Showing posts with label broken. Show all posts
Showing posts with label broken. Show all posts

Tuesday, November 15, 2011

Di aamin.

"I am a bad case of imperfection."

Alam mo, nararamdaman kita. Nararamdaman ko kung gaano ka nasasaktan sa akin. At nasasaktan ako. Pero anong gagawin ko sa distansiyang pumapagitan sa atin? Traydor ang distansya at mapanlinlang ang panahon. Kung hindi natin tatanggapin ang sakit ngayon, baka hindi natin makayanan ang sakit sa kalaunan.

Kaya mas mabuti nang ngayon na lang.

Kung kailan hindi pa tayo pinagkakanlulo ng distansya at pinaglalaruan ng panahon.

Thursday, September 29, 2011

Dahil wala akong mapagsulatang iba...

Tama naman ang kaibigan kong si Deo e. Isa akong malaking duwag. Magaling lang akong magsalita pero wala, kapag nandiyan na mas pinipili ko pa ring magtago o tumakas.

Hayyy...

Pinag-uusapan kasi namin kanina ang tungkol sa pag-ibig, bilang pareho kaming nababato sa aming mga ginagawa sa trabaho. Nasa Thailand pala siya at ako ay, well, basta nasa Pilipinas. Hehe. Hindi ko alam kung paano napunta ang usapan namin sa pag-ibig. Kasi ang alam ko, trabaho ang pinag-uusapan namin e. Pero 'yun, napunta na lang bigla ang usapan sa masalimuot na mundo ng pag-ibig. Madalas naman naming pag-usapan ang mga ganitong bagay pero kanina lang niya natumbok ang totoong estado ng aking pagkatao.

Ang sabi ko sa kanya, kanya-kanya namang kaduwagan 'yan. Sumang-ayon naman siya. Kung siya ang kinatatakutan ay ang pagkabaliw, ako ang kinatatakutan ko ay pag-ibig. Takot daw akong umibig. Takot daw akong tumalon. Nilalabanan ko daw sa tuwing dumarating ako sa puntong ganito.

Hindi ko rin alam bakit hindi na ako makasalita o makabawi sa kanyang sinabi dahil sa mga nakaraan naman naming usapan, lagi lang akong bumabalikwas kapag nako-corner na. Wala, kanina hindi na ako nakapanlaban pa at inamin ko na lang na duwag ako. Plus tawa, siyempre.

E ano naman ba naman pang gagawin kong pagtanggi e nakita na niya ang tunay kong kulay. Sabi ko na lang na huwag niyang ipagsasabi.

E bakit nga ba ako natatakot?

...

Hindi ko rin alam.

Siguro, tulad ng sabi ko sa kanya kanina, kakaunti na lang kasi ang natitirang tapang sa akin at kung lagi't lagi kong gagamitin at isusugal ang tapang na yun sa pagtalon, baka wala nang matira kung kailan kailangang-kailangan ko ng tapang na yun. Hindi rin naman dapat basta-bastang tumalon.

At totoo rin naman na hindi pa ulit ako bumabagsak sa napakatagal na pagkahulog na ito. Parang habang-buhay na lang yata akong mahuhulog, habang-buhay na lang akong matutuwa sa konsepto ng pag-ibig pero wala naman talagang totoong kinababagsakan, wala namang totoong minamahal.

O baka naman kasi ayaw ko naman talagang bumagsak. Dahil masakit yun. Pero nakakabato at nakakapikon na ang walang-katapusang pagkahulog na ito. Nagiging manhid na ako at baka sa oras na mahulog na ako ay hindi ko na mapansin dahil nasanay na lang ako sa pakiramdam nang laging nahuhulog na walang kinababagsakan.

Hindi ko alam.

Pero kung sakaling iibig akong muli, pwede naman kasing hindi ako mahulog diba? Pwede namang may magpapatigil lang sa walang-katapusang pagkahulog na ito.

Knight in Shining Armor?

So ang peg ko ay isang Damsel-in-Distress. Yuck, ayoko pa naman nun. Pero anong magagawa natin, minsan naghahanap lang tayo ng mala-Robin Padilla na sasagip sa atin mula sa saksakan nang tarik na bangin. Oh well...

Kung pang-leading lady lang siguro ang karakter ko, pwede. Pero hindi bagay sa akin yun e. Pang-extra o kontrabida lang ang karakter ko. At karaniwan sa mga istorya, dedma ang buong mundo kung anong mangyari sa mga extra at kontrabida.

Ako lang naman lagi ang nagkakagusto sa mga kontrabida at extra.

:(

Friday, June 24, 2011

Ayoko ng Ulan

Ayoko ng ulan. Dahil para akong nilulunod nito sa dagat ng kalungkutan.

Hindi ako marunong lumangoy. At hindi ako siguradong may sasagip sa akin o kung gusto nila akong sagipin. Ang iba'y para lang nakakita ng basurang tinatangay ng alon.

Walang gustong humawak ng basura. Walang gustong sumagip ng basura. Ang basura, tinatapon. Sinusunog. Hinahayaang matangay ng hangin. Ng tubig. Ng pagkaagnas. Ng paglimot.

Ayoko ng ulan. Dahil kaya ako nitong lunurin.

At walang sasagip sa akin.

:,(

Pwede bang umayaw na lang? 'Yung tipong isang araw hindi ka na gigising? Tutal parang walang silbi na rin naman ang lahat. Hindi ka rin naman nakikita. Wala ka rin lang namang matinong ginagawa. So bakit hindi ka na lang umayaw? O di kaya'y maglaho na lang? Tutal wala rin namang pagkakaiba kung nandito ka o wala.

Pwede bang umayaw na lang?

Thursday, April 7, 2011

Ashes and Wine

Don't know what to do anymore. I've lost the only love worth fighting for. I'll drown in my tear-storming sea. That would show you that would make you hurt like me all the same. I don't want mudslinging games. It's such a shame to let you walk away.

Is there a chance? A fragment of light at the end of the tunnel? A reason to fight? Is there a chance you may change your mind? Or are we ashes and wine?

Don't know if our fate's already sealed. This day's spinning circus on a wheel. I'm ill with the thought of your kiss, coffee-laced intoxicating on her lips. Shut it out! I've got no claim on you now. Not allowed to wear your freedom down.

I'll tear myself away, that is what you need. There is nothing left to say but is there a chance?

Or are we ashes?

-- Kate Walsh

Friday, March 25, 2011

The Ring

Pangalawa na 'to.

Unang beses, si Said, yung Mexicanong Civil Engr na nagpi-PhD ngayon sa Unibersidad Nacional de Autonoma de Mexico (UNAM) na gwapo at swak ang trip sa trip ko. Sayang yun, pero noon naman e dinedma ko lang talaga ang singsing na nakita ko sa palasingsingan sa kaliwang kamay niya. Hindi rin naman niya kinuwento. Mas nakuwento pa nga niya ang nanay at dalawang kapatid niyang babae na mas panganay sa kanya. After ilang araw, na-confirm ko na lang na totoo ang ibig sabihin ng singsing niya.

Ngayon naman, walang singsing. So inassume ko na single ito, so pwede. Nag-ilusyon. Nagpa-cute. Maraming kilig moments ng mag-isa - dahil hindi rin naman niya ako pinapansin - at nagbabalak magpa-cute sa mga susunod na araw. E biglang nalaman kong wala, may asawa na at anak si THE CRUSH. So wala nang pagpapacute na magaganap.

Hay. Badtrip.

Friday, February 4, 2011

"Battle Scars"



Thanks, Mister Avid, for sharing your talent and for uttering words I cannot speak through your works. I wish to meet you someday, somewhere in the universe. 


Tuesday, February 1, 2011

Lies

I think it's time, we give it up and figure out what's stopping us from breathing easy and talking straight. The way is clear if you're ready now.

The volunteer is slowing down and taking time to save himself. The little cracks they escalated and before we knew it was too late for making circles and telling lies.

You're moving too fast for me and I can't keep up with you. Maybe if you slowed down for me I could see you're only telling lies, breaking us down with your lies. When will you learn?

So plant the thought and watch it grow, wind it up and let it go.

-- Glen Hansard

Thursday, January 27, 2011

Turn It Off

I scraped my knees while I was praying and found a demon in my safest haven. Seems like it's getting harder to believe in anything than just to get lost in all my selfish thoughts.

I wanna know what it'd be like to find perfection in my pride, to see nothing in the light. I'll turn it off, in all my spite. In all my spite, I'll turn it off.

And the worst part is, before it gets any better, we're headed for a cliff. And in the free fall I will realize I'm better off when I hit the bottom.

The tragedy, it seems unending. I'm watching everyone I looked up to break and bending. We're taking shortcuts and false solutions just to come out the hero.

Well, I can see behind the curtain. I can see it now. The wheels are cranking, turning. It's all wrong, the way we're working towards a goal that's non-existent. It's not existent, but we just keep believing.

--Paramore

Wednesday, January 26, 2011

Chicken

Hindi ko alam ang ibig sabihin ngayon ng tulog, o ang pangangailangan ng mas mahabang oras dahil buong 24oras mahigit, gising ako. Emo trip + kape = insomnia. May mga salita kasing gustong lumabas mula sa utak ko na hindi magawang maibulalas. Maaring dahil natatakot o sadyang hindi pa kayang pakawalan. Ewan. Pero kagabi, kinailangan kong iiyak, ilabas lahat ng kayang ilabas dahil kung hindi, ang pangit ng pakiramdam. Natakot nga lang akong sabihin ang dapat kong sabihin, isulat ang dapat isulat kaya wala pa rin. Balak kong magtago para wala na lang, makalimutan ko na lang na kailangan ko palang ilabas yun. Pero... overdue na yun e. Kung itlog yun, manok na ngayon. At kung hindi ko pa ilalabas yun, ako na ang lalamunin ng mga manok sa dibdib ko o baka mangitlog na ako.

Baka bukas, pwede na. Sana lang hindi na ako maduwag.

Tuesday, January 18, 2011

Friday, January 14, 2011

Manila Chronicles: Broken

Nung sa Anik-anik, Atbp ako nagsusulat ng mga angas ko sa buhay (blog), meron ako dun na portion about my Baguio escapades, yung BAGUIO BLUES. When I went back to the lowlands, I abandoned the blog and thus the end of Baguio Blues. Fastforward mga ilang years, plus Zuckerberg's insane idea, I forgot all about Anik-anik kung saan nag-uumapaw ang kadaldalan ko sa mundo. 'Yung tipong bawat mangyari sa akin sa Baguio ay documented dun. Actually, pati nga yung sighting ko kay Grimace (haha, first time ko siya makita bilang mascot! Hehehe) nakalagay pa dun. :)

Ngayong ginagalugad ko ang Maynila sa halos araw-araw, at sa mga nakakatawa, nakakamangha, nakakalurking nasasaksihan ko, mukhang may bagong "segment" akong masusulat! Pasensya na kung sa pagbasa nyo e makita nyo ang sarili nyo dahil minsan, tsismosa lang din talaga ako!

:)


THE MORNING AND THE BROKEN


630 ng umaga ang alis ko sa bahay. Dito magsisimula ang pakikipagsapalaran ko sa Concrete Jungle where 'local' dreams are made of, hehe Maynila lang kasi hindi New York! :) Bagong gising ang mga tao, bagong ligo. Fresh na fresh, handang-handang makipagsapalaran sa masalimuot na syudad ng Maynila.

Hindi pa masyadong nagsusumigaw ang araw, hindi pa gaanong mainit. Wala pang bahid ng hirap at sakit. Dapat.

Pagsakay ko ng jeep sa Philcoa papuntang MRT, dun ako napaupo sa may likod ng katabi ng driver. Punuan na kasi, at alam mo naman ang mga Pinoy. Ayaw na ayaw nila ng hassle. Ayaw nila ma-hassle mag-abot ng bayad. Ayaw nila ma-hassle tumuwad pagbaba ng jeep. hihi. So yun na nga. Paglingon ko sa tinatahak na daan ng jeep, biglang napatitig ang mata ko sa ibang bagay - celphone. Actually, hindi sa brand ng celphone kundi sa tinetext sa celphone na yun. Eto ang nabasa ko:

"Joseph, so hindi mo talaga ako papansinin? Sige, bahala ka. Basta magkita tayo sa Makati mamaya. Mamamatay na ako!!!"

Naloka naman ako sa nabasa ko. Initial reaction ko, "Naku, broken hearted si 'Day." Tapos bigla kong tiningnan yung itsura nung nagtetext, alam mo na para maintindihan mo ang mga bagay-bagay (anu daw?) tsaka para makisimpatya na rin, just in case magkasalubong kami sa daan. haha. So ang ineexpect ko e babae, ganyan, kasi si Joseph ang katext niya diba? But no! Sinipat-sipat ko pa sa salamin, baka naman kasi mali lang ang interpretasyon ko sa mga bagay-bagay. E pagtingala niya, ayyyy, si 'Day!!!

Ayun. In fairness, nafeel ko naman ang kanyang pain. Inaabangan niya talaga ang reply ni Joseph sa kanya. Pero hindi siya nireplayan ni Joseph, sa span ng ilang minutes. Ayun, nagtext na lang siya ulit:

"Seph, ano ba! Magreply ka naman. Hindi na ako makatulog sa nangyayaring ito!"

Hahaha. Tawang-tawa ako, hindi dahil sa nangyayari sa kanya kundi sa pinaggagagawa kong pangingialam sa buhay ng may buhay! Kaloka!

Ayun. Pareho kaming bumaba sa MRT-QAve. Ako, papuntang Taft. I bet siya, papuntang Makati. Kasi nga imi-meet niya si Seph!

Sana lang e nag-reply na nga si Seph sa kanya. :P