Kung gusto mong makalimot, wag kang mag-inom. Subukan mong mag-cram para sa apat na exam habang nagma-marathon ng Heroes Season 1 hanggang 2. Sabayan mo ng study sessions a.k.a. kainan-tsikahan sessions kasama ang mga friendly-friends mo. At makipagkilala kina Lee, Lewis, Todaro at kung kani-kanino pang mga utaw na walang magawa sa kanilang buhay at nag-postulate ng mga kuning-kuning na teorya sa migrasyon, habang kumakanta ng "when the sun shine we'll shine together" habang ginagaya ang pag-pronounce ng Bangladeshi mong prof sa letter "s" (it goes a little something like this... "when the jan jyn we'll jyn jogeder..." ahahaha). Isama mo pa si Tchebycheff na ewan ko ba kung anong pumasok sa utak at nag-formulate ng probabilty of data inside and outside the interval of interest. Or makipag-friends sa scientific calculator mo at alamin kung nasaan ang ln at e dahil sigurado, kakailangin mo 'yan sa exam. Alalahanin mo rin ang algebra, baka mag-transpose ka ng formula, kahit na alam nating lahat na ang math mo noong college ay Math 1 lang. Deadma na lang. Magpanggap na magaling ka sa math. Magpanggap na nag-aaral ka. Magpanggap na si Suresh ang lalaking para sa'yo at kasama ka sa cast ng Heroes. Ganun lang. Happy ka na nun, i'm sure. And just hope na hindi siya mag-a-appear sa harapan mo or tatawag ulit para lang magtanong kung may kinalaman ka sa mga kuning-kuning ng boring niyang buhay.
Dahil kapag bigla na naman siyang nag-appear or nagtanong ng mga not-so-perfect question, baka masampal mo na siya at sabihin sa kanya, in a very lucid english (term ni prof. Amin) na:
"Hay naku, tatanga-tanga ka talaga. Oo na, ako yun. Pero sasabihin ko ba sa'yo yun kung ang tanong mo sa akin ay kung may kinalaman ako sa mga kuning-kuning na 'yan? Siyempre kung ako ang salarin, malamang hindi ko aaminin sa'yo over the phone. Hello?!! Mamaya niyan naka-speaker phone ka at nakikinig ang buong chenebarbar community, tapos bigla mo akong babastedin at sasabihin mo sa akin na, "I'm so sorry. I don't like you." Shet, ayokong mabasted ng miyembro ng society mo, lalo na kung over the phone. At kahit hindi sa telepono, ayoko pa rin 'no. Ano na lang magiging reputasyon ko dito, ang Pinay na binasted ng isang manhid at mukhang tuod na chenebarbar? Ang pangit nun ha. Hindi magandang description para sa presidente ng Filipino Student Community dito. Baka mapaaway pa ako niyan, paano na lang ang pag-maintain ng "diplomatic relations between countries". Hay naku 'no. Hindi ko feel! Pero alam mo, kung ang tanong ay "Is it you?", ay naku, malamang sumagot ako ng "Oo." e di tapos na sana problema mo, kung pinoproblema mo man. Pero paano mo 'yun maiintindihan e Filipino 'yung "oo"? Hay naku, bahala ka. Nandiyan na ang lahat ng clues, tatanga-tanga ka pa rin. Nandun na nga name ko, hindi mo pa rin ma-gets. Bahala ka na nga lang, tutal ang sabi mo naman e matanda ka na para sa mga ganyang laro e di wag na lang, as if naman naglalaro ako. At pwede ba, magka-age lang tayo, ibig sabihin matanda na rin ako? Maligo ka kaya?"
Pero paano mo ita-translate 'yun? Ang haba nun 'ne! And besides, hindi mo kailangang mag-explain. At kung mag-explain ka man, does it matter? Hindi ka pa rin naman niya gusto, at panggulo lang siya sa concentration mo sa studies (as if nag-aaral ka...) So, tantanan na lang ang mga kuning-kuning na ganyan dahil sabi nga nila, "WALANG FUTURE SA PADER!" E daig pa niya ang pader sa kamanhidan, lalo nang walang future! Ano ba 'yan!
So, mas mabuti na lang kung kalimutan siya. And I'm sure madali mo lang magagawa 'yun dahil praktisado ka naman sa ganyan. Normal nang tugtugin ang mga linyang "He doesn't like me!" Hindi na bumibenta sa takilya ang ganyang drama. Mag-comedy ka na lang, or action! Or kung gusto mo, magpapayat ka na lang para ilo-launch kita na sexy star... sa Patpong!!! Ahahaha! Ay, masisira naman ang reputasyon ng Patpong sa'yo, wag na lang. Action star ka na lang, mas bagay!
Or better yet, magsunog ka na lang ng kilay sa pag-aaral, or pwede ring i-omit na lang ang "sa pag-aaral". Magsunog ka na lang ng kilay kapag wala kang ginagawa. Tingnan natin kung pwede kang sumali sa cast ng Heroes, baka nagre-regenerate ang kilay mo!
Bongga diba? :D
uy girl me papadala sa yong pampaganda ang nanay mo kaya maghanda silang lahat!!! ;)
ReplyDelete