Monday, February 14, 2011

Manila Chronicles: 14

Wala namang bago sa EDSA, traffic pa rin. Wala ring bago sa MRT, siksikan pa rin. May mala-"parade of colors" nga lang --sa kalye, sa mall, sa opisina, sa kung saan-saan. Bida ngayon ang kulay pula, mala-pula, itim, mala-itim, puti, nagkukunwaring puti at ibang kulay na minamaskarahan ang tunay nilang kulay. Yung tipong ayaw magpula kasi nagsusumigaw pero ayaw ring mag-itim kasi bitter naman. Ayaw ring magputi kasi... magmumukhang mataba!

Nakaputi ako ngayon.

Nagkalat sa bangketa ang sangkaterbang rakista: yung mga nagbebenta ng rosas sa kalye. Dinadaan-daanan lang naman sila ng mga tao. Titingin sabay irap. Pero yung iba, may second look. Ramdam mo ang hesitation, tipong gustong tanungin ang presyo pero nahihiyang hindi makabili o kaya gustong bumili pero nahihiyang makita na sa kalye lang niya binili. Napakadami naman kasi kaechusan!

Sa MRT, naka-muk-up ang mga babae. Nakaporma. Namamango. Busy mag-text habang ngumingiti-ngiti. Sa Mall, nagkukumahog ang mga lalaki. Nakaporma. Namamango. Busy mag-text habang parang hindi na makaugaga, hindi na mapakali, na parang "today is the day... or not!"

Nakikipaghabulan ako ngayon sa aking pangarap.

Busing-busy ang mundo. Busing-busy ako.

Ang selepono kong kanina pa natutulog, nabuhay. Nagtext ang nanay ko ng "Hapi Balentayms".

:)

3 comments:

  1. yehesss. ^_^ ito ang pampasaya ng araw ko... (as per your request na iexplain ko) kasi naaaffirm ang paniniwala ko na ang VDay ay parang normal na araw lang, walang pinagkaiba. :D

    ReplyDelete
  2. Nice! I agree walang pinag-iba maliban sa mga taong bumabati na parang new year, so naki-bati na rin ako sa iba. Ang bottom line, pagkatapos ng araw, bugbog sarado pa rin ako ng 6 na bata... yung huli mas malaki pa sa akin at muntik pa akong kaladkarin sa buong kwarto... haay buhay!

    ReplyDelete
  3. hahaha! we sound so bitter! joke lang :P

    ReplyDelete