Makikipaghabulan na naman sa oras mamaya. Makikipagsiksikan sa MRT na parang daga. Magpapanggap na naiidlip kesa makipagkaibigan sa tuktok ng kalapit. Magpapalipas ng gutom sa dami ng ginagawa.
Ang silay ng araw, sa bintana na lang nakikita. Ang patak ng ulan, hindi na maalala. Ang ulap, hangin, tiririt ng maya at kung anu-ano pa, wala. Sa dyaryo na lang nakikita ang ulap, sa mga tao na lang nararamdaman ang hangin. Ang huni ng maya, ilusyon. Utak lang yun na nagsusumigaw nang "Tama na".
Kape ang kaulayaw maghapo't magdamag. Kape ang sandalan kapag nananamlay. Kape ang kausap kapag tumatakas. Kape ang dumadaloy sa buong katawan- malapot, matapang, walang asukal.
Lulubugan na lang ng araw kakahintay ng masasakyan. Pag-uwi ng bahay, plakda! Wala nang ibang magawa.
Hay buhay.
Umaga na naman. Ayoko nang bumangon.
ei super late ako ngayon... late gumising.. tpos nasira pa ang mrt...
ReplyDeleteHay naku, kaya naman pala late din ako! Yung pila ng MRT QAve abot hanggang baba. Dun na ako sa LRT sumakay. haha :)
ReplyDelete