Friday, February 4, 2011

Sweets No More

...well, at least for a week. Mr. Doctor advised me not to take in anything sweet, be it liquid or solid (or gas?) So bawal ang kape. NOOOOOOO!!!

I've been sick for a week, coughing like hell, as if my baga, atay, balumbalunan (manok? haha) and all my innards would come out of my body... I hate being sick.

Sabi ni Lau, baka dahil sa fatigue at puyat kaya ako may sakit ngayon. Baka nga. I have an 8hr job during weekdays, may OT pa minsan at dumadalas, SULOK on Sundays and other sked na pwede pagsingitan, plus my review which I am neglecting to do. Sa lahat ng ginagawa kong ito dito sa Manila, I still have to go home sa Laguna because Mom needs me there. After her minor accident bago matapos ang 2010, hindi na ako masyado nakakatulog everytime umuuwi ako. I need to attend to all her needs kasi hindi niya magalaw mga kamay niya - pagkain, pagtayo, pagpuntang cr. May nag-aassist naman kami na kinuha for her, yun lang mas gusto ko kasi na ako ang nag-aattend sa nanay ko. I remember when I was in Thailand nung 2009, naaksidente rin siya. Nalaman ko na lang, magaling na siya. Nakakaguilty, siyempre. Panganay ako. Dadalawa lang kami. May asawa na kapatid ko. At ako ang babae. Kahit anong pilit kasi nating lubayan ang mga ganyang partikularidad ng buhay natin, minsan hindi lang talaga matatakasan lalo na kung usaping pamilya na ang involved. So yun. Nung maaksidente si Mama, I wanna see to it na hindi lang ako hangin na nangungumusta.

Eventually, medyo naging okay na ang pakiramdam niya. She opted not to undergo operation. Mahina na rin kasi siya unlike before, plus she has diabetes. So therapy na lang gagawin dun sa shoulders niya. After that advice from the doctor, parang bigla ko na lang naramdaman lahat ng sakit na hindi ko naramdaman nung mga nakaraang linggo. Nagsimula lang sa konting sipon, at yun nagtutuloy-tuloy na. I still tried to go to office kasi kaya ko pa naman kahit medyo nilalagnat-lagnat na ako. Pero nung thursday, di na talaga kinaya ng powers. Grabe na yung ubo, hindi na ako nakakatulog. So nung Friday, I decided na magpachek up na. The nearest clinic is the UP Health Service, aka Infirmatay este Infirmary pala.

All my college life, iilang beses pa lang ako nagpadpad sa Infirmary (kasi ayoko talaga ng ospital to begin with at ayokong umiinom ng gamot.) So, parang weird na dun ako magpapachek up. At syempre, iba na rin ang sitwasyon ngayon. Hindi na ako student. At kailangan ko nang magbayad ng serbisyo nila.

To cut the story short, ayun, nagbayad ako ng Php450 sa doktor para lang masabihan na uminom ng salabat, maraming tubig at bawal magkinain ng matamis. Niresetahan naman niya ako ng gamot, yun nga lang, pati gamot mahal. Haaay.

2 comments:

  1. Haist! Pagaling ka ate xaui! you need it, your mom needs it and God needs you... Kaya wag ka nang magreklamo kung mahal gamot mo... Marami namang nagmamahal sayo! bwahahaha...

    ReplyDelete
  2. "To cut the story short, ayun, nagbayad ako ng Php450 sa doktor para lang masabihan na uminom ng salabat, "

    ayos...

    ReplyDelete