Thursday, September 29, 2011
Dahil wala akong mapagsulatang iba...
Friday, February 11, 2011
Unlikely
- a deep sense of sadness (sorrow): Sabi nina Lau, hindi naman daw ako malungkot. Wala naman daw akong reason para malungkot. Sabi ko, hindi ba pwedeng maging reason ang kawalan ko ng lovelife? Tiningnan lang nila ako, at natawa ako kasi, honestly hindi ko naman siya pinoproblema. Pero part yun ng new year's resolution ko. Hehe. Yun nga lang, bakit mo poproblemahin ang bagay na wala? Or kung meron, e bakit mo pa poproblemahin? Hehehe.
- a lack of motivation to do anything, even enjoyable activities: Marami naman akong bagay na ine-enjoy gawin. Sulok, for example. Kahit ngarag-ngaragan, I still love being a part of it. At ineenjoy ko naman ang pagsusulat, pagdaldal, pagtawa, pagkain, hahaha!!! Ako na ang mababaw ang kaligayahan! :)
- a change in appetite and either weight loss or gain: Actually, problema ko nga ang hindi pagbaba ng timbang ko! HAHAHA! At anong loss of appetite? Walang ganun! Sarap kumain nu! Kaya hindi talaga ako mamayat! :P
- sleep disturbances, sleeping either not enough or too much: wala naman masyado, mahilig lang akong magpuyat at kailangan kong gumising ng maaga kaya minsan kulang ang tulog ko (kaya rin siguro may biglang pag-e-emo na nagaganap, hmmm...)
- feelings of low self-esteem: Sabi ni Sheli, wala daw ako nito. Never daw ako nagkaroon ng low self-esteem! Grabe naman, meron naman, hindi ko nga lang ine-entertain! Because, sabi sa Bible, I am "fearfully and wonderfully made" so bakit ako mag-iinarte? Buti nga kumpleto ako (sobra pa nga e, ng taba!!! hehe). May iba nga na may kulang pero nagagawa pa rin nilang magpasalamat. So sino ako para hindi pasalamatan ang lahat ng meron o wala ako, diba?
- poor reasoning and memory: Ewan ko lang ha, pero sabi ni Sheli, ako daw ang may pinakamaayos na memorya at reasoning powers sa aming tatlo ngayon. Bolera naman 'yang si Sheli, hahaha! Sabi ko sa kanya, I have selective amnesia kaya, maraming detalye sa past ko ang hindi ko maalala. Sabi niya, pinipili mo lang naman ang maaalala at hindi. Ayun, sapul! Hahaha
- thoughts of death and suicide: NO! I am so vain to even think of killing myself, sabi nila. Hahaha. But really, hindi talaga. Siguro dati, pero kapag naiisip ko kung paano ko papatayin ang sarili ko parang... eeeeeewww... Imagine, sasaksakin mo sarili mo, sakit kaya nun! O kaya uminom ng lason? Yuck kaya lasa nun. O kaya magbigti? E yung paghihintay mo na mamatay e nakakaloka kaya, wag na!!! Hahaha
Friday, February 4, 2011
Sweets No More
Thursday, February 3, 2011
25 Random Things
To know is to succeed.
Wednesday, February 2, 2011
Morning Balinguynguy
Saturday, January 29, 2011
Ligay is dead.
Thursday, January 27, 2011
OA
Tuesday, November 30, 2010
Adik
Wednesday, February 24, 2010
Pulang Buwan
Monday, February 22, 2010
Wednesday, July 29, 2009
Once an outcast, always an outcast
Simula na ng Self-Talk ko:
Ganito lang 'yan e: either you are a total loser or probably you just like being different. Something like, deadma ka sa presence ng iba kaya feel mo outcast ka, or you like hanging out with people like you, na mahilig ding magkulong sa sarili niyang mundo.
Or, loser ka lang talaga! More like a clanging cymbal! (try mo mag-love, baka 'yun lang 'yun!)
Kung anuman 'yan, deadmahin ang feeling na 'yan dahil hindi 'yan healthy. Kung deadma sila, e di deadma ka rin, hello! Sila lang ba tao sa mundo? And for the longest time na nabuhay ka sa mundo and you didn't feel that miserable naman, walang sense to make angas about this. You can't please everybody, at siguro nga'y huli nang itanim ang konsepto ng "community" sa utak ng mga tao, even if they profess it. Laos na daw kasi ang "Bayanihan" dahil ang mga bayani, namamatay! Hay naku! Ewan!
End ng Self-Talk ko.
Hindi ko maintindihan ang sinulat ko. Sabi ko na e, 'pag angas talaga, walang kinapupuntahan.
Back to work! Chow!
Monday, June 29, 2009
Tuesday is "Khun-sumisyon" Day
I don't like waking up early because it's torture for me, but since TUESDAY is the cleaning day for my room, I have no choice but to always get out of the bed, leave my room and roam around the campus half-asleep. And today, my friends, is Tuesday.
I don't despise the fact that someone is cleaning my room, infact I am certainly grateful for that. Yet, sometimes, I wish I never have to get up just because someone has to change my beddings. I mean, I can do that on my own, I can even clean my own room. I just don't want to be disturbed especially if sleeping is concerned.
Look, I have a difficult time sleeping. Sometimes, I am up for 48 hours before I can really feel sleepy. When I feel that, I dont hesitate, I sleep. And I dont want to be disturbed. So if someone wakes me up when I am in the middle of my dreamland adventure, that is absolutely irritating. But I don't blame the Khuns. They're just doing their jobs, so dedicated that they even miskaten me for a pillow once and they just threw all the stuff on my head bringing me entirely to my senses. They said sorry, so it was okay. But that really hurt. After that incident, my Tuesdays were never the same as before.
I just wished my dorm's cleaning schedule isn't morning. Or probably, I wish my insomnia will be cured soon so that I won't have to be so irritable all the time, Tuesdays specially.
P.S. I don't leave my room without taking a bath and bringing some baht. hehehe
Friday, April 10, 2009
Tongue Twister
"Sa
lahat
ng
salitang
pinagbubuhol-buhol,
sa 'yo
lamang
talaga
ako
nabubulol."
choz!
Sunday, March 29, 2009
Nagsusumixteen Series: Si Manong Kuya
nang makita ko ang likuran mo...
Hindi naging kumpleto ang nakaraang linggo ko kasi wala ka. Nalaman ko na lang, nag-China ka pala. Hindi tuloy kita nakita noong Martes at Biyernes. Isang linggo kong inabangan ang pagbalik mo, gabi-gabing dumaraan sa tapat ng dorm mo, nagbabakasaling may masisinagan akong ilaw sa kuwarto mo, pero hanggang kagabi, hindi pa rin kita nakikita.
Pero kanina, habang tulog akong nagbibisikleta papunta sa silid-aklatan, nakita ko ang likod mo, naglalakad sa may di kalayuan. Tila bang tumalon, tumakbo, at nadapa ang puso ko nang makita ko ang likuran mo. Nandito ka na ulit! Ang saya-saya naman! Kailangan ko na lang maghagilap ng sapat na lakas ng loob para man lang makatingin sa'yo ng deretso, at kung kakayanin pang makangiti sa'yo, para na akong biniyayaan ng super powers nun.
Martes na bukas. Kita-kita tayo sa klase. Hihihi. Bigla akong na-excite!
Wednesday, March 25, 2009
Anik-anik, Atbp., muling nagbabalik!
Tuesday, January 20, 2009
Hate ko si Cinderella
Imagine, inaapi na siya't lahat wala pa rin siyang ginagawa para ipagtanggol man lang yung sarili niya pati karapatan niya.
Tapos, kelangan pa niyang mag-rely sa powers ni Fairy God Mother para lang ma-meet niya si Prince Charming! Haller? Pwede naman niyang takasan yung step-mom niyang walang-hiya at lumarga sa party. Kung hindi 'yun aanga-anga, naisip niya sana 'yung naisip ni Fairy God Mother. Or... dapat na-anticipate na niya na magpapaka-kontabida yung pamilya niyang hilaw. Hello naman, sa araw-araw ba namang ginagago siya nung pamilya niyang hilaw e hindi pa niya naisip na hindi pa nagsasawa 'yung mga 'yun sa pangbu-bully sa kanya? Gosh.
Tapos, ayan na nga. Kunyari nagmamagandang-loob itong si Fairy God Mother. Patitikimin siya ng chance, ng opportunities. Tapos, si Cinderella naman, ayun. Uber ang pagkailusyunada! Alam naman niyang ang kabilin-bilinan ay hanggang 12 midnight lang. Ay naku, Nag-enjoy. Anuveh! Hindi pa marunong mag-budget ng time. Anong oras ba siya dumating dun sa party ni Prince Charming? Ang tagal naman nilang nagsisinaw-sayaw dun. Wala bang curfew nun? Hay naku.
Pwede naman siyang hindi tumakbo. Ganun din naman itsura niya kahit walang powers ni Fairy God Mother. Lamang nga lang ng mga ilang paligo yung "photoshopped" version niya (kasi may powers nang kasama! Ganun!)
Hay naku.
Tapos, nung nagkatakasan na, forever lang siyang naghihintay na hindi bobito si Prince Charming at mahahanap siya. Hello?? Pano kung sadyang tatanga-tanga yung prince. E sa simula pa lang, tatanga-tanga na yun e.
Tsaka glass slippers??? Pwede bang ipangsayaw yun? Hindi ka kaya mabubog dun?
Kaya pwede ba, tantanan ang mga Cinderella story.* Never nagkatotoo 'yung mga ganun.
________________________
* Ang pagka-asar na ito is brought to you by this article.
hehehe
Wednesday, January 14, 2009
Dalawang Bagay
Una, yumakap ng mga stuffed toy.
Pangalawa, mag-soak ng paa sa mainit na tubig.
Gusto ko talaga ang mga stuffed toy kasi malambot, ang sarap yakapin. At sa isang tulad ko na ilag nang yumakap ng sinuman, sa stuffed toy ko binubuhos 'yung kagustuhan kong mangyakap (justification rin siguro ito kung bakit kailangang maraming unan sa kama ko, pero simula bata ako gusto kong maraming unan sa kama.) Though hindi ko mabili yung mga yun kasi mahal, okay na ako makakita or makayakap man lang ng mga stuffed toy. hehe
Ibang satisfaction naman ang nadudulot sa akin ng pagbababad ng paa sa mainit na tubig. Ang tagal kong na-deprieve sa habit kong 'to kasi walang lutuan sa dati kong bahay. Pero since pinaampon ni Kissy yung mga gamit niya sa akin habang wala pa siya dito, nagkaroon ako ng gamit at means para magawa ko ulit yung bagay na alam ko kapag hindi ko ginawa e sobrang hindi talaga ako mapapalagay.
Hayy... weird na kung weird, pero ito 'yung ilan sa mga bagay na nakakapagpakalma o nakakapagpasaya sa akin. Hehe... Lavet!