Showing posts with label buhay. Show all posts
Showing posts with label buhay. Show all posts

Wednesday, January 19, 2011

Umagang Kay Ganda: Angas Version

Nagmomoda ang radyo. Tumitilaok na ang celphone. Umaga na naman, ayoko pang bumangon.

Makikipaghabulan na naman sa oras mamaya. Makikipagsiksikan sa MRT na parang daga. Magpapanggap na naiidlip kesa makipagkaibigan sa tuktok ng kalapit. Magpapalipas ng gutom sa dami ng ginagawa.

Ang silay ng araw, sa bintana na lang nakikita. Ang patak ng ulan, hindi na maalala. Ang ulap, hangin, tiririt ng maya at kung anu-ano pa, wala. Sa dyaryo na lang nakikita ang ulap, sa mga tao na lang nararamdaman ang hangin. Ang huni ng maya, ilusyon. Utak lang yun na nagsusumigaw nang "Tama na".

Kape ang kaulayaw maghapo't magdamag. Kape ang sandalan kapag nananamlay. Kape ang kausap kapag tumatakas. Kape ang dumadaloy sa buong katawan- malapot, matapang, walang asukal.

Lulubugan na lang ng araw kakahintay ng masasakyan. Pag-uwi ng bahay, plakda! Wala nang ibang magawa.

Hay buhay.

Umaga na naman. Ayoko nang bumangon.

Sunday, May 2, 2010

Mga Natutunan ko sa UP

Sabi nila mahirap pumasok ng UP. Sa totoo lang, mas mahirap manatili at lumabas ng may dangal (at nasa tamang katinuan, haha.)

1. Hindi titigil ang mundo dahil lang puro kamalasan ang nangyayari sa'yo. Tuloy ang exam kahit di ka nakapag-aral. Hindi nababago ang deadline ng papers kahit na na-corrupt ang files mo. Hindi ka hihintayin ng prof mo kahit na muntik ka nang masagaan ng pison, lalo na kung may lakad siya.

2. Walang maling sagot sa magaling magpalusot.

3. Lahat ay may ibig sabihin. Ang "oo" ay hindi lang oo, ang "hindi" ay hindi lang hindi. Ang pula ay hindi pula dahil lang pula ito. Nakakabingi ang katahimikan. Nakakapipi ang kaingayan.

4. Kung may gusot, may plantsa! Kung hindi makaya ng plantsa, style yun! Haha

(to be continued...)

Thursday, July 16, 2009

July air + Joni Mitchell = Pre-bday syndrome


“Tears and fears and feeling proud
To say I love you right out loud.
Dreams and schemes and circus crowds,
I’ve looked at life that way…”

The past 28 years was like a melodramatic script in an experimental indie production struggling for recognition. Haha! Struggling, like everyone else, to be of use, live with purpose, so that when the end comes, I can at least say I have my happy ending. But how would one say “I have lived my life…”?

Read more at Dusty Typewriter