Showing posts with label angas. Show all posts
Showing posts with label angas. Show all posts

Tuesday, January 24, 2012

Manila Chronicles: Ang Maging Babae

Dahil may event ang opisina at kailangang dumamit ng maayos, dalawang araw akong naghahagilap ng masusuot bilang wala akong makitang damit na magkakasya sa akin. Alam mo yung pakiramdam na masikip sayo ang medium pero maluwag sayo ang large? Yung hindi mo mawari kung magmumukha kang suman o parachute? Nakakababa ng self-esteem yun, hindi maganda. Tapos tatambad sayo sa salamin sa fitting room ng hindi pamilyar na lugar ang hindi mo maunawaang hugis ng iyong katawan. Parang kahit mag-isa ka doon ay nililibak ka ng mga anino ng imaheng dati nang humarap sa salamin na iyon. Kung nakakapayat lang ang inis, baka namayat na ako ng bigla.

Hinuhugis daw ng lipunan ang mga preference ng tao --ang konspeto ng maganda, ng maayos; ng pangit, ng nakakaasiwa. At ang maging babae sa lipunang punong-puno ng ganitong panlalason ay parang pagsasaksak sa sarili nang hindi mo nalalaman, ng walang kalaban-laban. Unti-unti mong kinaiinisan ang sarili dahil hindi ka magkasya sa inilatag na kaayusan ng lipunan.

Hindi ako magkasya sa sizes ng damit na meron.

Tapos maririnig mo ang boss mo sa kanyang walang kakupas-kupas na panlilibak, sa mismong gabi ng event, "Bakit ang taba-taba mo?" Ayun na. Para na akong pinagsakluban ng langit at lupa. Pero tuloy pa rin sa pagngiti hanggang sa matapos ang gabi.

Sa MRT, may nakahiwalay na sakayan ng lalaki at babae. Minsan, mas nakakamatay sumakay sa bahagi ng mga babae. Hindi nila pagbibigyan ang kapwa nila babae. Ang fierce!

At sa gitna ng delikadong sitwasyon na ito, doon pa talaga ako mahihilo bilang nagsisimula na pala ang buwanang sumpa sa pagiging isang babae ko. Wala na akong pakialam. Nagsabi ako sa katapat kong babae kung pwedeng makiupo dahil nahihilo na ako. Pinagbigyan rin naman niya ako.

Minsan, nadadaan lang din naman sa pakiusapan.

Wednesday, May 25, 2011

Manila Chronicles: Huwebes, MRT, at ang litanya tungkol sa pangit ng isang pasaherong nagmamaganda

Naririnig ko si Rebecca Black na kumakanta ng kanyang makabagbag-damdaming "Friday" kahit Huwebes pa lang ngayon. At hindi yan dahil natutuwa ako sa kanta. Nababadtrip ako kaya gusto kong gawing katatawanan ang kabadtripan ko. Ewan lang kung matawa ako.

Tulad ng araw-araw na kaganapan tuwing umaga, magbibiyahe ako galing bahay. Maghihintay ng jeep papuntang MRT. Aakyat ng hagdanan dahil hinaharangan nila ang escalator para daw sa "crowd control". Anong crowd control? Tsk. Pagdating sa may guard, inspeksyon, inspeksyon!  Malas na lang kung ang nasa harapan ay sandamukal ang dala o kaya e nakalimutang hindi pala pwedeng magdala ng softdrinks ng Mcdo sa loob ng tren. Kung susuwertehin, madali lang ang inspeksyon. Sisilip lang ang mga guards sa bag ko, so kahit may dala akong matulis na bagay ay hindi nila mapapansin dahil sa dami ng tao, kailangan nilang magmadali sa pag-iinspeksyon.

Buti na lang may tiket na ako. Kahit nasanay ako sa UP bilang Unibersidad ng Pila, hindi ko pa rin nagugustuhang pumila lalo na MRT na grabe ang ugali ng mga tao. At least sa UP, may decency ang mga tao sa pagpila. May hiya, at kahit kaya nilang i-argue ang maaari nilang gawing kabulastugan, mas pinipili pa rin ng mga taga-UP na sumunod sa pila dahil walang ibang paraan kundi yun! Haha! Sa MRT, wala rin namang ibang paraan pero bukod sa lahat na ng amoy ay maaamoy mo, sisiksikin ka pa rin kahit sa pila. Para namang may mababago kung maniniksik sila.

Hindi pa natatapos ang kalbaryo dun. Kahit makasakay ka na sa tren pagkaraan ng mahabang panahon, hindi ka pa rin makakahanda sa kung anong maaaring mangyari sa loob ng tren. Swerte mo na kung hindi masiraan ang tren. Kung may bait lang ang mga tren ng MRT, suki na sila ng Mental Hospital dahil lagi silang nasisiraan!

Sa Php15 binabayaran mo sa pagsakay sa MRT, ang katumbas lang nito ay ang kung anong tinatapakan ng paa mo. Hndi kasali ang espayong inuukopa ng iyong katawan, regardless of your size. Ang payat at ang mataba ay pareho lang. Dahil pagpasok ng tren, nawawala na ang konsepto ng espasyo. Sasabihin pa ng driver, "Maluwag pa po." Maluwag ka diyan!!! Kayo kaya ang maging pasahero!

Kung video game lang ang pagsakay sa MRT, dapat marami kang Lives, Energy at Weapons dahil hindi ka makaka-survive kung wala ka na nun! Survival of the fittest, survival of the makakapal, survival of the walang pakialam. At pagdating sa destinasyon, kailangan mo talagang magpasalamat na buhay ka pa.

Sa araw na ito, mukhang naubusan yata ako ng Energy at Weapon. Iisa na lang din yata ang Buhay ko. Delikado na. Tapos pagsakay ko ng jeep, may dalawang babaeng nagtsi-tsismisan tungkol sa kanilang lab(o)life. Haha. Tsismis. Pampadami ng Energy.

Ayon sa kuwento ng isa, may lebel daw ang kapangitan. May medyo pangit, bearable ang kapangitan, pangit, pangit na pangit, at nuknukan ng pangit. Ang lalaki na object ng kanilang pangungutya ay isa yatang manliligaw. At dahil nanliligaw, may date na naganap. Sa sobrang pangit daw ng lalaki, yung babaeng nagkukuwento ay lumayo nang makakita siya ng kakilala. Gusto ko pa sanang makinig sa kanilang kuwento kaya lang nung makita ko yung babaeng nagkukuwento, naubos lahat ng Energy ko sa sobrang hindi ko matanggap na pangitain. (Alam na!)

Kailangan kong mag-replenish ng Energy. Kasi bukas, Biyernes, uulit lang din ang ganitong pangyayari sa MRT. E ano naman kayang sidedish na kuwento ang mauulinigan ko? Hmmm...

Tuesday, February 8, 2011

Impid

This post should have been entitled "My unsolicited opinion on why Angelo Reyes killed himself" with a lengthy expression of my political naiveness disguising otherwise and my disgust over the whole corruption issue in our country, with a little concern about his life, and a dash of existentialist blah blah.

This could have been my most angsty post in this blog, screaming "society sucks" but...







--nothing follows--



Friday, November 26, 2010

Bad Day

Dapat walang tao ngayon sa bahay. Uuwi si Lau sa Mindanao, gagala si Sheli sa Palawan, at ako, dapat sana ay nasa Caramoan na ako ngayon. Pero Wednesday pa lang, alam ko na na hindi ako matutuloy dahil may biglang nag-set ng appointment, na obviously, mas priority kaysa sa gala-galore ko sa Caramoan.

So, from zero to one dapat ang drama. Ako ang maiiwan sa bahay buong weekend - magkukulong, mag-e-emo, matutulog, magpapakalunod sa mga series at movies ni Geun Suk.

Umalis si Lau mga 2am, tulog na ako. Si Sheli dapat mga 5am ang alis. Nagpaalam ako before ako pumasok sa kwarto kasi ang alam ko dapat wala na akong aabutan paggising ko kinabukasan. Alas-7 ako nagising, kasi may appointment ng 10am. Paglabas ko ng kwarto, nagulat ako kasi bumungad sa akin si Sheli. Late na daw siya nagising. 9am ang flight niya. Dali-dali naman siyang nag-ayos at maya-maya'y umalis na rin.

So ang appointment ko ay 10am. Hopeful akong pumunta dun, umaasa sa isang magandang balita na maaari kong iuwi bilang pampasaya habang nag-iisa sa bahay. Well, it turned out okay, as in okay lang. Yun nga lang, wala pa ring kasiguraguhan. Hanging pa rin ako. And for the longest time pinipilit ko lang talagang maging hopeful kahit magkabila na ang sampal sa akin na parang hindi naman ako kailangan dito sa Manila. I actually felt like a piece of crap.

Pag-uwi ko, akala ko ako lang ang medyo masama ang naging araw. Yun pala, si Sheli hindi nakaabot sa flight niya until she decided not to go Palawan anymore. Nalate siya ng mga 2 minutes lang. Sa tingin ko talaga kailangan niya ng bakasyon na'to. She's not feeling okay for the past days and this trip could have been a good remedy for her sadness. So medyo pati ako nalungkot na rin for her. Umuwi siya ng bahay, natulog.

Si Lau, natuloy sa Mindanao. Nagtext siya nung nasa bahay na ako, nandun na daw siya. Natuloy nga siya sa pag-uwi, walang aberya. Pero, malungkot pa rin kasi kaya naman siya biglang umuwi kasi namatay na yung lola niya na last week lang e malakas pa. :(

Nakakalungkot. Nakakaasar. Bad trip ang araw.

Nang magising si Sheli, nagkayayaan kaming kumain, pantanggal ng :( . After kumain, naglakad-lakad kami sa UP, para makapag-isip, magmuni-muni, at para maalis ang bad sa araw.

Tuesday, April 27, 2010

ANGAS

Kamusta na! Gulay, ang tagal ko nang hindi nabisita ang multiply ko. Pasensya. Kasalanan ito ng Facebook at Twitter! Harhar.

So, ano namang dahilan at biglang parang naalala ko ang multiply ko? Kung tao lang 'to malamang laking tampo na nito sa akin. Ikaw ba naman ang dedmahin ng matagal na panahon, ewan ko lang kung di ka magtampo. Tapos biglang magpapakita at magkukuwento na lang nang walang kung anong paumanhin or anything? Gosh! At kung tao lang din ang multiply, magsosorry na ako, as in now na! Mag-e-explain kung bakit ganun at aasa na maintindihan ang mga palusot ko. At tutuloy lang sa kuwento ko... hehehe

Miane! Nag-koreano?

Anyway, ayun. So huling buwan ko na dito sa AIT. Malamang, huling buwan ko na rin sa Thailand, though hindi pa rin talaga ako sigurado. Ang dami kong gustong gawin pero lahat ng 'yun ay depende sa kalakaran ng buhay. Pero ibang kuwento yun e. Bago ko pa yun problemahin, tesis muna ang problema ko ngayon, at ang lahat ng kaakibat nitong isyu na wala lang talaga akong magagawa. Gusto ko lang mag-angas, maglabas ng sama ng loob, magbasag ng bote at mag-amok ng away! hahaha. War freak!

Tulad malamang ng pakiramdam ng multiply site ko pagkatapos kong dedmahin ng ilang panahon, ganun din ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng pakiramdam ng dinededma. Yung para bang napipilitan ka lang pansinin kasi ipinagsiksikan mo ang sarili mo at wala siyang magawa kasi responsibilidad ka niya, pero sa totoo lang, hindi ka niya talaga gusto (hindi nga niya maalala pangalan mo) at kung hindi dahil sa responsibilidad niya sa'yo, isa ka lang maliit na... 'speck' sa kanyang masalimuot na mundo! Oh well, speck ka pa rin actually.

Hindi ako buntis ha! hahaha. Pero parang ganun din. Nasa proseso ka ng pagluluwal ng isang idea at ang tanging hinihiniling mo ay ang presensya at sapat na pansin ng taong dapat ay tutulong sa'yo dahil, sabihin na nating, siya ang nag-cultivate sa idea mo na 'yun. At sa mga kritikal na panahong ganito, sapat na pahanon lang at pag-aaturga ang nais mo. Hindi naman sobra-sobrang atensyon (dahil nakakaumay 'yon), 'yong sapat lang para hindi ka naman madepres nang bongga. Pero dahil ang dami n'yong nakalinyang magluluwal ng iba-ibang idea, medyo hindi ka na napapansin, dahil hindi ka naman papansin, at mukhang hindi mo naman kailangan ng pansin, dahil sabihin na natin, kaya mo namang iluwal 'yan ng mag-isa. E kung totoong panganganak lang 'to, pwede bang manganak mag-isa? Helo? Loner? Miserable? Over ha!

Pero parang ganun pa rin. Ang pangit ng feeling. Parang nakakawala ng confidence. Nakakadepres.

O baka dahil metal cancerian-leonine monkey cusp ako kaya ganun? (Ano ulit?) Yung gustong napapansin pero hindi nagpapansin. Labo! At dahil hindi napapansin, nag-iinarte.

O baka sadyang narerepres lang ang totoo kong ugali, yung pasaway, na ayaw magpasakop sa kahit na anong autoridad? So, parang hindi talaga komportable dahil hindi sanay magpasakop.

O baka naman mas malalim pa dito ang dahilan, yung tipong mala-Bonifacio-Aguinaldo issue, ganun? O baka mala-Donya Victorina? O mala-Erap lang, na kapag humarap ang idea ko sa salamin e lalamunin na lang bigla at nag-poof!

Ewan. Basta 'yun. Nagugulumihanan, nangangarag, naiirita. Haaaayyyyy...Ang dami kong problema sa buhay, wala namang kuwenta. Hay naku. Hayaan na nga lang. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ganyan talaga ang buhay. Unfair at nakakapikon.

Oh well, papel! *sigh*

Monday, August 31, 2009

Nagsusumixteen Series: Dalawang Segundong Ligalig


"Nandiyan ka naman,
tinutukso-tukso ang aking puso..."


Akala ko'y tapos na ang seryeng ito. Akala ko'y hindi na kita makikitang muli. Akala ko'y hindi na muling matatagpo ang ating mga landas. Subalit mali ako, tulad ng lahat ng akala sa mundo.

Isang lingon at dalawang segundo ng pagkakadaupang-palad. Wala na namang salitang nabigkas sa'yo. Pagkatapos lingunin, dali-dali akong nagpatay-malisya -- na hindi kita nakita, at hindi mo siya kasama.

Dahil kahit sa panahong ito'y wala pa rin akong lakas ng loob na lapitan at kausapin ka.

Dahil hanggang ngayon, kasama mo pa rin siya.


Wednesday, July 29, 2009

Once an outcast, always an outcast

It's a terrible feeling, but that is exactly what I am feeling right now. (insert: people whispering, "Ano ba 'yan, angas na naman isusulat niya!!!")

Simula na ng Self-Talk ko:

Ganito lang 'yan e:  either you are a total loser or probably you just like being different. Something like, deadma ka sa presence ng iba kaya feel mo outcast ka, or you like hanging out with people like you, na mahilig ding magkulong sa sarili niyang mundo.

Or, loser ka lang talaga! More like a clanging cymbal! (try mo mag-love, baka 'yun lang 'yun!)

Kung anuman 'yan, deadmahin ang feeling na 'yan dahil hindi 'yan healthy. Kung deadma sila, e di deadma ka rin, hello! Sila lang ba tao sa mundo? And for the longest time na nabuhay ka sa mundo and you didn't feel that miserable naman, walang sense to make angas about this. You can't please everybody, at siguro nga'y huli nang itanim ang konsepto ng "community" sa utak ng mga tao, even if they profess it. Laos na daw kasi ang "Bayanihan" dahil ang mga bayani, namamatay! Hay naku! Ewan!

End ng Self-Talk ko.

Hindi ko maintindihan ang sinulat ko. Sabi ko na e, 'pag angas talaga, walang kinapupuntahan.

Back to work! Chow!