Wednesday, February 23, 2011
My Thesis Love Affair (Thai Version) #1
Friday, February 4, 2011
Sweets No More
Wednesday, January 19, 2011
Umagang Kay Ganda: Angas Version
Wednesday, November 18, 2009
Explanasyon kung bakit walang nagaganap sa blog ko
May dalawang bagay kung bakit hindi makapag-blog ang isang tao: una, wala siyang iba-blog kasi boring/ monotonous ang buhay niya, yung tipong sa lahat ng umaga, tanghali, hapon at gabi ay pare-pareho lang ang nagaganap; at pangalawa, sobrang daming nagaganap i.e., masaya, malungkot, busy, etc., na wala nang oras para man lang bumisita sa blog o di kaya'y hindi maisilid sa mga salita ang nagaganap. Sa kadalasan, parehong buntong-hininga lang ang nagagawa sa parehong sitwasyon. Isang buntong-hininga na uber-lalim ng pinaghuhugutan pero walang magawa kundi iyon, at indahin ang kung ano mang nagaganap sa buhay-buhay, at mag-intay na sa tamang panahon ay makakasulat muli at ang nangangalawang na blog ay unti-unting nawawalan ng kalawang.
Sana lang hindi pa nabubulok. heheheh
Wednesday, July 29, 2009
Once an outcast, always an outcast
Simula na ng Self-Talk ko:
Ganito lang 'yan e: either you are a total loser or probably you just like being different. Something like, deadma ka sa presence ng iba kaya feel mo outcast ka, or you like hanging out with people like you, na mahilig ding magkulong sa sarili niyang mundo.
Or, loser ka lang talaga! More like a clanging cymbal! (try mo mag-love, baka 'yun lang 'yun!)
Kung anuman 'yan, deadmahin ang feeling na 'yan dahil hindi 'yan healthy. Kung deadma sila, e di deadma ka rin, hello! Sila lang ba tao sa mundo? And for the longest time na nabuhay ka sa mundo and you didn't feel that miserable naman, walang sense to make angas about this. You can't please everybody, at siguro nga'y huli nang itanim ang konsepto ng "community" sa utak ng mga tao, even if they profess it. Laos na daw kasi ang "Bayanihan" dahil ang mga bayani, namamatay! Hay naku! Ewan!
End ng Self-Talk ko.
Hindi ko maintindihan ang sinulat ko. Sabi ko na e, 'pag angas talaga, walang kinapupuntahan.
Back to work! Chow!
Monday, June 8, 2009
Gusto kong magsulat...
... kapag isusulat ko na, nawawala na yung focus ko. Minsan, magpo-pop-up yung mga immediate na gagawin (tulad ng Thesis Proposal na hindi ko pa rin masimulan) or madalas, tinatamaan ng katamaran, nawiwili sa facebook, kay Hyun Joong, etc...
Pakiramdam ko sasabog na utak ko sa sobrang frustration. Para bang yung pakiramdam ng in-love na hindi maibulalas, yung parang natatae na ayaw lumabas...
Waaaaaahhh...
Gusto kong magsulat!!!
Saturday, April 25, 2009
Hinga muna
Ang tagal ko nang hindi nakapag-multiply! huhuhuhuhu... pero wag nang magreklamo dahil konting panahon na lang ang kailangan kong gugulin sa pagpapaka-busy dahil malapit na ang FINALS!!! grabe na 'to!
Pero bago mag-celebrate ang kagandahan ko, my gulay, sandmakmak na kangaragan muna. Halos natapos ko na ang karamihan sa mga requirements, konting hinga pa at ayos na ang buto-buto. Kaya lang, sobrang taas na ng stress-level ko, umaatake-to-the-max ang allergies ko, walis-tambo look na ang hairlaloo ko, kungfu panda na ang eyebags ko, at ang room, mukha ng landfill. My gulay! Hay, buti na lang nakatakas ako ngayong gabi, este, madaling araw pala, para makabisita sa blogey kow.
Hay... back to kangaragan! Chow!
Saturday, February 21, 2009
Visiting Chachoengsao
Five-day fieldwork in Chachoengsao Province for our UEM Workshop class this semester. At the end of the semester, we are expected to draft an urban revitalization plan for Muang Chachoengsao, the most urbanized municipality in the province.
On the first day (15Feb), we went around the tourist-spots in the Province. We went to Wat Sothorn, Baan Mai Market, Bang Khla, and others. The next days were mainly for business, but of course, we still managed to find some time to fool around. hehehe
Friday, October 10, 2008
Kangaragan, Katangahan, and everything else
Kung gusto mong makalimot, wag kang mag-inom. Subukan mong mag-cram para sa apat na exam habang nagma-marathon ng Heroes Season 1 hanggang 2. Sabayan mo ng study sessions a.k.a. kainan-tsikahan sessions kasama ang mga friendly-friends mo. At makipagkilala kina Lee, Lewis, Todaro at kung kani-kanino pang mga utaw na walang magawa sa kanilang buhay at nag-postulate ng mga kuning-kuning na teorya sa migrasyon, habang kumakanta ng "when the sun shine we'll shine together" habang ginagaya ang pag-pronounce ng Bangladeshi mong prof sa letter "s" (it goes a little something like this... "when the jan jyn we'll jyn jogeder..." ahahaha). Isama mo pa si Tchebycheff na ewan ko ba kung anong pumasok sa utak at nag-formulate ng probabilty of data inside and outside the interval of interest. Or makipag-friends sa scientific calculator mo at alamin kung nasaan ang ln at e dahil sigurado, kakailangin mo 'yan sa exam. Alalahanin mo rin ang algebra, baka mag-transpose ka ng formula, kahit na alam nating lahat na ang math mo noong college ay Math 1 lang. Deadma na lang. Magpanggap na magaling ka sa math. Magpanggap na nag-aaral ka. Magpanggap na si Suresh ang lalaking para sa'yo at kasama ka sa cast ng Heroes. Ganun lang. Happy ka na nun, i'm sure. And just hope na hindi siya mag-a-appear sa harapan mo or tatawag ulit para lang magtanong kung may kinalaman ka sa mga kuning-kuning ng boring niyang buhay.
Dahil kapag bigla na naman siyang nag-appear or nagtanong ng mga not-so-perfect question, baka masampal mo na siya at sabihin sa kanya, in a very lucid english (term ni prof. Amin) na:
"Hay naku, tatanga-tanga ka talaga. Oo na, ako yun. Pero sasabihin ko ba sa'yo yun kung ang tanong mo sa akin ay kung may kinalaman ako sa mga kuning-kuning na 'yan? Siyempre kung ako ang salarin, malamang hindi ko aaminin sa'yo over the phone. Hello?!! Mamaya niyan naka-speaker phone ka at nakikinig ang buong chenebarbar community, tapos bigla mo akong babastedin at sasabihin mo sa akin na, "I'm so sorry. I don't like you." Shet, ayokong mabasted ng miyembro ng society mo, lalo na kung over the phone. At kahit hindi sa telepono, ayoko pa rin 'no. Ano na lang magiging reputasyon ko dito, ang Pinay na binasted ng isang manhid at mukhang tuod na chenebarbar? Ang pangit nun ha. Hindi magandang description para sa presidente ng Filipino Student Community dito. Baka mapaaway pa ako niyan, paano na lang ang pag-maintain ng "diplomatic relations between countries". Hay naku 'no. Hindi ko feel! Pero alam mo, kung ang tanong ay "Is it you?", ay naku, malamang sumagot ako ng "Oo." e di tapos na sana problema mo, kung pinoproblema mo man. Pero paano mo 'yun maiintindihan e Filipino 'yung "oo"? Hay naku, bahala ka. Nandiyan na ang lahat ng clues, tatanga-tanga ka pa rin. Nandun na nga name ko, hindi mo pa rin ma-gets. Bahala ka na nga lang, tutal ang sabi mo naman e matanda ka na para sa mga ganyang laro e di wag na lang, as if naman naglalaro ako. At pwede ba, magka-age lang tayo, ibig sabihin matanda na rin ako? Maligo ka kaya?"
Pero paano mo ita-translate 'yun? Ang haba nun 'ne! And besides, hindi mo kailangang mag-explain. At kung mag-explain ka man, does it matter? Hindi ka pa rin naman niya gusto, at panggulo lang siya sa concentration mo sa studies (as if nag-aaral ka...) So, tantanan na lang ang mga kuning-kuning na ganyan dahil sabi nga nila, "WALANG FUTURE SA PADER!" E daig pa niya ang pader sa kamanhidan, lalo nang walang future! Ano ba 'yan!
So, mas mabuti na lang kung kalimutan siya. And I'm sure madali mo lang magagawa 'yun dahil praktisado ka naman sa ganyan. Normal nang tugtugin ang mga linyang "He doesn't like me!" Hindi na bumibenta sa takilya ang ganyang drama. Mag-comedy ka na lang, or action! Or kung gusto mo, magpapayat ka na lang para ilo-launch kita na sexy star... sa Patpong!!! Ahahaha! Ay, masisira naman ang reputasyon ng Patpong sa'yo, wag na lang. Action star ka na lang, mas bagay!
Or better yet, magsunog ka na lang ng kilay sa pag-aaral, or pwede ring i-omit na lang ang "sa pag-aaral". Magsunog ka na lang ng kilay kapag wala kang ginagawa. Tingnan natin kung pwede kang sumali sa cast ng Heroes, baka nagre-regenerate ang kilay mo!
Bongga diba? :D