Nung sa Anik-anik, Atbp ako nagsusulat ng mga angas ko sa buhay (blog), meron ako dun na portion about my Baguio escapades, yung BAGUIO BLUES. When I went back to the lowlands, I abandoned the blog and thus the end of Baguio Blues. Fastforward mga ilang years, plus Zuckerberg's insane idea, I forgot all about Anik-anik kung saan nag-uumapaw ang kadaldalan ko sa mundo. 'Yung tipong bawat mangyari sa akin sa Baguio ay documented dun. Actually, pati nga yung sighting ko kay Grimace (haha, first time ko siya makita bilang mascot! Hehehe) nakalagay pa dun. :)
Ngayong ginagalugad ko ang Maynila sa halos araw-araw, at sa mga nakakatawa, nakakamangha, nakakalurking nasasaksihan ko, mukhang may bagong "segment" akong masusulat! Pasensya na kung sa pagbasa nyo e makita nyo ang sarili nyo dahil minsan, tsismosa lang din talaga ako!
:)
THE MORNING AND THE BROKEN
630 ng umaga ang alis ko sa bahay. Dito magsisimula ang pakikipagsapalaran ko sa Concrete Jungle where 'local' dreams are made of, hehe Maynila lang kasi hindi New York! :) Bagong gising ang mga tao, bagong ligo. Fresh na fresh, handang-handang makipagsapalaran sa masalimuot na syudad ng Maynila.
Hindi pa masyadong nagsusumigaw ang araw, hindi pa gaanong mainit. Wala pang bahid ng hirap at sakit. Dapat.
Pagsakay ko ng jeep sa Philcoa papuntang MRT, dun ako napaupo sa may likod ng katabi ng driver. Punuan na kasi, at alam mo naman ang mga Pinoy. Ayaw na ayaw nila ng hassle. Ayaw nila ma-hassle mag-abot ng bayad. Ayaw nila ma-hassle tumuwad pagbaba ng jeep. hihi. So yun na nga. Paglingon ko sa tinatahak na daan ng jeep, biglang napatitig ang mata ko sa ibang bagay - celphone. Actually, hindi sa brand ng celphone kundi sa tinetext sa celphone na yun. Eto ang nabasa ko:
"Joseph, so hindi mo talaga ako papansinin? Sige, bahala ka. Basta magkita tayo sa Makati mamaya. Mamamatay na ako!!!"
Naloka naman ako sa nabasa ko. Initial reaction ko, "Naku, broken hearted si 'Day." Tapos bigla kong tiningnan yung itsura nung nagtetext, alam mo na para maintindihan mo ang mga bagay-bagay (anu daw?) tsaka para makisimpatya na rin, just in case magkasalubong kami sa daan. haha. So ang ineexpect ko e babae, ganyan, kasi si Joseph ang katext niya diba? But no! Sinipat-sipat ko pa sa salamin, baka naman kasi mali lang ang interpretasyon ko sa mga bagay-bagay. E pagtingala niya, ayyyy, si 'Day!!!
Ayun. In fairness, nafeel ko naman ang kanyang pain. Inaabangan niya talaga ang reply ni Joseph sa kanya. Pero hindi siya nireplayan ni Joseph, sa span ng ilang minutes. Ayun, nagtext na lang siya ulit:
"Seph, ano ba! Magreply ka naman. Hindi na ako makatulog sa nangyayaring ito!"
Hahaha. Tawang-tawa ako, hindi dahil sa nangyayari sa kanya kundi sa pinaggagagawa kong pangingialam sa buhay ng may buhay! Kaloka!
Ayun. Pareho kaming bumaba sa MRT-QAve. Ako, papuntang Taft. I bet siya, papuntang Makati. Kasi nga imi-meet niya si Seph!
Sana lang e nag-reply na nga si Seph sa kanya. :P
haaay, nag reresonate ang boses mo habang binabasa ko ang blogpost na to. ;)
ReplyDeletehahahahaha! In fair, gayang-gaya mo ang pagsabi ko ng "ganyan"! Bwahahahaha
ReplyDelete