Hindi tayo mauubusan ng liliparan
Halughugin natin ang buong kalawakan
Hanggang wala nang kalawakang pumapagitan.
Lisan natin ang hangganan ng lupa't langit
Lumipad palayo sa mundong mapanlupig
Simulan ang paglaya ng isip,
Subukan nating lumikha ng himig.
Kung iilan ang salitang kayang bigkasin
at ang imahe ay bibihira kung dumating
wag kang mangamba't iyong silipin
baka nakakadena lamang at napapaalipin.
Igalaw ang naparalisang mata
Iindak ang nawawalang paa
Humayo tayo't magpakasaya
Itanghal natin ang ating mga tula.
Nobyembre 17, 2007
Baguio City
__________
Nakalimutan ko nang sinulat ko pala 'to. Haha :) Ang Xiauismo ay nagmimistulang baul ng memorya. :)
Love ko 'to :) Pahiram mo naman sa Biyahero hehe :p
ReplyDeletegaling!!
ReplyDeleteso arjay, ito na ba yun? wala na ba akong utang na tula kung ganun? hahahahahaha
ReplyDeletewehehe
ReplyDelete