Showing posts with label baguio. Show all posts
Showing posts with label baguio. Show all posts

Tuesday, April 19, 2011

Panandaliang Aliw




Parang one night stand lang or one-day promo...


A_DSC_8407


A_DSC_8437


A_DSC_8636


A_DSC_8442


Had the opportunity to use Nikon D40 in Baguio last weekend. Buti na lang, the office owns one and they let me use it. :P

Nakikipagkilala pa ako sa DSLR. I still have tons of things to learn, so please be nice. (Thanks to Amer, though, and to his photojourn lectures in our 2007 CJW escapade.) :P

Saturday, January 29, 2011

Ligay is dead.

Nagtuturo ako ng Kritisismong Pampanitikan dati at gustong-gusto kong ituro ang subject na yun. Anything goes kasi. I mean, syempre nandun yung basics, theories and all, pero marami na kasing paraan ng pagbasa ng panitikan at nakakatuwang marinig mga opinyon ng mga estudyante sa kung anu-anong texto na itatapon mo sa kanila (and of course, fun lang ang klase para ma-appreciate nila ang panitikang Filipino.)

So binigyan ko sila ng exercise, paper actually. Kailangan nilang basahin ang isang tula at gagawa sila ng papel tungkol dun: paano ang pagkakabasa nila sa tula. Bahala sila kung paano nila yun babasahin o kung anong teorya ang gagamitin nilang gabay.

Ang binigay kong materyal ay yung luma kong tula, yung MULTO. Hindi naman ako nag-expect ng sobrang bonggang kritik mula sa tula na yun. Gusto ko lang makita pano nila babasahin yun at dun na ako kukuha ng paraan pano ko ipapaliwanag sa kanila ang mga anik-anik na kailangan nilang malaman.

So yun na. Initial reaction nila nung binigay ko yung tula, "Ang drama naman nito Ma'am. Sino si Ligay?" E hindi ako nag-disclose ng info kung sino yung author, kung sino si Ligay. Kasi nga kapag nalaman nilang ako ang nagsulat nun, malamang bobolahin lang nila ako sa kanilang mga mabubulaklak na mga pananalita tapos madadala naman ako kasi, wala, pariwara lang talaga ang utak ko sa mga ganyan. hahaha.

Pagdating ng pasahan ng papel at nang tsinetsekan ko na, may mga lumabas na politikal daw ang tema ng tula, tungkol sa kalayaan, at kung anu-ano pang echos (at siyempre may nagsabi rin na walang kakwenta-kwenta ang tula na yun. Dont worry, pumasa naman siya sa klase ko pero may bahagi sa akin na gusto ko siyang ingudngud. hahaha.) Syempre bilang ako ang nagsulat nun, natatawa ako sa mga pagbasa nila dahil hello, wala namang bahid ng politikal echos ang utak ko nung sinusulat ko yun, pero in fair, pwede rin. Mahabang talastasan nga lang. Pwede ring mga kalayaan and all, pero ang puno't dulo lang nun e ang pag-e-emo ko at hindi ko naman yun masabi dahil "the author is dead" daw. Labas ang aking pagiging author ng tula sa pagkakataon yun. Kaya, keri lang.

Pero wag ka. Habang natatawa na nga ako dahil sobrang hindi ko inexpect na ganun nila yun babasahin, may isang kagimbal-gimbal na pagkabasa ang aking natagpuan. Natigilan ako at nasabi sa aking sarili na, "Kilala ba ako nito? Bakit niya alam?" Sabay tawa na nagulat na lahat ng tao sa faculty room. Parang ganito ang sabi niya:

"Ang tulang ito ay tungkol sa isang taong naghahanap ng kalayaan sa isang lipunang mapanupil. Pumipiglas siya subalit sa tuwing kanyang susubukan ay bumabalik pa rin siya sa katotohanang hindi siya matatanggap ng lipunan. Bakla si Ligay."

HAHAHAHAHAHA.

Next class namin, bitbit ko na yung result ng paper nila. Bungad na bati ko sa kanila ay:

"Ako si Ligay."

Isang segundong katahimikan at napuno ang silid ng iba't ibang tono ng sigaw, na parang yun na ang katapusan ng kanilang buhay. Haha.

Friday, November 20, 2009

Baguio Blues



Ilang metrong alikabok na ang iyong nalanghap? Ilang kalye na ang iyong nalakad? Hindi pa tayo tapos sa ating paggagalugad, kaya bagong laso na lang muna ang sa'yo'y alay.



Malamig na panahon.
Mag-isang paglalakbay.
Walang makausap.
Walang makasama.
Mag-isa.
Daan-daang tao.
Dumaraan.
Dinaraanan.
Nakayuko.
Nakatingala.
Mabungo ma'y wala pa rin salita.

Ang buhay ng isa,
nangatog sa lamig
mag-isa.

Thursday, November 19, 2009

Bloopers

I went to this office in City Hall where I was looking for this certain person. I was so confident pa when I asked the receptionist, "Nandito po ba si Mr. ------?" with matching smile pa with uber-polite tone of voice. The girl cut my query. She corrected me from saying a different surname of the person I was looking for. Oh gosh! it was so nakakahiya, considering na that person was just 5 inches away from me! Damn! Malay ko ba, someone from another office referred me to that person and that was the name that was given to me.

And the funnier thing pa, the name I said was the exact antonym of his surname, something like i said bukas and it was really sara. Something like that. Di ba nakakahiya?

Wednesday, August 26, 2009

Raket, anyone? (Seryoso po) ASAP

Attention: College Students from Baguio (Preferably marunong mag-ilocano, madiskarte at ipinanganak na isyusera/isyusero) na naghahanap ng konting raket, at nais gamitin ang kanyang spare time para sa mas makabuluhang bagay (like to save the world or something to that effect. hehehe)

I need some assistance kasi para sa thesis ko. ASAP. as in uber-ASAP.

PM me if you're interested.


Salamat,
Xiaui

Tuesday, July 29, 2008

Summer Lovin'




These photos were taken last summer when Bani went to Baguio. He was actually going to Tuguegarao, dumaan lang siya sa Baguio kasi nandoon ang sakayan at siyempre para na rin magliwaliw with us.

Sa La Azotea kami nag-lunch since (1) may vegetarian meal doon, (2) wala akong pera. Then naglakad kami papuntang palengke dahil may gagawin si Arjay. Kaya noong nasa palengke kami, kaming tatlo lang nina Amer at Bani ang nagpapakasawa sa picture!

Then dumaan kami sa SM para kumain ulit. Tapos noong medyo maghahapon na, nagkayayaang mag-Camp John Hay. Nilibre kami ni Amer ng Strawberry Parfait na super sarap tapos may pizza pa yata. At itong si Arjay, ay nag-order ng Chocolate Shake. Ang nakakatawa, akala niya blue 'yung shake na 'yun kasi ba naman ang kulay nito sa menu ay blue. Di niya nakita 'yung nakalagay na "NOT BLUE" kaya ayun, brown 'yung chocolate shake niya. Hehehe

Fun, fun, summer fun!

Photobucket

parfait yum

foreigners kuno