Nakaputi ako ngayon.
Nagkalat sa bangketa ang sangkaterbang rakista: yung mga nagbebenta ng rosas sa kalye. Dinadaan-daanan lang naman sila ng mga tao. Titingin sabay irap. Pero yung iba, may second look. Ramdam mo ang hesitation, tipong gustong tanungin ang presyo pero nahihiyang hindi makabili o kaya gustong bumili pero nahihiyang makita na sa kalye lang niya binili. Napakadami naman kasi kaechusan!
Sa MRT, naka-muk-up ang mga babae. Nakaporma. Namamango. Busy mag-text habang ngumingiti-ngiti. Sa Mall, nagkukumahog ang mga lalaki. Nakaporma. Namamango. Busy mag-text habang parang hindi na makaugaga, hindi na mapakali, na parang "today is the day... or not!"
Nakikipaghabulan ako ngayon sa aking pangarap.
Busing-busy ang mundo. Busing-busy ako.
Ang selepono kong kanina pa natutulog, nabuhay. Nagtext ang nanay ko ng "Hapi Balentayms".
:)