So, from zero to one dapat ang drama. Ako ang maiiwan sa bahay buong weekend - magkukulong, mag-e-emo, matutulog, magpapakalunod sa mga series at movies ni Geun Suk.
Umalis si Lau mga 2am, tulog na ako. Si Sheli dapat mga 5am ang alis. Nagpaalam ako before ako pumasok sa kwarto kasi ang alam ko dapat wala na akong aabutan paggising ko kinabukasan. Alas-7 ako nagising, kasi may appointment ng 10am. Paglabas ko ng kwarto, nagulat ako kasi bumungad sa akin si Sheli. Late na daw siya nagising. 9am ang flight niya. Dali-dali naman siyang nag-ayos at maya-maya'y umalis na rin.
So ang appointment ko ay 10am. Hopeful akong pumunta dun, umaasa sa isang magandang balita na maaari kong iuwi bilang pampasaya habang nag-iisa sa bahay. Well, it turned out okay, as in okay lang. Yun nga lang, wala pa ring kasiguraguhan. Hanging pa rin ako. And for the longest time pinipilit ko lang talagang maging hopeful kahit magkabila na ang sampal sa akin na parang hindi naman ako kailangan dito sa Manila. I actually felt like a piece of crap.
Pag-uwi ko, akala ko ako lang ang medyo masama ang naging araw. Yun pala, si Sheli hindi nakaabot sa flight niya until she decided not to go Palawan anymore. Nalate siya ng mga 2 minutes lang. Sa tingin ko talaga kailangan niya ng bakasyon na'to. She's not feeling okay for the past days and this trip could have been a good remedy for her sadness. So medyo pati ako nalungkot na rin for her. Umuwi siya ng bahay, natulog.
Si Lau, natuloy sa Mindanao. Nagtext siya nung nasa bahay na ako, nandun na daw siya. Natuloy nga siya sa pag-uwi, walang aberya. Pero, malungkot pa rin kasi kaya naman siya biglang umuwi kasi namatay na yung lola niya na last week lang e malakas pa. :(
Nakakalungkot. Nakakaasar. Bad trip ang araw.
Nang magising si Sheli, nagkayayaan kaming kumain, pantanggal ng :( . After kumain, naglakad-lakad kami sa UP, para makapag-isip, magmuni-muni, at para maalis ang bad sa araw.
haaay. howell. ayan, at least naging masaya tayo kahit papano. :P
ReplyDeleteOK lang yan. Kung may malungkot na araw, sigurado akong may mga masasayang araw din. Kung may sobrang masamang araw, malamang may mga mabubuting araw din. Nagkataon lang at hindi maganda ang araw na yan.
ReplyDeletenaghihintay lang ako sa magandang araw. hehehe
ReplyDeletedarating din yan, sa panahong di mo inaasahan...
ReplyDelete