Friday, June 24, 2011

Ayoko ng Ulan

Ayoko ng ulan. Dahil para akong nilulunod nito sa dagat ng kalungkutan.

Hindi ako marunong lumangoy. At hindi ako siguradong may sasagip sa akin o kung gusto nila akong sagipin. Ang iba'y para lang nakakita ng basurang tinatangay ng alon.

Walang gustong humawak ng basura. Walang gustong sumagip ng basura. Ang basura, tinatapon. Sinusunog. Hinahayaang matangay ng hangin. Ng tubig. Ng pagkaagnas. Ng paglimot.

Ayoko ng ulan. Dahil kaya ako nitong lunurin.

At walang sasagip sa akin.

1 comment:

  1. E kaya lang umulan ng umulan. So pano nalang yun? malungkot ka nanaman? Di ba meron namang bahaghari pagkatapos ng bawat ulan? Ngumungiti naman ang kalangitan pagkatapos ng ulan. Siguro sinasabi ng ulan na ang kalungkutan mo ay magiging higanteng ngiti pagkatapos ng ulan. :P

    ReplyDelete