Kamusta na! Gulay, ang tagal ko nang hindi nabisita ang multiply ko. Pasensya. Kasalanan ito ng Facebook at Twitter! Harhar.
So, ano namang dahilan at biglang parang naalala ko ang multiply ko? Kung tao lang 'to malamang laking tampo na nito sa akin. Ikaw ba naman ang dedmahin ng matagal na panahon, ewan ko lang kung di ka magtampo. Tapos biglang magpapakita at magkukuwento na lang nang walang kung anong paumanhin or anything? Gosh! At kung tao lang din ang multiply, magsosorry na ako, as in now na! Mag-e-explain kung bakit ganun at aasa na maintindihan ang mga palusot ko. At tutuloy lang sa kuwento ko... hehehe
Miane! Nag-koreano?
Anyway, ayun. So huling buwan ko na dito sa AIT. Malamang, huling buwan ko na rin sa Thailand, though hindi pa rin talaga ako sigurado. Ang dami kong gustong gawin pero lahat ng 'yun ay depende sa kalakaran ng buhay. Pero ibang kuwento yun e. Bago ko pa yun problemahin, tesis muna ang problema ko ngayon, at ang lahat ng kaakibat nitong isyu na wala lang talaga akong magagawa. Gusto ko lang mag-angas, maglabas ng sama ng loob, magbasag ng bote at mag-amok ng away! hahaha. War freak!
Tulad malamang ng pakiramdam ng multiply site ko pagkatapos kong dedmahin ng ilang panahon, ganun din ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng pakiramdam ng dinededma. Yung para bang napipilitan ka lang pansinin kasi ipinagsiksikan mo ang sarili mo at wala siyang magawa kasi responsibilidad ka niya, pero sa totoo lang, hindi ka niya talaga gusto (hindi nga niya maalala pangalan mo) at kung hindi dahil sa responsibilidad niya sa'yo, isa ka lang maliit na... 'speck' sa kanyang masalimuot na mundo! Oh well, speck ka pa rin actually.
Hindi ako buntis ha! hahaha. Pero parang ganun din. Nasa proseso ka ng pagluluwal ng isang idea at ang tanging hinihiniling mo ay ang presensya at sapat na pansin ng taong dapat ay tutulong sa'yo dahil, sabihin na nating, siya ang nag-cultivate sa idea mo na 'yun. At sa mga kritikal na panahong ganito, sapat na pahanon lang at pag-aaturga ang nais mo. Hindi naman sobra-sobrang atensyon (dahil nakakaumay 'yon), 'yong sapat lang para hindi ka naman madepres nang bongga. Pero dahil ang dami n'yong nakalinyang magluluwal ng iba-ibang idea, medyo hindi ka na napapansin, dahil hindi ka naman papansin, at mukhang hindi mo naman kailangan ng pansin, dahil sabihin na natin, kaya mo namang iluwal 'yan ng mag-isa. E kung totoong panganganak lang 'to, pwede bang manganak mag-isa? Helo? Loner? Miserable? Over ha!
Pero parang ganun pa rin. Ang pangit ng feeling. Parang nakakawala ng confidence. Nakakadepres.
O baka dahil metal cancerian-leonine monkey cusp ako kaya ganun? (Ano ulit?) Yung gustong napapansin pero hindi nagpapansin. Labo! At dahil hindi napapansin, nag-iinarte.
O baka sadyang narerepres lang ang totoo kong ugali, yung pasaway, na ayaw magpasakop sa kahit na anong autoridad? So, parang hindi talaga komportable dahil hindi sanay magpasakop.
O baka naman mas malalim pa dito ang dahilan, yung tipong mala-Bonifacio-Aguinaldo issue, ganun? O baka mala-Donya Victorina? O mala-Erap lang, na kapag humarap ang idea ko sa salamin e lalamunin na lang bigla at nag-poof!
Ewan. Basta 'yun. Nagugulumihanan, nangangarag, naiirita. Haaaayyyyy...Ang dami kong problema sa buhay, wala namang kuwenta. Hay naku. Hayaan na nga lang. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ganyan talaga ang buhay. Unfair at nakakapikon.
Oh well, papel! *sigh*
may rason naman diba kung bat unfair at nakakapikon? hehe.
ReplyDeletehe doesn't even remember my name! Pero kanina lang, ayun, naalala na niya name ko! hahaha!
ReplyDeletehaha. lalake pala ito. haha.
ReplyDeletelalaki yung adviser ko... counted ba yun? haha
ReplyDeletepwede namang i count. hahaha.:)
ReplyDelete