"Lalalalalalalashing..."
Posers! Haha.
E para lang din naman kaming lashing. Sama ng araw. Balak ko sanang laklakin 'yung mga DON'T-DRINK-OR-I'LL-KICK-YOU drinks sa cupboard e. Naudlot lang ang aking masamang balakin dahil dinantnan ko si Sheli. Hahaha. So instead of getting drunk at the middle of the week, I grabbed Sheli's guitar and started strumming Parokya's Sampip. Sabi ni Pol, sa tuwing tinutugtog ko yung kanta na yun, alam na niyang badtrip ako. Kahit hindi na daw ako magsalita.
Nakikanta na rin si Sheli. Playlist namin: Harana, Victor Would, Sabihin, Bad Romance, We are the Champions, Kiss the Rain, Love of my Life, Bohemian Rhapsody, Himala... Paumanhin na lang sa mga kapitbahay namin dahil sa aming kaingayan. Para kaming mga lasing na naka-isang case na ng red horse at sinisipa na ng bongga.
Habang tumutugtog ako (read: NAGWAWALA), nagluto si Sheli ng hapunan kasi tinamad na kaming lumabas. Guess what's our ulam: tunang saksakan ng anghang. Parang pulutan lang. Ayun, di kami masyado nakakain. Adik kasi. At ayun, nilantakan na lang ang Hot and Spicy Sugo. Hot and Spicy pa rin. :P
Hahaha.
Lesson: Pwedeng malasing kahit walang ispiritu ng alak. Imahinasyon lang, pwede na. :P
ang importante dun, at least namimic natin ang totoong pagkalasing. sabi nga: experience taught us well. bwahahahaha...
ReplyDeleteMiss mo na nu? hahahaha Peace!
ReplyDeletehaha! sama ako ulet sa lasinga sessions.. mejo dinedma ko kayo kagabi..hehe
ReplyDeleteparang alam ko bakit ka deadma kagabi! Hahaha! Pwede mang-asar? Hihihi
ReplyDeleteha???? anong ipang-aasar mo? nanonood lang ako... kaso may umeepal din sa tabi ko... haha!
ReplyDeleteyun mismo! Hahaha! Tas may isa pa! harhar
ReplyDelete@bani: hala hala, katabi pa naman tayo... :P
ReplyDelete@shawi: wag na OT!!!! haay, male-late na naman ang ating lasingan sessions... :(
hahaha. Syempre di na ako papayag bukas! Haha. Bahala na sila, ang kulit nila! :)
ReplyDelete