Showing posts with label buhaypinas. Show all posts
Showing posts with label buhaypinas. Show all posts

Thursday, January 5, 2012

Manila Chronicles: It's More Fun in the Philippines

Nagbabalik ang Manila Chronicles!!! *clap clap clap until you drop* At para sa unang entry sa bagong taon, ito ang isang kalokang eksena sa LRT kaninang umaga!!! Ansayasaya! It's more fun in the Philippines!!! GO GO GO SAGO! :P

---

Eksena sa LRT. Nagkapikunan ang dalawang babae dahil masikip at hindi na makagalaw ang mga tao.

Babae 1: Ang tanda mo na ganyan pa ang asal mo!
Babae 2: HOY!!! Sino bang mukhang mas matanda sa atin!
Babae 1: Siyempre ikaw!
Babae 2: Ay maganda ka?
Babae 1: Oo naman! Hindi katulad mo!
Babae 2: Ikaw? Maganda? Tingnan mo nga 'yang itsura mo!
Babae 1: Talaga, maganda ako!

Nang bumaba na sila sa Carriedo:

Lolo 1: Bumaba na rin sa wakas ang mga jologs!


Monday, August 22, 2011

Punto de Vista v.2




The clouds are like fairies dancing to the rhythm of the blowing wind. The sun lights up everything it kisses. Ah! Blue is blue and green is green indeed. All the colors stay true and lies are swept away by the waving sea.

This is such a pretty place.

Ikebana

A Peek of the Peak

Sundown

Monday, February 14, 2011

Manila Chronicles: 14

Wala namang bago sa EDSA, traffic pa rin. Wala ring bago sa MRT, siksikan pa rin. May mala-"parade of colors" nga lang --sa kalye, sa mall, sa opisina, sa kung saan-saan. Bida ngayon ang kulay pula, mala-pula, itim, mala-itim, puti, nagkukunwaring puti at ibang kulay na minamaskarahan ang tunay nilang kulay. Yung tipong ayaw magpula kasi nagsusumigaw pero ayaw ring mag-itim kasi bitter naman. Ayaw ring magputi kasi... magmumukhang mataba!

Nakaputi ako ngayon.

Nagkalat sa bangketa ang sangkaterbang rakista: yung mga nagbebenta ng rosas sa kalye. Dinadaan-daanan lang naman sila ng mga tao. Titingin sabay irap. Pero yung iba, may second look. Ramdam mo ang hesitation, tipong gustong tanungin ang presyo pero nahihiyang hindi makabili o kaya gustong bumili pero nahihiyang makita na sa kalye lang niya binili. Napakadami naman kasi kaechusan!

Sa MRT, naka-muk-up ang mga babae. Nakaporma. Namamango. Busy mag-text habang ngumingiti-ngiti. Sa Mall, nagkukumahog ang mga lalaki. Nakaporma. Namamango. Busy mag-text habang parang hindi na makaugaga, hindi na mapakali, na parang "today is the day... or not!"

Nakikipaghabulan ako ngayon sa aking pangarap.

Busing-busy ang mundo. Busing-busy ako.

Ang selepono kong kanina pa natutulog, nabuhay. Nagtext ang nanay ko ng "Hapi Balentayms".

:)

Tuesday, February 8, 2011

Impid

This post should have been entitled "My unsolicited opinion on why Angelo Reyes killed himself" with a lengthy expression of my political naiveness disguising otherwise and my disgust over the whole corruption issue in our country, with a little concern about his life, and a dash of existentialist blah blah.

This could have been my most angsty post in this blog, screaming "society sucks" but...







--nothing follows--



Monday, November 23, 2009

It's the thought that counts

Funny.

Last Saturday evening, kumain kami ng dinner ng friend kong si Vera somewhere in SM Baguio. Siyempre, magkaiba inorder namin. Chika-chika habang hinihintay ang food (habang nakita ko pa si Atty. Crush ulit). Nang dumating ang food, ang order ni Vera ang inilagay sa tapat ko, at ang order ko ang nilagay sa tapat ni Vera. Ang nakakatawa dun, medyo marami yung order ni Vera, maraming food sa plate. Yung sa akin, iisang putahe lang tapos maliit pa yung lalagyan. Diba naman? So ibig sabihin nasa itsura ko ang lalafang ng marami??? hahahahahahaha Oh well, hindi ko naman masisi si Ading Crew dahil ang diperensya ng katawan namin ni Vera ay medyo may kalakihan!

Ang moral lesson of the story: MAGPAPAYAT KA NA XIAUI DAHIL ANG TABA-TABA MO NA, AND IT SURE SHOWS! hehehe

Fine!

Wednesday, November 18, 2009

Explanasyon kung bakit walang nagaganap sa blog ko

Nangangalawang na ang blogsite na ito. Ano bang nangyayari?

May dalawang bagay kung bakit hindi makapag-blog ang isang tao: una, wala siyang iba-blog kasi boring/ monotonous ang buhay niya, yung tipong sa lahat ng umaga, tanghali, hapon at gabi ay pare-pareho lang ang nagaganap; at pangalawa, sobrang daming nagaganap i.e., masaya, malungkot, busy, etc., na wala nang oras para man lang bumisita sa blog o di kaya'y hindi maisilid sa mga salita ang nagaganap. Sa kadalasan, parehong buntong-hininga lang ang nagagawa sa parehong sitwasyon. Isang buntong-hininga na uber-lalim ng pinaghuhugutan pero walang magawa kundi iyon, at indahin ang kung ano mang nagaganap sa buhay-buhay, at mag-intay na sa tamang panahon ay makakasulat muli at ang nangangalawang na blog ay unti-unting nawawalan ng kalawang.

Sana lang hindi pa nabubulok. heheheh

Tuesday, March 24, 2009

Hindi ako makapaniwala

...pero dahil inagaw nila ang buhay mo nang wala sa panahon, itatago ko na lang ang naiiwang alaala mo sa silid-aklatan ko, ang isinulat mong kuwento sa Literary Folio ng Kule na ipinagamit ko sa Humanidades class ko nung nagtuturo pa ako sa UPBaguio, 'yung mahaba ang pamagat, yung nakakatuwang basahin.

Ipagdarasal ko na sana mabigyan ng katarungan ang iyong paglisan. Badtrip e, ang dami mo pang pwedeng gawin.

VJ, salamat sa pagkakadaupang-palad!

Saturday, October 11, 2008

I miss...

...doing nothing

...pinoy tv

...paksiw na bangus

...bodhi

...my bed

...bitchy and ding

...ukay-ukay

...good shoes

...my friends

...my mom