May kakanin na sikat sa amin sa pangalang OA. Meron siyang niyog, malagkit, asukal tapos idi-deepfry... ayun, OA sa ingredients. Haha.
Sa mga ganitong panahon, parang naririnig kong tumatawag yung nagtitinda, "OA, OA, OA kayo jan!!!" tapos tatapat siya sa bahay namin hanggang sa makulitan kaming lahat at bumili ng kanyang OA.
Hindi ako kumakain nun. Kung kakain man, tipong once a year, or kung may bisita na pamangkin, friends, etc. Iba kasi dating sa akin nung pagkain. Masarap naman siya, mabigat nga lang sa tiyan kasi malagkit na giniling with niyog at nilublob sa asukal.
So parang nararamdaman ko lang na pinatatamaan ako ng pangalan ng pagkain (OA talaga!), sukdulan na raw ang kaartehan ko sa buhay. Parang walang bukas kung magmoda. At kung malalaman ang dahilan, mapapatahimik ka na lang sabay tingin sa akin ng masama. Kasi wala naman (dapat) kapararakan. OA lang talaga. Alam mo yung exaggerated version of myself, redundant na kasi exaggeration na ako to begin with! Hahaha.
Ayun. So kadiri na. Tama na. kapag nasobrahan sa OA, either sasakit lalamunan dahil sa tamis or... magpapakawala ng sama ng loob sa kubeta.
huwag ka, napapakain din kaya ako nyan minsan pag dumaan ng maginhawa. tsktsk... bigyan nyo ako ng tubig agad ha if napakain uli ako sa susunod. :D
ReplyDeletemay ganyan sa maginhawa? not kewl! hahaha :P
ReplyDeleteOA nga...
ReplyDelete