Showing posts with label acads. Show all posts
Showing posts with label acads. Show all posts

Tuesday, April 27, 2010

ANGAS

Kamusta na! Gulay, ang tagal ko nang hindi nabisita ang multiply ko. Pasensya. Kasalanan ito ng Facebook at Twitter! Harhar.

So, ano namang dahilan at biglang parang naalala ko ang multiply ko? Kung tao lang 'to malamang laking tampo na nito sa akin. Ikaw ba naman ang dedmahin ng matagal na panahon, ewan ko lang kung di ka magtampo. Tapos biglang magpapakita at magkukuwento na lang nang walang kung anong paumanhin or anything? Gosh! At kung tao lang din ang multiply, magsosorry na ako, as in now na! Mag-e-explain kung bakit ganun at aasa na maintindihan ang mga palusot ko. At tutuloy lang sa kuwento ko... hehehe

Miane! Nag-koreano?

Anyway, ayun. So huling buwan ko na dito sa AIT. Malamang, huling buwan ko na rin sa Thailand, though hindi pa rin talaga ako sigurado. Ang dami kong gustong gawin pero lahat ng 'yun ay depende sa kalakaran ng buhay. Pero ibang kuwento yun e. Bago ko pa yun problemahin, tesis muna ang problema ko ngayon, at ang lahat ng kaakibat nitong isyu na wala lang talaga akong magagawa. Gusto ko lang mag-angas, maglabas ng sama ng loob, magbasag ng bote at mag-amok ng away! hahaha. War freak!

Tulad malamang ng pakiramdam ng multiply site ko pagkatapos kong dedmahin ng ilang panahon, ganun din ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng pakiramdam ng dinededma. Yung para bang napipilitan ka lang pansinin kasi ipinagsiksikan mo ang sarili mo at wala siyang magawa kasi responsibilidad ka niya, pero sa totoo lang, hindi ka niya talaga gusto (hindi nga niya maalala pangalan mo) at kung hindi dahil sa responsibilidad niya sa'yo, isa ka lang maliit na... 'speck' sa kanyang masalimuot na mundo! Oh well, speck ka pa rin actually.

Hindi ako buntis ha! hahaha. Pero parang ganun din. Nasa proseso ka ng pagluluwal ng isang idea at ang tanging hinihiniling mo ay ang presensya at sapat na pansin ng taong dapat ay tutulong sa'yo dahil, sabihin na nating, siya ang nag-cultivate sa idea mo na 'yun. At sa mga kritikal na panahong ganito, sapat na pahanon lang at pag-aaturga ang nais mo. Hindi naman sobra-sobrang atensyon (dahil nakakaumay 'yon), 'yong sapat lang para hindi ka naman madepres nang bongga. Pero dahil ang dami n'yong nakalinyang magluluwal ng iba-ibang idea, medyo hindi ka na napapansin, dahil hindi ka naman papansin, at mukhang hindi mo naman kailangan ng pansin, dahil sabihin na natin, kaya mo namang iluwal 'yan ng mag-isa. E kung totoong panganganak lang 'to, pwede bang manganak mag-isa? Helo? Loner? Miserable? Over ha!

Pero parang ganun pa rin. Ang pangit ng feeling. Parang nakakawala ng confidence. Nakakadepres.

O baka dahil metal cancerian-leonine monkey cusp ako kaya ganun? (Ano ulit?) Yung gustong napapansin pero hindi nagpapansin. Labo! At dahil hindi napapansin, nag-iinarte.

O baka sadyang narerepres lang ang totoo kong ugali, yung pasaway, na ayaw magpasakop sa kahit na anong autoridad? So, parang hindi talaga komportable dahil hindi sanay magpasakop.

O baka naman mas malalim pa dito ang dahilan, yung tipong mala-Bonifacio-Aguinaldo issue, ganun? O baka mala-Donya Victorina? O mala-Erap lang, na kapag humarap ang idea ko sa salamin e lalamunin na lang bigla at nag-poof!

Ewan. Basta 'yun. Nagugulumihanan, nangangarag, naiirita. Haaaayyyyy...Ang dami kong problema sa buhay, wala namang kuwenta. Hay naku. Hayaan na nga lang. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ganyan talaga ang buhay. Unfair at nakakapikon.

Oh well, papel! *sigh*

Friday, February 12, 2010

Xiaui was here!

In my almost two years of stay here in Thailand, I stayed in three different student accommodations.


The first one was in SV66 B1. SV stands for Student Village, 66 means you're far from the gate, and B means you're on the second floor. I remember, I literally had to drag myself to this dorm with all the 20-kilo baggage I have. It's too far from the classrooms, too far from the gates, too far from almost everything. Hehehe. But I stayed here from August until December 2008. What I liked here though, were the natural sunlight and breeze, and the Pinoy-style morning chaos, three other Pinays were living next door. It's as if I never left home. 


After SV66B1, I transferred to N310A. If SV66 was far, dorm N was even farther... from Gate 1, but it was closer to Gate 2, laundry at dorm X or Y, Kissy's, Donna's, and to my crush (he used to live in front of my dorm). This room is better. I can sing as loudly as I want to and no one seemed to care. But this room is on the third floor, has no refrigerator, and gets over heated during noon, especially summer afternoons. I stayed here from January until September 2009 and endured my summer days pretending to do my thesis proposal.


Then before going home for my data collection, my new room assignment was given. It's relatively smaller than my first two rooms. Plus points for this room are: it is near the grocery, Hom Krun (a coffee shop), ATM, classrooms, gate, etc.,; it is air-conditioned, has kitchen, and the bathroom is all mine! It's on the fifth floor though but I don't really care! Hehehe... The view isn't great here but I can always go out for a walk, hoping not to bump into my adviser. Hehehe. This is where I am spending the rest of days here as a student.


Wednesday, August 26, 2009

Raket, anyone? (Seryoso po) ASAP

Attention: College Students from Baguio (Preferably marunong mag-ilocano, madiskarte at ipinanganak na isyusera/isyusero) na naghahanap ng konting raket, at nais gamitin ang kanyang spare time para sa mas makabuluhang bagay (like to save the world or something to that effect. hehehe)

I need some assistance kasi para sa thesis ko. ASAP. as in uber-ASAP.

PM me if you're interested.


Salamat,
Xiaui

Friday, August 7, 2009

Nabobits akong bigla

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagsusulat (note: nagkukumahog na pagsusulat) ng aking proposal nang natigilan ako dahil sa isang salita. Alam ko ibig nung sabihin at ang rules sa paggamit nun, pero ang hindi ko maisip ay kung anong part of speech yun.

At ang word na 'yun ay.... dyarrrrraaaaaannnnnnnn!!!

"Taga-"

... as in "Taga-saan ka? Taga-Laguna." hahaha! Mahalagang concept yan sa thesis ko kaya kelangan kong malaman kung anong tawag diyan kasi ieexplain ko siya dapat. Hehehe, nag-email na tuloy ako sa friend kong Language teacher. E since impatient ako at nagkukumahog nga ako, ay nagsearch na ako sa net, kasi asa pa ako sa library namin dito na makahanap ako ng Filipino Grammar book diba. And then napunta ako sa site na 'to: PinoyExchange.com. Forum siya actually na ang thread topic ay "You're and Your", how Pinoys make mistakes sa paggamit ng dalawang words na 'yan, hanggang sa dumating na rin sa topic ng Filipino grammar, like use ng "ng" ant "nang", difference ng pang-uri at pang-abay, mga ganung tipo ba. Katuwa siya, really kasi mga pinoy yung nagpapalitan ng opinyon, hindi lang sa Filipino language pero kung paano natin gamitin yung English. Natutuwa naman ako, kasi malaking bahagi ng identidad natin bilang Filipino yung wika.

Tulad ng term natin na "Taga-". Sabi dun sa nakita kong source sa net, "Taga-" daw is a noun-forming prefix meaning 'a native of' or 'coming from'. Diba kapag sinabi mong "Taga-Laguna ako", most likely kaakibat niya yung ethno-linguistic background mo. Meaning kung "taga-Laguna" ka, malamang Tagalog ka at dun ang hometown mo. (I still have to research kung tama ito sa lahat ng pagkakataon o hindi, sa tingin ko hindi sa lahat ng pagkakataon kasi pwedeng Bisaya ka na taga-Baguio, yung ganun ba! hehehe).

Ayun. That's the preview of the 20% of my thesis topic. Hahaha... Pero nawindang talaga ko diyan sa word na yan ha. Pero buti na lang naliwanagan na ako, at least dun kung anong tawag sa kanya. Pero dun sa konteksto niya at mga kaakibat niyang kaetchosan na mahalaga sa thesis topic ko, hindi ko pa rin masyado magets! haaayyyy...

Yun lang. ☺☺☺



Tuesday, May 26, 2009

Happy Eating




When there are million reasons to celebrate, eating good food with crazy people should not be missed. :

These pictures were taken from Ting and P'Jo's Thesis Defense, FILA Farewell Party for Graduating Students, and their Surprise Pre-Graduation Dinner (nasurprise sila kasi bigla lang kaming sumulpot ni Ching!) Hehe

Today is their Graduation Day. Congrats!

Sunday, April 26, 2009

ED 79.16 Final Exam

Start:     May 11, '09 09:00a
End:     May 11, '09 12:00p
Location:     E108, AIT, Thailand
Conflict Resolution Final Exam - Last Hirit!

(Last time ko na rin na makikita si Unno... huhuhu)

ED 79.14 Final Exam

Start:     May 4, '09 1:00p
End:     May 4, '09 4:00p
Location:     ET109, AIT, Thailand
Governance Final Exam - Last hirit!

Saturday, April 25, 2009

Hinga muna


Ang tagal ko nang hindi nakapag-multiply! huhuhuhuhu... pero wag nang magreklamo dahil konting panahon na lang ang kailangan kong gugulin sa pagpapaka-busy dahil malapit na ang FINALS!!! grabe na 'to!

Pero bago mag-celebrate ang kagandahan ko, my gulay, sandmakmak na kangaragan muna. Halos natapos ko na ang karamihan sa mga requirements, konting hinga pa at ayos na ang buto-buto. Kaya lang, sobrang taas na ng stress-level ko, umaatake-to-the-max ang allergies ko, walis-tambo look na ang hairlaloo ko, kungfu panda na ang eyebags ko, at ang room, mukha ng landfill. My gulay! Hay, buti na lang nakatakas ako ngayong gabi, este, madaling araw pala, para makabisita sa blogey kow.

Hay... back to kangaragan! Chow!


Saturday, March 28, 2009

It's a Miracle!

Okay! Fine! I over-reacted! Kelan naman ako hindi naging OA, exaggerated, at exceptionally ngarag sa mga bagay-bagay sa buhay ko? I was trained to magnify ordinary things to make them look extraordinary. It's art!

Haha! Sorry. I'm just justifying the exaggeration of my reaction towards my academic life. Hehe. Nataranta lang ako, nagimbal at nagising sa katotohanan.

Para wala nang paligoy-ligoy pa, sasabihin ko na kung anong nangyari. Ganito:

  • Mababa pa rin ang nakuha ko dun sa pinangangambahan kong subject, pero hindi naman siya kababaan na tipong patatalsikin na ako dito sa AIT. Kaya pa naman siyang bawiin kahit next highest grade na lang (but I'm still aiming for an A! Lord, help me!)
  • Kumbaga sa battery, Triple A ako. Hehe. Yun. :) Pero nangangahulugan din 'yun na kailangan kong magtino pa kasi midterms pa lang 'yun. There's still a big chance na bumaba pa 'yun kapag nagpabaya ako. More pressure! My gulay!
  • Isa sa mga subjects ko ay walang grade kasi wala daw pagbabasihan, sabi ni Dadi Seyj. Hehe. Kasi naman, one credit lang yun tapos 5points pa lang yung assignments na binigay niya. Well, Research Design yun so ang mahalaga dun ay ang Thesis Proposal at the end of the semester.

Speaking of thesis proposal, I need to finish my thesis proposal as soon as possible, and I have to defend it as early as may, dahil by June/July, I should be going back to Baguio to do my data gathering and my internship.

So there. Isang buwan na lang at Finals na naman! At nape-pressure na akong lalo! Natatae na ako sa pressure. Haha

Well, I can say, it's still good to feel low sometimes kasi you get to realize that you have to try your best in everything and you cannot survive without God's grace! Nababatukan ang mga papetik-petik! Kaya ayun!

Kung sa ANTM pa 'to, sasabihin ni Tyra sa akin, "You're still running towards becoming America's Next Top Model!" Sabay fierce-look... and pout!

Haha.

Sunday, March 22, 2009

Khok Charoen, Lopburi




Here are some of the snap shots of our trip to Khok Charoen, Lopburi Porvince, Thailand for the Gender Analysis and Gender Responsive Development Planning class under Dr. Kyoko.

Thursday, March 19, 2009

Capital T

"... as in Tanga!"


Siguro, hudyat na ito na kailangan ko nang umuwi. O kung sa termino pa ng mga galit sa akin at nag-iisip na ilusyunada ako, panahon na para lumibel ako sa dapat kong kalagyan.

Nabagsak ko ang isa sa mga exam ko, at yun pa lang ang resultang nakukuha ko sa ngayon. Nangangamba ako na pare-pareho ang kalalabasan ng apat ko pang exam dahil, una, tanga naman talaga ako; pangalawa, pareho lang ang takbo ng utak ko simula ng una hanggang huling exam.

Pagod na ako sa totoo lang, pagod na akong makipaghabulan sa mga gusto kong abutin. Huling pagkakataon na ito at anong ginawa ko? Hindi ko alam kung hindi ko lang talaga kaya o nawawala na naman ako sa konsentrasyon?

Sasabihin siguro ng mga galit sa akin, "HINDI MO KASI TALAGA KAYA, ILUSYUNADA KA KASI!" Putang-ama n'yo! At least ako, sinusubukan kong habuli at abutin yung mga gusto ko kahit minsan e suntok sa buwan talaga! Kung ano mang kahinaan meron ako, pinipilit kong i-overcome yun! Nakakapagod na kaya! At oo, ilusyunada ako, kasi ayokong nagsesettle sa ganito lang.

Nakakapagod na lang talaga.

Masyado na akong matanda para sa mga kapalpakan! Pero eto na naman ako, pumapalpak pa rin ng bonggang-bongga! At lagi't laging may repurcussions ang mga bonggang-bongga kong kapalpakan, i.e., hindi na ako makakatuloy mag PhD kasi kamusta naman ang grade ko, diba?

Ngayon, hindi ko alam kung titigilan ko na 'tong habulan na 'to o mas lalo lang akong tatakbo kahit wala na akong lakas. Pero kasi, baka naman hindi na ako kasali sa habulan e takbo pa rin ako ng takbo? Diba katangahan 'yun?

O baka tanga lang talaga ako?


Saturday, February 21, 2009

Visiting Chachoengsao




Five-day fieldwork in Chachoengsao Province for our UEM Workshop class this semester. At the end of the semester, we are expected to draft an urban revitalization plan for Muang Chachoengsao, the most urbanized municipality in the province.

On the first day (15Feb), we went around the tourist-spots in the Province. We went to Wat Sothorn, Baan Mai Market, Bang Khla, and others. The next days were mainly for business, but of course, we still managed to find some time to fool around. hehehe

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Thursday, February 19, 2009

ED 79.10 Fieldwork

Start:     Feb 15, '09
End:     Feb 19, '09
Location:     Chachoengsao Province, Thailand
Urban Revitalization: The Case of Muang Chachoengsao

Wednesday, December 3, 2008

Weird




There's a weird sight in front of my dorm today - a bike hanging on a tree.

I don't know how it got there and whose bike is it, but it's there and it's weird. There are bike parking lanes here so I am not sure why someone put that bike there. Whoever did that was probably bored or something. Weird things happen during final exams, you know. Ahaha.





Wednesday, November 5, 2008

Fieldtrips of the Future Basurero Part 3




Lam Tha Kong Hydropwer Plant Nakorn Ratchasima and Wind Turbine in RMUTT.

Fieldtrips of the Future Basurero Part 2




San na nga ba 'to?

Wongpanit Garbage Segregation Plant in Bangbon and AIT-CIDA Community-based Solid Waste Management Site in Bangplee Newtown, Samutprakarn.

As usual, puro kalokohan lang ang pinaggagawa namin. Ahehe

Tuesday, November 4, 2008

Fieldtrips of the Future Basurero Part 1




The class of Dr. Nowarat and Dr. Ranjith went on a fieldtrip in Laem Phak Bia and Piggery Farm in Petchaburi, and Night Soil Treatment Plant and Solid Waste Management Plant in Nonthaburi last 17-18 september 2008. First trip outside AIT! Yehey!

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Thursday, October 23, 2008

MidTerm Gaga

"Cramming is bad for your health."

Noong midterms week, lagi akong umaga natutulog, mga ganitong oras, hindi dahil nag-aral ako ng mabuti kundi dahil kailangan kong madaliin at tapusin ang pag-aaral para sa exam kinabukasan. Cramming - ang sakit ng karamihan sa mga UPian.

Si Arjay, ang pinakabonggang crammer na nakilala ko. Walang tatalo sa kanya sa pagka-aligaga sa tuwing nagka-cram. Pero hindi 'yun ang dahilan bakit nasabi kong pinakabongga si Arjay pagdating sa pagka-cram. Kasi, nagka-cram na nga siya, lumulusot pa rin. Flying colors ang mga grades, perfect ang mga presentation... mga ganun ba. Well, halos lahat ng UPian na kakilala ko ganyan, lumalabas ang tunay na anyo kapag nasa binggit na ng kung anuman. Parang hindi nasisiyahan kung walang challenge, kung walang adrelanine rush, parang ganun. And yes, ganun din ako. Hindi nga lang madalas makalusot. Ahehehe.

Before nag-midterm exam dito, kung anu-ano ang pinaggagawa ko -- may pagpapa-cute, may panonood ng Heroes, may pagbababad sa kainan, sa kung saan-saan kasi may hinahanap na kung sino... mga ganun bang walang kapararakang bagay, habang kinakabahan na malapit na ang exam.

Dumating ang exam week, ayy!!! Hayan na, naloka na si bakla. Inuumaga sa pag-aaral (na may kasamang kuwentuhan, kainan, etc. samahan mo pa ng conversation sa mga PSEUDO-CONFRONTATIONAL na tao). Natatakot ako na baka hindi ko mapasa 'yung exams ko. Pero, sa awa ni Lord, ayun nakapasa naman. Though disappointed ako sa tatlong exam (lalo na dun sa isa kasi naka-A si Barbie!!! Shit!) Ayun. Noong wednesday, lumabas na 'yung grades namin for the midterms and here's my grade:

Photobucket

Surprisingly, I got two As and three B+. Wala akong B, lalo na C. Ang galing-galing ni Lord! Nakakatawa pa 'yung isang A ko kasi second ako sa highest sa exam. Ahaha, natatawa ako kasi hindi ako nag-aral sa subject na 'yun. At hindi ako architect or civil engineer (Urban Housing kasi yung subject). Funny but I'm thankful for that.

Kailangan ko pang magpursige kasi hindi pa tapos ang laban, midterms pa lang yan, may finals pa at mukhang mas madugo ang finals. Tsk tsk tsk. (Buti na lang nahabol ko na yung Heroes, paisa-isa na lang ang nood ko ng episode.) So, para maiwasan ang kangaragan sa finals, at para maging maganda ang FINAL GRADE, tatantanan ko na ang cramming...

Oh well...