"It's too late baby now, it's too late..."
Hapon na. Pagod na ang katawan. Nagliliwaliw na ang utak sa mga kung anu-anong bagay na karaniwang hindi naiisip sa normal na oras. Sa gitna ng nagsisigawang mga sasakyan at sa lumilipad kong utak, may isang pupukaw sa aking maselang atensyon.
Naka-khaki pants, black polo shirt. Di maporma pero mukhang mabango. Makinis ang mukha, nakasalamin. Geek, malamang, with a perfectly managed haircut. Kamukha niya 'yung crush ko nung highschool, nung highschool pa kami. Hmmm, tipo!!!
Napaisip ako ng mga what ifs, yung tipong sabi ni Sir Ricky Lee na nagsu-sustain sa lahat ng kwentong pampelikula sa mundo. Mga what if ngumiti siya sa akin, what if kilala ko pala siya, what if siya pala! Minsan may ganyang topak ako, pampasaya ng mundo!
Tingin-tingin lang ulit, nagpapakasasa sa isang magandang tanawin sa gitna ng usok at baho ng Maynila.
Maya-maya pa'y napatingin ako sa kanyang kamay na may hawak na backpack.
Oooopppssss...
Singsing.
Palasingsingan.
Kaliwang kamay.
Sablay.
***
Missed
"It's too late to apologize..."
Dalawang magkaibigan, nakaupo sa tapat ko sa MRT. Usap-usap sila sa mga bagay na wala akong kinalaman. Naghihintay kami na umandar ang MRT papuntang QAve. Hindi pa masyadong puno, kaya nag-aabang pa ng maisasakay. Medyo mainit, hindi pa binubuksan ang aircon.
Biglang dumating ang kasunod na tren. Napaisip ang magkaibigan na lumipat sa kabilang tren, para siguro mas maluwag o kung ano man. Paidi-idi silang tumayo, hindi mapakali kung tatayo ba o uupo na lang, kung lalakad o hindi, lilipat o hindi.
Sa may pinto, nagdesisyon silang lilipat ng tren. Paghakbang ng isa palabas ng tren, sumara ang pinto. Nagkahiwalay sila. May isa sa loob, tumuloy sa biyahe dahil wala naman siyang magagawa. May isa na nasa labas, tutuloy rin sa biyahe, ibang biyahe nga lang dahil tulad ng nasa loob, wala rin naman siyang magagawa.
Hindi ko lang alam kung sinong iniwan at naiwan.
nice one... may hang-over ka pa sa dance showdown namin nung sunday... bwahahaha...
ReplyDeletehahahaha! while i was writing this, kumakanta yung laptop ni sheli ng "it's too late to apologize..." habang naiimagine ko ang dance showdown nung sunday! hahahaha
ReplyDeletebwahahaha... ayos!
ReplyDelete