasi dun siya sa side na may mga kotse pumipwesto pag naglalakad kami. Pero, may konting akbay. Hmmm.. Nasesense niya yata na may gusto ako sa kanya. Tapos sabi niya, dapat daw sumayaw ako dun sa river cruise kasi sumayaw daw siya. HAhahahaha. Hay naku.

Ang saya niya kausap, actually. Akala ko nung una mahiyain si mama, mahiyain naman, pero machika. Sabi niya, nagtataka daw siya kung pano siya nakaka-english kasi hindi daw talaga siya madalas nag-e-english. Ahehe. I had a great time with him. It's just sad kasi uuwi na siya ng Mexico. Hehe. Pero keri lang. Kunyari si Cinderella na lang ako, Korean version nga lang. At siya si Sergio, ang bagong prince charming.

At ala-una ang curfew. Ahahahaha.

Monday, January 5, 2009

Amer Said

Take a closer look at this photo:

They are actually two different persons.
The one on the left is Amer, Pinoy, Journalist, maligalig. Gwapo, walang duda. Ahaha.
The one on the right is Said, Mexicano, Civil Enggineer, tahimik, sobra. Gwapo, walang kokontra.

Pero siyempre, mas gwapo pa rin si Amer sabi ng mga fans niya. Parang Pacquiao vs. Dela Hoya lang!!!

Hanggang bukas ko na lang pwedeng masilayan si Said. Sa sobrang cute niya, at sobrang katahimikan, bigla akong nahiya. Hehe. Pero nginitian naman niya ako minsan, kahapon. Ahaha, at hanggang kaya kong makanakaw ng tingin, sulyap at kung anumang malayuang panghahalay, gagawin ko dahil panandalian lamang ang kaligayahang ito, hanggang wednesday lang. At ito lang naman ang kaya kong gawin para sa mga bagay na hinding-hindi ko maaangkin. CHOZ!


Wednesday, November 19, 2008

Grabe...



...ang gulo nating dalawa. Para tayong naglalaro ng taguan. Dati ako taya, ngayon ikaw naman! Kelan ba natin 'to tatantanan? Kelan mo ba kasi sasabihing gusto mo ako? O kaya, kelan mo sasabihin na hindi mo ako gusto?

E kelan ko rin naman kaya sasabihin sayo na gusto kita? Ang gulo.

Magkalinawan nga tayo.

Kelan naman kaya 'yun. Busy ka, busy ako. Kamusta naman. Pero ha, naa-appreciate ko naman ang pagtawag mo sa akin kahit busi-busy-han ka, at kahit alas-dose na ng gabi. Hindi ko lang trip minsan 'yung para mo akong kino-confront sa mga bagay-bagay na hindi ko maamin. Mauna ka kasing umamin, para masaya!!!

Asa pa ako!

Wag ka ring mag-alala, hindi naman ako galit sayo. Akala ko nga ikaw galit sa akin e. Hay naku, para talaga tayong tanga. Mas lalo na ako. Susulat-sulat ako dito sa blog ko para sayo di mo naman mababasa 'to, at kahit na mabasa mo hindi mo rin naman maiintindihan. Ahaha. At wala pa rin naman akong balak ipaintindi sayo e. Shy pa ako.

Or ayoko lang mabutata.

Baka nga naman kasi friends lang talaga turing mo sa akin, nag-iilusyon lang ako.

Anu ba yan, sa dami ng iilusyunin, ikaw pa. My gahd! Sabagay, marami-rami na rin daw naman ang nag-ilusyon sayo. Ewan ko ba bakit wala ka pa ring girlfriend ngayon. Naku ha, baka naman boyfriend gusto mo! Naku... linawin mo na agad!

Natutuwa ka lang ba sa kakulitan ko? O nagugulo ko na buhay mo? Ahahaha. Bahala ka, 'pag ako tinopak at naumpog na naman, pasensyahan tayo. Uuwi ako ng Pinas na magulo buhay mo!

Choz lang!


Tuesday, November 11, 2008

Wrong Spelling, Wrong!

Hay...

Balik na naman tayo sa hindi pagpapansinan. Nakakainis lang, hindi ka talaga namansin kanina. Pakiramdam ko tuloy ang laki-laki ng kasalanan ko sa'yo. Ikaw nga itong asyumero, kahit na totoo naman ang mga assumption mo madalas. Ayoko lang umamin kasi hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon mo. At sa palagay ko naman, karapatan ko naman 'yun. Ako ang magdedecide kung aamin ako o hindi. Kaya kung magalit ka man, bahala ka na. Wag mo man akong pansinin kapag nagkita tayo, wala na akong pakialam.

Nakakirita lang ang lahat ng nangyari. Sana hindi ka na lang tumawag. Sana hindi ka ganyan kaseryoso. Sana cool ka. Pero ewan ko na lang ngayon.

Ang hirap mong ispelengin. Hay naku.


Friday, October 10, 2008

Kangaragan, Katangahan, and everything else

Kung gusto mong makalimot, wag kang mag-inom. Subukan mong mag-cram para sa apat na exam habang nagma-marathon ng Heroes Season 1 hanggang 2. Sabayan mo ng study sessions a.k.a. kainan-tsikahan sessions kasama ang mga friendly-friends mo. At makipagkilala kina Lee, Lewis, Todaro at kung kani-kanino pang mga utaw na walang magawa sa kanilang buhay at nag-postulate ng mga kuning-kuning na teorya sa migrasyon, habang kumakanta ng "when the sun shine we'll shine together" habang ginagaya ang pag-pronounce ng Bangladeshi mong prof sa letter "s" (it goes a little something like this... "when the jan jyn we'll jyn jogeder..." ahahaha). Isama mo pa si Tchebycheff na ewan ko ba kung anong pumasok sa utak at nag-formulate ng probabilty of data inside and outside the interval of interest. Or makipag-friends sa scientific calculator mo at alamin kung nasaan ang ln at e dahil sigurado, kakailangin mo 'yan sa exam. Alalahanin mo rin ang algebra, baka mag-transpose ka ng formula, kahit na alam nating lahat na ang math mo noong college ay Math 1 lang. Deadma na lang. Magpanggap na magaling ka sa math. Magpanggap na nag-aaral ka. Magpanggap na si Suresh ang lalaking para sa'yo at kasama ka sa cast ng Heroes. Ganun lang. Happy ka na nun, i'm sure. And just hope na hindi siya mag-a-appear sa harapan mo or tatawag ulit para lang magtanong kung may kinalaman ka sa mga kuning-kuning ng boring niyang buhay.

Dahil kapag bigla na naman siyang nag-appear or nagtanong ng mga not-so-perfect question, baka masampal mo na siya at sabihin sa kanya, in a very lucid english (term ni prof. Amin) na:

"Hay naku, tatanga-tanga ka talaga. Oo na, ako yun. Pero sasabihin ko ba sa'yo yun kung ang tanong mo sa akin ay kung may kinalaman ako sa mga kuning-kuning na 'yan? Siyempre kung ako ang salarin, malamang hindi ko aaminin sa'yo over the phone. Hello?!! Mamaya niyan naka-speaker phone ka at nakikinig ang buong chenebarbar community, tapos bigla mo akong babastedin at sasabihin mo sa akin na, "I'm so sorry. I don't like you." Shet, ayokong mabasted ng miyembro ng society mo, lalo na kung over the phone. At kahit hindi sa telepono, ayoko pa rin 'no. Ano na lang magiging reputasyon ko dito, ang Pinay na binasted ng isang manhid at mukhang tuod na chenebarbar? Ang pangit nun ha. Hindi magandang description para sa presidente ng Filipino Student Community dito. Baka mapaaway pa ako niyan, paano na lang ang pag-maintain ng "diplomatic relations between countries". Hay naku 'no. Hindi ko feel! Pero alam mo, kung ang tanong ay "Is it you?", ay naku, malamang sumagot ako ng "Oo." e di tapos na sana problema mo, kung pinoproblema mo man. Pero paano mo 'yun maiintindihan e Filipino 'yung "oo"? Hay naku, bahala ka. Nandiyan na ang lahat ng clues, tatanga-tanga ka pa rin. Nandun na nga name ko, hindi mo pa rin ma-gets. Bahala ka na nga lang, tutal ang sabi mo naman e matanda ka na para sa mga ganyang laro e di wag na lang, as if naman naglalaro ako. At pwede ba, magka-age lang tayo, ibig sabihin matanda na rin ako? Maligo ka kaya?"

Pero paano mo ita-translate 'yun? Ang haba nun 'ne! And besides, hindi mo kailangang mag-explain. At kung mag-explain ka man, does it matter? Hindi ka pa rin naman niya gusto, at panggulo lang siya sa concentration mo sa studies (as if nag-aaral ka...) So, tantanan na lang ang mga kuning-kuning na ganyan dahil sabi nga nila, "WALANG FUTURE SA PADER!" E daig pa niya ang pader sa kamanhidan, lalo nang walang future! Ano ba 'yan!

So, mas mabuti na lang kung kalimutan siya. And I'm sure madali mo lang magagawa 'yun dahil praktisado ka naman sa ganyan. Normal nang tugtugin ang mga linyang "He doesn't like me!" Hindi na bumibenta sa takilya ang ganyang drama. Mag-comedy ka na lang, or action! Or kung gusto mo, magpapayat ka na lang para ilo-launch kita na sexy star... sa Patpong!!! Ahahaha! Ay, masisira naman ang reputasyon ng Patpong sa'yo, wag na lang. Action star ka na lang, mas bagay!

Or better yet, magsunog ka na lang ng kilay sa pag-aaral, or pwede ring i-omit na lang ang "sa pag-aaral". Magsunog ka na lang ng kilay kapag wala kang ginagawa. Tingnan natin kung pwede kang sumali sa cast ng Heroes, baka nagre-regenerate ang kilay mo!

Bongga diba? :D