Showing posts with label ako. Show all posts
Showing posts with label ako. Show all posts

Tuesday, January 24, 2012

Manila Chronicles: Ang Maging Babae

Dahil may event ang opisina at kailangang dumamit ng maayos, dalawang araw akong naghahagilap ng masusuot bilang wala akong makitang damit na magkakasya sa akin. Alam mo yung pakiramdam na masikip sayo ang medium pero maluwag sayo ang large? Yung hindi mo mawari kung magmumukha kang suman o parachute? Nakakababa ng self-esteem yun, hindi maganda. Tapos tatambad sayo sa salamin sa fitting room ng hindi pamilyar na lugar ang hindi mo maunawaang hugis ng iyong katawan. Parang kahit mag-isa ka doon ay nililibak ka ng mga anino ng imaheng dati nang humarap sa salamin na iyon. Kung nakakapayat lang ang inis, baka namayat na ako ng bigla.

Hinuhugis daw ng lipunan ang mga preference ng tao --ang konspeto ng maganda, ng maayos; ng pangit, ng nakakaasiwa. At ang maging babae sa lipunang punong-puno ng ganitong panlalason ay parang pagsasaksak sa sarili nang hindi mo nalalaman, ng walang kalaban-laban. Unti-unti mong kinaiinisan ang sarili dahil hindi ka magkasya sa inilatag na kaayusan ng lipunan.

Hindi ako magkasya sa sizes ng damit na meron.

Tapos maririnig mo ang boss mo sa kanyang walang kakupas-kupas na panlilibak, sa mismong gabi ng event, "Bakit ang taba-taba mo?" Ayun na. Para na akong pinagsakluban ng langit at lupa. Pero tuloy pa rin sa pagngiti hanggang sa matapos ang gabi.

Sa MRT, may nakahiwalay na sakayan ng lalaki at babae. Minsan, mas nakakamatay sumakay sa bahagi ng mga babae. Hindi nila pagbibigyan ang kapwa nila babae. Ang fierce!

At sa gitna ng delikadong sitwasyon na ito, doon pa talaga ako mahihilo bilang nagsisimula na pala ang buwanang sumpa sa pagiging isang babae ko. Wala na akong pakialam. Nagsabi ako sa katapat kong babae kung pwedeng makiupo dahil nahihilo na ako. Pinagbigyan rin naman niya ako.

Minsan, nadadaan lang din naman sa pakiusapan.

Tuesday, February 8, 2011

Impid

This post should have been entitled "My unsolicited opinion on why Angelo Reyes killed himself" with a lengthy expression of my political naiveness disguising otherwise and my disgust over the whole corruption issue in our country, with a little concern about his life, and a dash of existentialist blah blah.

This could have been my most angsty post in this blog, screaming "society sucks" but...







--nothing follows--



Thursday, February 3, 2011

25 Random Things

Sandamakmak ang ganito sa facebook at friendster, yung mga "Once you've been tagged, you are supposed to blah blah..." At nakigaya rin ako. Ito yung 25 random things about me noong 2009, dagdagan lang natin ng mga komento. :)

1. I am a vegetarian. (Bilang pasaway, sumasablay na minsan.)

2. I love buying and reading books.

3. Writing is my first love. Tapos music at visual arts.

4. I love the moon.

5. I love surprises.

6. I hate waiting.

7. I soak my feet in warm water and it feels ohh so good!!!

8. I love soft and cuddly stuff. hehehe (IT'S SO FLUFFY! I WANNA DIE!!! ^^)

9. I have many pillows in my bed.

10. I wanna learn Japanese!

11. I will go to Mexico and go swimming at the beaches of Cancun or Acapulco! Hahaha (That is if I learn how to swim before the world ends at 2012, sabi sa Mayan Calendar... hahaha)

12. I want to translate Pablo Neruda's poetry straight from Spanish to Filipino. I have translated "Soneto XVII" from the English translation only... :(

13. I want to read Rizal's novels in their original version.

14. I will go backpacking before leaving Thailand in 2010. (Which I never had the chance to do because of the Red Shirt rallies there. We actually tried to go to Chang Mai at the height of the conflict. We ended up taking the wrong bus dahil nagmamadali para di maabutan ng curfew, and were sent back to Bangkok first thing in the morning. Haha)

15. I have lots of debts to pay.

16. I am considering artificial insemination as alternative (That is if I am still single by the time I turn 35; and if I'm rich enough to pay for it. Otherwise... hmmm... there are other options... hahahaha)

17. Donna said, I'm very gullible. After some revelations weeks ago, I realized that I am not just gullible, I'm stupid and naive! Ahaha Diba mga ateng?

18. I am a cry-baby, but for some reasons, I can manage to impede my tears. I acquired that talent from a not-so-distant past. Hehe. (Emo pa rin naman! ^^)

19. Sadyang madaldal lang talaga ako. Pero kapag nanahimik na ako, hmmm... I'm brewing something... evil!!! Ahaha

20. I take eating seriously. I am always silent whenever there's good food. Hehe

21. Contagious daw ang kagagahan ko! Ahaha.

22. I am a very shy person. Honestly. (Which no one actually believes. Bakit kaya? ^^)

23. I am naturally curious. Like when I was three years old, I cut my hair because I was curious what scissors can do, and how haircutters manage to cut my hair nicely. That was the time I realized that haircutting is not the career path for me. Hahaha.

24. I repeated that same "kagagahan" when I was in highschool. Inahit ko 'yung isang patilya ko! Di ba naman! Ahahaha

25. Mahilig daw ako sa "true love"... whatever that means... AHAHAHAHA


Tuesday, November 30, 2010

Adik

"Adik sa'yo..."
Kaadikan lang, nagmamanifest tuloy sa panaginip! haha

Lately, I've been watching Korean dramas and movies of Jang Geun Suk, mula "You're Beautiful" na minarathon ko sa Laguna dahil sira ang cable, hanggang sa "Beethoven Virus" at "Baby and I". Ngayon, inaabangan ko lagi, kahit ang hirap kasi walang nag-o-online stream ng may english subtitle, ang "Mary Stayed Out All Night"/ "Marry Me, Mary", bagong drama ni Geun Suk-a! Hehe

Sa sobrang kaadikan, ayun. Napanaginipan ko tuloy siya kagabi! Haha. Ganito yung panaginip:

Setting: Bahay namin sa Laguna. Maraming tao, hindi ko naiintindihan mga sinasabi ng iba. Inassume ko Koreano sinasabi nila, although di ako sigurado! Hahaha! Busy daw ako sa kung anong ginagawa ko: may paglulutong nagaganap, pag-aasikaso sa bisita. Ewan din kung anong okasyon, basta maraming tao.

Sa pagmamadali ko daw, bigla akong may nakabunggong tao. Natumba. So tinulungan ko daw. Alam mo yung scene sa mga pelikula na magmi-meet yung bidang guy at bidang girl, ganyan, na medyo cheesy ang effect, ganun! Sabi ko kanya, "Are you okay?" Sagot niya sa akin, "I'm Jang Geun Suk."

Hahahahahaha!!! Laftrip!!!

Sagot ko pa sa kanya, "I know, I know." At natatawa daw ako, na medyo nagpapacute!!!

Hahaha! Adik lang!


:P




Friday, February 12, 2010

Xiaui was here!

In my almost two years of stay here in Thailand, I stayed in three different student accommodations.


The first one was in SV66 B1. SV stands for Student Village, 66 means you're far from the gate, and B means you're on the second floor. I remember, I literally had to drag myself to this dorm with all the 20-kilo baggage I have. It's too far from the classrooms, too far from the gates, too far from almost everything. Hehehe. But I stayed here from August until December 2008. What I liked here though, were the natural sunlight and breeze, and the Pinoy-style morning chaos, three other Pinays were living next door. It's as if I never left home. 


After SV66B1, I transferred to N310A. If SV66 was far, dorm N was even farther... from Gate 1, but it was closer to Gate 2, laundry at dorm X or Y, Kissy's, Donna's, and to my crush (he used to live in front of my dorm). This room is better. I can sing as loudly as I want to and no one seemed to care. But this room is on the third floor, has no refrigerator, and gets over heated during noon, especially summer afternoons. I stayed here from January until September 2009 and endured my summer days pretending to do my thesis proposal.


Then before going home for my data collection, my new room assignment was given. It's relatively smaller than my first two rooms. Plus points for this room are: it is near the grocery, Hom Krun (a coffee shop), ATM, classrooms, gate, etc.,; it is air-conditioned, has kitchen, and the bathroom is all mine! It's on the fifth floor though but I don't really care! Hehehe... The view isn't great here but I can always go out for a walk, hoping not to bump into my adviser. Hehehe. This is where I am spending the rest of days here as a student.


Wednesday, July 1, 2009

Na-A(H1N1) si Buknoy, at iba pang Kabalbalan


Ang taas na ng stress level ko dahil proposal, nadagdagan pa ng nagloloko kong laptop... hayyy...

Isang linggo na siyang wala sa katinuan at kahit nagreformat na ako, ganun pa rin siya. Mamaya, pupunta na naman ako sa technician. Nakakapagod ha. At naiinis na akong i-anticipate kung anong mangyayari sa laptop ko. Haaayy...

----

Sabi dun sa advisory ng campus, mag-ingat daw kasi may mga A(H1N1)-like cases daw dito. Oh my... Ayoko ng ganun...

---

July na. Kamusta naman ang mahiwaga kong proposal? Ayun, mahiwaga pa rin. Hahaha... Kumplikado ang mga bagay-bagay. Kailangan ko na lang tapusin para matapos na. Nakakaloka na ito. Bahala na si Batman...

---

I'm into Korean-pop lately, and I am totally amazed with the fact na opening act ang Wonder Girls sa Jonas Brothers US Tour. Hahaha... According to my sources, ni-ask daw ang WG na sila ang maging opening act sa buong US Tour ng Jonas Bro. Hehe... At si Sandara, haha, ayunn, umieksena sa K-Pop as member ng group na 2NE1... Wala lang.


At siyempre, si Hyunjoong ko, ayun, nasa HK ngayon and he's looking good, nakarecover na yata sa kapaguran niya from Boys Over Flowers. Hehehe...

---

Since my lappy isn't in its perfect condition, I had to ask a friend to lend me his extra lappy... and his external HD so I can save my files from my lappy before it was reformatted. Gosh, buti na lang. Hahaha... I was hoping he would lend me his macbook but I think it was too much... hihihi...

---

I need to go library-hopping because the collection in our library isn't that good especially when it comes to sociological stuff. Namiss ko tuloy ang UP Main Lib, kahit ganun yun! At least they have a copy of Benedict Anderson's "Imagined Communities" which I badly need for my thesis proposal. I have a copy nun pero naiwan ko sa Pinas. Hay...

---

Almost 5am na, i better sleep na. Hahaha. Need to go to the IT center pa later. Damn, Hindi ko magets bakit ganito ako magsalita/ magsulat at bakit wa-wents lahat ng sinulat ko ditrakels. Sensya na, parang utot lang daw kasi yan -- kung hindi ilalabas, nakakamatay! kaya go sa pag-utot!

----

Pooooot! Hehehe

Chow!

Friday, May 29, 2009

Sa wakas...

Matapos ang isang semester ng paghihintay, isang milyong beses na deadmahan, at makailang ulit na salubungan sa daan, nabiyayaan rin ako ng isang matamis na "HI"...

ni Kuya!!!

at ang puso ko'y tumalon, pero delayed reaction! Nakasampung hakbang na ako saka ko na-realize na binati pala niya ako at bigla akong napabulalas ng "YES!"

Haha... Yun lang. Hihihi

Thursday, May 21, 2009

Anong gagawin mo kung wala ka ng gagawin?

E di gumawa ng gagawin, tulad halimbawa:



1) Maglinis ng kuwarto: Dahil sa dami ng ginawa mo noong nakaraang buwan, mukha nang landfill ang kuwarto mo. Baka gusto mong linisin para hindi ka naman magmukhang nakatira sa Payatas!



2) Magsauli ng mga overdue na libro: 'Day, hindi lang Php2.00 ang bayad sa overdue book dito. Tandaan, 5 Baht isang araw per libro ang bayad. Sa tingin mo, marami kang pambayad? Wala kang pambayad!!! Purita ka bakla!



3) Maglaba ng damit: Bisitahin ang closet, hija! Wala ka nang madamit, kahit pantulog man lang! Maglaba ka kaya 'no?



4) Basahin ang mga nakatenggang babasahin: Bibili-bili ka ng libro, hindi mo naman binabasa! May mga dinownload ka pa, simulan mo na!



5) Magsawa kakapanood ng Korean drama: Go sa Korean Pop Culture!!! Bonggang-bongga ang Boys Over Flowers! Siguraduhin mo lang na tatapusin mo muna 'yan bago ka maghanap ng iba pang gig ni Kim Hyun Joong kasi 'day, madi-disappoint ka sa kanyang acting abilities. Oh well, singer/dancer naman kasi siya to begin with kaya palampasin na muna natin ang expressionless face niya sa Boys Over Flowers. Pero aminin, nakakahimatay ang smiling face niya!



6) Ma-inlove kay Kim Hyun Joong: Hayan! Sa sobrang wala kang magawa, at walang pwedeng mas realistikong chorvahin diyan sa lugar mo, mag-ilusyon ka na lang. Mabilis naman ang internet! hahaha!!! Ulit-ulitin ang episodes 9-38 ng We Got Married kung saan ka nainlove kay Kim Hyun Joong, tapos hanapin mo pa lahat ng gigs niya, pati yung mukha pa siyang ulaga at maaliw sa katotohanang para siyang mantika kung matulog, at cute siya kapag naka-clip!!! Ilusyunin mong ikaw si Hwang Bo na tinatawag niyang Buin (wife), na ganun ka kaganda at ka-witty (Hindi naman nila alam!) at pangarapin na nagda-date sila ng palihim! Haha! Tapos, kung hindi ka pa masiyahan, galugarin mo ang WWW sa lahat ng impormasyon kung ano na ang pinaggagagawa ni Kim Hyun Joong ngayon... Yah, whatever! Oo na, alam mo na na may bago siyang commercial at taga-endorse siya ng Dynamic Kin (Coca-Cola product). Ewan ko sa'yo!



7) Magpractice ng "Nobody" dance step: "Nobody, nobody but you... nobody, nobody but you..." Haha




8) Magdownload ng mga Kris Allen songs at magpa-party sa kanyang pagkapanalo: 'Yun lang, sama ako sa party! Haha! Go Kris Allen! Sana nga lang wala pa siyang asawa diba? hmpf.



9) Ubusin ang lahat ng pwedeng panoorin: Magtira ka naman, isa-isa lang! Mahaba pa ang mga araw! Haha!



10) Gawin ang layout ng blog-gag ni Arjax: Ayan! May matino kang magagawa! Go!

 


11) Gumising sa katotohanan: MAY THESIS PROPOSAL KA PA INENG, UMAYOS KA!!!


Pero since napagod ka daw, sige na nga! Hahayaan muna kita, pero after ng week na'to hindi na pwede ang papetik-petik!





Sunday, April 26, 2009

ED 79.16 Final Exam

Start:     May 11, '09 09:00a
End:     May 11, '09 12:00p
Location:     E108, AIT, Thailand
Conflict Resolution Final Exam - Last Hirit!

(Last time ko na rin na makikita si Unno... huhuhu)

ED 79.14 Final Exam

Start:     May 4, '09 1:00p
End:     May 4, '09 4:00p
Location:     ET109, AIT, Thailand
Governance Final Exam - Last hirit!

Saturday, April 25, 2009

Hinga muna


Ang tagal ko nang hindi nakapag-multiply! huhuhuhuhu... pero wag nang magreklamo dahil konting panahon na lang ang kailangan kong gugulin sa pagpapaka-busy dahil malapit na ang FINALS!!! grabe na 'to!

Pero bago mag-celebrate ang kagandahan ko, my gulay, sandmakmak na kangaragan muna. Halos natapos ko na ang karamihan sa mga requirements, konting hinga pa at ayos na ang buto-buto. Kaya lang, sobrang taas na ng stress-level ko, umaatake-to-the-max ang allergies ko, walis-tambo look na ang hairlaloo ko, kungfu panda na ang eyebags ko, at ang room, mukha ng landfill. My gulay! Hay, buti na lang nakatakas ako ngayong gabi, este, madaling araw pala, para makabisita sa blogey kow.

Hay... back to kangaragan! Chow!


Friday, April 10, 2009

Tongue Twister



"Sa
lahat
ng
salitang
pinagbubuhol-buhol,
sa 'yo
lamang
talaga
ako
nabubulol."




choz!



Friday, April 3, 2009

Nagsusumixteen Series: Self-Talk


Today, you were actually given that rare chance to smile at him yet you chose to be a wimp.

He was standing right in front of you. It will only take you a little head-lift and a little eye contact and it could have been the greatest moment of your entire... ahmmm... week! He ain't gonna notice that it was even intentional. And since you've been sitting almost next to each other for more than three months in class, it is natural for you to exchange curtsy. He will not take it against you, i hope, and whether he smiles back at you or not is entirely a different story.

And yet, you just let the moment pass. Your head was bowed down, your eyes were pointing nowhere, and your smile was hidden somewhere in the back of your head chasing his presence inch after inch while you walk away from him. You blew your chance, for the nth time, and no one knows if you will still be given another chance. The semester is a month away from its passing and his time here in Thailand is almost over, and you blew another chance of a probable friendship, or whatever.

You are such a wimp! Like, totally!

Sunday, March 29, 2009

Nagsusumixteen Series: Si Manong Kuya

Tumalon, tumakbo, at nadapa ang puso ko
nang makita ko ang likuran mo...

Hindi naging kumpleto ang nakaraang linggo ko kasi wala ka. Nalaman ko na lang, nag-China ka pala. Hindi tuloy kita nakita noong Martes at Biyernes. Isang linggo kong inabangan ang pagbalik mo, gabi-gabing dumaraan sa tapat ng dorm mo, nagbabakasaling may masisinagan akong ilaw sa kuwarto mo, pero hanggang kagabi, hindi pa rin kita nakikita.

Pero kanina, habang tulog akong nagbibisikleta papunta sa silid-aklatan, nakita ko ang likod mo, naglalakad sa may di kalayuan. Tila bang tumalon, tumakbo, at nadapa ang puso ko nang makita ko ang likuran mo. Nandito ka na ulit! Ang saya-saya naman! Kailangan ko na lang maghagilap ng sapat na lakas ng loob para man lang makatingin sa'yo ng deretso, at kung kakayanin pang makangiti sa'yo, para na akong biniyayaan ng super powers nun.

Martes na bukas. Kita-kita tayo sa klase. Hihihi. Bigla akong na-excite!


Saturday, March 28, 2009

It's a Miracle!

Okay! Fine! I over-reacted! Kelan naman ako hindi naging OA, exaggerated, at exceptionally ngarag sa mga bagay-bagay sa buhay ko? I was trained to magnify ordinary things to make them look extraordinary. It's art!

Haha! Sorry. I'm just justifying the exaggeration of my reaction towards my academic life. Hehe. Nataranta lang ako, nagimbal at nagising sa katotohanan.

Para wala nang paligoy-ligoy pa, sasabihin ko na kung anong nangyari. Ganito:

  • Mababa pa rin ang nakuha ko dun sa pinangangambahan kong subject, pero hindi naman siya kababaan na tipong patatalsikin na ako dito sa AIT. Kaya pa naman siyang bawiin kahit next highest grade na lang (but I'm still aiming for an A! Lord, help me!)
  • Kumbaga sa battery, Triple A ako. Hehe. Yun. :) Pero nangangahulugan din 'yun na kailangan kong magtino pa kasi midterms pa lang 'yun. There's still a big chance na bumaba pa 'yun kapag nagpabaya ako. More pressure! My gulay!
  • Isa sa mga subjects ko ay walang grade kasi wala daw pagbabasihan, sabi ni Dadi Seyj. Hehe. Kasi naman, one credit lang yun tapos 5points pa lang yung assignments na binigay niya. Well, Research Design yun so ang mahalaga dun ay ang Thesis Proposal at the end of the semester.

Speaking of thesis proposal, I need to finish my thesis proposal as soon as possible, and I have to defend it as early as may, dahil by June/July, I should be going back to Baguio to do my data gathering and my internship.

So there. Isang buwan na lang at Finals na naman! At nape-pressure na akong lalo! Natatae na ako sa pressure. Haha

Well, I can say, it's still good to feel low sometimes kasi you get to realize that you have to try your best in everything and you cannot survive without God's grace! Nababatukan ang mga papetik-petik! Kaya ayun!

Kung sa ANTM pa 'to, sasabihin ni Tyra sa akin, "You're still running towards becoming America's Next Top Model!" Sabay fierce-look... and pout!

Haha.

Wednesday, March 25, 2009

Anik-anik, Atbp., muling nagbabalik!

Isang taon na ang nakakalipas mula nang huli akong nakapaglagay ng entry sa isa kong blog, 'yung Anik-anik, Atbp. Kanina, naisipan kong magsulat muli para sa blog na 'yun. Ang pamagat, "May Buhay After UPBaguio". Nagsilbing bintana ko ang blog na yun ng aking buhay noong bago at habang nasa Baguio ako.

Noong paalis na ako, sabi ko iiwan ko na 'yun. Medyo masakit kasi para sa aking alalahanin ang mga karanasan ko sa Baguio, kaya parang ayaw ko na siyang palaguin pa.

Nito-nito lang, binisita ko ang blogsite ko na 'yun. Nagbasa, natawa, at bigla kong naisip na hindi ko pwede kalimutan ang lahat ng mga nakasulat doon dahil magaganda naman pala ang mga karanasan ko. Ika nga ng bakla kong sarili, "in fairness to me" may matino naman palang bagay na nangyari sa akin doon.

So, kanina, nagsulat lang ako. Binago ko na rin yung layout niya. May ibang alaala kasing napapasama sa tuwing nakikita ko ang layout nung blog ko na yun. E since matagal nang panahon yun at hindi na uso ang magdala ng sandamakmak na bagahe sa buhay (kumbaga sa Cebu Pacific, 15 kilos na lang ang limit ng bagahe!!!) kailangan nang magbago ng diskarte. I'm still figuring out kung anong gagawin ko dun, kasi tatlo na yung ime-maintain ko na blog. Kaya ba ng powers ko, o sapat ba ang mga kuwento ko para sa tatlong blog? Well, malay natin. Tutal, sabi nga nila, schizo naman ako. Haha.

Bisitahin n'yo, baka magustuhan n'yo rin 'yung mga dating nakasulat dun. May mga tsismis din, kung gusto n'yo. Pero siyempre, tungkol lang sa akin 'yung tsismis. Haha.


Thursday, March 19, 2009

Capital T

"... as in Tanga!"


Siguro, hudyat na ito na kailangan ko nang umuwi. O kung sa termino pa ng mga galit sa akin at nag-iisip na ilusyunada ako, panahon na para lumibel ako sa dapat kong kalagyan.

Nabagsak ko ang isa sa mga exam ko, at yun pa lang ang resultang nakukuha ko sa ngayon. Nangangamba ako na pare-pareho ang kalalabasan ng apat ko pang exam dahil, una, tanga naman talaga ako; pangalawa, pareho lang ang takbo ng utak ko simula ng una hanggang huling exam.

Pagod na ako sa totoo lang, pagod na akong makipaghabulan sa mga gusto kong abutin. Huling pagkakataon na ito at anong ginawa ko? Hindi ko alam kung hindi ko lang talaga kaya o nawawala na naman ako sa konsentrasyon?

Sasabihin siguro ng mga galit sa akin, "HINDI MO KASI TALAGA KAYA, ILUSYUNADA KA KASI!" Putang-ama n'yo! At least ako, sinusubukan kong habuli at abutin yung mga gusto ko kahit minsan e suntok sa buwan talaga! Kung ano mang kahinaan meron ako, pinipilit kong i-overcome yun! Nakakapagod na kaya! At oo, ilusyunada ako, kasi ayokong nagsesettle sa ganito lang.

Nakakapagod na lang talaga.

Masyado na akong matanda para sa mga kapalpakan! Pero eto na naman ako, pumapalpak pa rin ng bonggang-bongga! At lagi't laging may repurcussions ang mga bonggang-bongga kong kapalpakan, i.e., hindi na ako makakatuloy mag PhD kasi kamusta naman ang grade ko, diba?

Ngayon, hindi ko alam kung titigilan ko na 'tong habulan na 'to o mas lalo lang akong tatakbo kahit wala na akong lakas. Pero kasi, baka naman hindi na ako kasali sa habulan e takbo pa rin ako ng takbo? Diba katangahan 'yun?

O baka tanga lang talaga ako?


Tuesday, January 20, 2009

Hate ko si Cinderella

Hate ko ang kuwento ni Cinderella.

Imagine, inaapi na siya't lahat wala pa rin siyang ginagawa para ipagtanggol man lang yung sarili niya pati karapatan niya.

Tapos, kelangan pa niyang mag-rely sa powers ni Fairy God Mother para lang ma-meet niya si Prince Charming! Haller? Pwede naman niyang takasan yung step-mom niyang walang-hiya at lumarga sa party. Kung hindi 'yun aanga-anga, naisip niya sana 'yung naisip ni Fairy God Mother. Or... dapat na-anticipate na niya na magpapaka-kontabida yung pamilya niyang hilaw. Hello naman, sa araw-araw ba namang ginagago siya nung pamilya niyang hilaw e hindi pa niya naisip na hindi pa nagsasawa 'yung mga 'yun sa pangbu-bully sa kanya? Gosh.

Tapos, ayan na nga. Kunyari nagmamagandang-loob itong si Fairy God Mother. Patitikimin siya ng chance, ng opportunities. Tapos, si Cinderella naman, ayun. Uber ang pagkailusyunada! Alam naman niyang ang kabilin-bilinan ay hanggang 12 midnight lang. Ay naku, Nag-enjoy. Anuveh! Hindi pa marunong mag-budget ng time. Anong oras ba siya dumating dun sa party ni Prince Charming? Ang tagal naman nilang nagsisinaw-sayaw dun. Wala bang curfew nun? Hay naku.

Pwede naman siyang hindi tumakbo. Ganun din naman itsura niya kahit walang powers ni Fairy God Mother. Lamang nga lang ng mga ilang paligo yung "photoshopped" version niya (kasi may powers nang kasama! Ganun!)

Hay naku.

Tapos, nung nagkatakasan na, forever lang siyang naghihintay na hindi bobito si Prince Charming at mahahanap siya. Hello?? Pano kung sadyang tatanga-tanga yung prince. E sa simula pa lang, tatanga-tanga na yun e.

Tsaka glass slippers??? Pwede bang ipangsayaw yun? Hindi ka kaya mabubog dun?

Kaya pwede ba, tantanan ang mga Cinderella story.* Never nagkatotoo 'yung mga ganun.

________________________
* Ang pagka-asar na ito is brought to you by this article.
hehehe

Wednesday, January 14, 2009

Dalawang Bagay

May dalawang bagay akong ginawa ngayong araw na ito na tila ba nakapagpasaya sa akin, sa paraang alam kong hinding-hindi mauunawaan ng iba.

Una, yumakap ng mga stuffed toy.

Pangalawa, mag-soak ng paa sa mainit na tubig.

Gusto ko talaga ang mga stuffed toy kasi malambot, ang sarap yakapin. At sa isang tulad ko na ilag nang yumakap ng sinuman, sa stuffed toy ko binubuhos 'yung kagustuhan kong mangyakap (justification rin siguro ito kung bakit kailangang maraming unan sa kama ko, pero simula bata ako gusto kong maraming unan sa kama.) Though hindi ko mabili yung mga yun kasi mahal, okay na ako makakita or makayakap man lang ng mga stuffed toy. hehe

Ibang satisfaction naman ang nadudulot sa akin ng pagbababad ng paa sa mainit na tubig. Ang tagal kong na-deprieve sa habit kong 'to kasi walang lutuan sa dati kong bahay. Pero since pinaampon ni Kissy yung mga gamit niya sa akin habang wala pa siya dito, nagkaroon ako ng gamit at means para magawa ko ulit yung bagay na alam ko kapag hindi ko ginawa e sobrang hindi talaga ako mapapalagay.

Hayy... weird na kung weird, pero ito 'yung ilan sa mga bagay na nakakapagpakalma o nakakapagpasaya sa akin. Hehe... Lavet!


Wednesday, January 7, 2009

Sergio and Kim Sam Soon

Okay. Due to public demand, nagkaroon ng SP (as in special episode) sina Sergio at Kim Sam Soon! Ang shooting, saan pa e di sa Thailand!!!! Ahahaha

Nag-assist kasi ako sa WEM (Water Environmental Management) para sa conference nila on "An International Perspective on Environmental and Water Resources" para may magawa buong break at para hindi rin ako masyadong malungkot ngayon pasko. So, nagsimula ang conference noong Lunes, Enero 6, 2009 pero Linggo pa lang nandun na kami sa AITCC, yung venue ng conference kasi start na ng registration. Around 6:30pm, may mamang dumating. Pauwi na dapat ako nun e. Nagparegister. Gwapo. Nakuha agad ang atensyon ng lola n'yo, pero quiet lang ako. Tapos lumapit sa desk namin kasi kami yung nag-aayos at nagsa-save ng mga presentations ng mga speakers. Nagtanong siya kung pwede daw ba siyang magprint ng something para sa presentation pero edit muna niya. Si Ate Mimi naman, nakahalata yata na type ko si mama kaya ayun ang sabi niya sa kanya, ako daw ang tutulong sa mama. So dapat sasamahan ko na siya, e sabi niya punta muna siya sa room niya tapos balik siya. Ako naman, di ko na siya nahintay kasi hinihintay ako ni Kissy nun.

Oh well, pagdating ko kina Kissy mega-kuwento ako sa kanila na may bagong lalaki sa buhay ko, pero super panandalian lang kasi tatlong araw ko lang siya makikita. Hahaha. Biglang naloka ang mga tao kasi ang akala nila, gusto ko pa rin yung dati kong gusto. Nga pala, nakalimutan kong sabihin, hindi ko na gusto yung dati. Tagal na! Ahaha.

So ayun na nga, kuwento ako, na Mexicano si mama at Said ang pangalan. Sabi ko pa, "sasaidin ko ang kagwapuhan ni Said." Siyempre etchos lang yun, para naman keri ng beauty ko ang mga ganung bagay-bagay at parang ang ganda ko naman masyado, konti lang naman! Ahaha.

E di ayun, dumating ang Lunes, nabusy ang mga bakla!!! Sa kalagitnaan ng kangaragan ko, biglang may napakagandang tanawin ang bumungad sa harapan ko, tapos nagsalita. Shet, siya pala yun. Todo ngiti naman ako. Nagpa-chek kung tama yung Thai version ng "Thank you" kasi daw he can't afford to make mistakes at that time. Ayyy, seryoso ang lolo mo!!! Well, tama naman ang version niya.

Presentation niya ng 10:30 am. I was planning to see his presentation pero stuck ako sa post ko sa registration. So walang nangyari pero nagkasalubong kami sa corridor at nagpalitan ng friendly na ngiti. Haha. Duda ako sa pagka-friendly ko.

Tuesday, hinanap ko siya. Akala ko kasi naglagalag na si mama. Wala na siyang gagawin e. Mamaya-maya, nasa ayun, nakita ko ulit. Ang gwapo. Naka-long sleeves si mama. Sabi ko kay Ate Mimi, may kahawig siya e. Tapos yun na nga, natagpuan ko ang mahiwagang larawan niya na kuha ni Kuya Ruel, ang official photographer ng conference. Copy paste. Photoshop. Multiply. Instant blog.

During lunch time, muntik na akong tumabi sa kanya pero nakita ko yung mga Pinoy na participants so, dun na lang ako. E katapat lang ng table namin yung table niya. Ahaha. Nakikita niya akong naaanghangan, actually. Nagkakatinginan kami e nag-iinarte pa ako. Hay naku, ewan ko. E sa dinner magri-river cruise kami. Akala ko makaka-score na ako, hmp. Hindi pala. Pagdating namin sa River Cruise, ang layo niya sa akin. Kainis. Oh well.

Last day ng conference, Wednesday.Naku, busy si mama. Laging nagsosolo. Simula nung Lunes, nagsosolo lang talaga siya. Busy mag-internet sa lobby. Naka-MAC si mama, ganda ng laptop.

Nag-lunch, naku, nakita ko mag-isa siya sa table. e kasama ko si Kuya Aldrin. Wala. Dun ako kay Kuya Aldrin lumapit. Dumating si Ate Mimi, sabi niya, bakit hindi ko raw lapitan si mama, walang kasama. Sabi ko, "lapitan mo na lang tapos lapit ako sa'yo mamaya." Style ba, para di masyado obvious. Nagsusumixteen e. ahaha

After nun, sabi ni Kuya Aldrin, go na, wag na akong mahiya. Nung nihatid ko si Ate Ruth sa table niya, tinawag ako ni Ate Mimi. Lapit naman ako. Ayun na. Ahaha. PInakilala kami ni Ate Mimi. "Said, this is my friend, Sharon. She helps me with the registration," sabi ni Ate Mimi sa kanya.

Inabot niya kamay niya sabay sabi, "Hi. Yah, I know."

Tapos ayun na. Start na ng usapan. At napagkasunduan na lalabas kami, siyempre with Ate Mimi and Ate Ruth since may sasakyan si Ate Mimi. Sabi kasi ni Said, 20 oras ang biyahe niya pabalik ng Mexico at 8am ang flight niya, mamaya yun. So sabi ni Ate Mimi, igala namin siya kahit konti para naman naman hindi siya masyadong kawawa. Oh well, advantage sa akin! Kaya GO! Sunggabin ang opportunity.

Ayun. Natapos ang conference. Punta kaming Bangkok. Kumain. Umuwi. hahaha

Siyempre nagkuwentuhan kami. Hahaha.

Sabi niya, mahilig siya sa Rock Music. Mahilig rin siya sa movies. Fave niya si Nicole Kidman. Nagtuturo siya ng swimming sa mga kids at gusto niya yun. Bunso siya at may dalawang ate. Haha. Baby daw siya sa kanila. Nagwork siya after graduation niya for three years as civil engineer. Ngayon, first year siya sa kanyang PhD. Sumasayaw siya pero hindi daw niya masyadong hilig yun. Mas gusto niya ang rock music at fave niya ang Rolling Stones. Oh diba, rakista! Though hindi daw siya marunong tumugtog ng kahit na anong musical instruments. hahaha. May tattoo si mama sa kaliwang braso.

Buong time namin sa Bangkok, nagchicikahan kami. Wala lang. Tungkol sa movies, ganun. Kung may napanood na raw akong Mexican movies. Sabi ko naman, tatlo pa lang yata, at pare-parehong si Gael ang bida. May binaggit pa siyang mga direktor at iba pang critically acclaimed na mga movies, di ko lang maalala kasi espanyol ito at hindi niya ma-english. hehe

Tanong pa niya, bakit daw ganun. Halos pareho ang history ng Mexico at Pilipinas, bakit hindi tayo nagsasalita ng espanyol. Naku, e di lumabas na ang mga PI 100 lectures ko. Ahaha. At ayun, may Intro to Mexico 101 na ni-lecture sa akin.

Hinintay niya ako lumabas ng CR kasi naiwan ko yung bag ko e paalis na kami sa resto. Tinanong din niya ako kelan ako babalik ng Pinas. Sabi ko, matagal pa. Reply niya, magbabakasyon daw siya sa Australia sa May. Ahahaha. Wala lang.

Gentleman si mama, kasi dun siya sa side na may mga kotse pumipwesto pag naglalakad kami. Pero, may konting akbay. Hmmm.. Nasesense niya yata na may gusto ako sa kanya. Tapos sabi niya, dapat daw sumayaw ako dun sa river cruise kasi sumayaw daw siya. HAhahahaha. Hay naku.

Ang saya niya kausap, actually. Akala ko nung una mahiyain si mama, mahiyain naman, pero machika. Sabi niya, nagtataka daw siya kung pano siya nakaka-english kasi hindi daw talaga siya madalas nag-e-english. Ahehe. I had a great time with him. It's just sad kasi uuwi na siya ng Mexico. Hehe. Pero keri lang. Kunyari si Cinderella na lang ako, Korean version nga lang. At siya si Sergio, ang bagong prince charming.

At ala-una ang curfew. Ahahahaha.