Thursday, October 23, 2008

MidTerm Gaga

"Cramming is bad for your health."

Noong midterms week, lagi akong umaga natutulog, mga ganitong oras, hindi dahil nag-aral ako ng mabuti kundi dahil kailangan kong madaliin at tapusin ang pag-aaral para sa exam kinabukasan. Cramming - ang sakit ng karamihan sa mga UPian.

Si Arjay, ang pinakabonggang crammer na nakilala ko. Walang tatalo sa kanya sa pagka-aligaga sa tuwing nagka-cram. Pero hindi 'yun ang dahilan bakit nasabi kong pinakabongga si Arjay pagdating sa pagka-cram. Kasi, nagka-cram na nga siya, lumulusot pa rin. Flying colors ang mga grades, perfect ang mga presentation... mga ganun ba. Well, halos lahat ng UPian na kakilala ko ganyan, lumalabas ang tunay na anyo kapag nasa binggit na ng kung anuman. Parang hindi nasisiyahan kung walang challenge, kung walang adrelanine rush, parang ganun. And yes, ganun din ako. Hindi nga lang madalas makalusot. Ahehehe.

Before nag-midterm exam dito, kung anu-ano ang pinaggagawa ko -- may pagpapa-cute, may panonood ng Heroes, may pagbababad sa kainan, sa kung saan-saan kasi may hinahanap na kung sino... mga ganun bang walang kapararakang bagay, habang kinakabahan na malapit na ang exam.

Dumating ang exam week, ayy!!! Hayan na, naloka na si bakla. Inuumaga sa pag-aaral (na may kasamang kuwentuhan, kainan, etc. samahan mo pa ng conversation sa mga PSEUDO-CONFRONTATIONAL na tao). Natatakot ako na baka hindi ko mapasa 'yung exams ko. Pero, sa awa ni Lord, ayun nakapasa naman. Though disappointed ako sa tatlong exam (lalo na dun sa isa kasi naka-A si Barbie!!! Shit!) Ayun. Noong wednesday, lumabas na 'yung grades namin for the midterms and here's my grade:

Photobucket

Surprisingly, I got two As and three B+. Wala akong B, lalo na C. Ang galing-galing ni Lord! Nakakatawa pa 'yung isang A ko kasi second ako sa highest sa exam. Ahaha, natatawa ako kasi hindi ako nag-aral sa subject na 'yun. At hindi ako architect or civil engineer (Urban Housing kasi yung subject). Funny but I'm thankful for that.

Kailangan ko pang magpursige kasi hindi pa tapos ang laban, midterms pa lang yan, may finals pa at mukhang mas madugo ang finals. Tsk tsk tsk. (Buti na lang nahabol ko na yung Heroes, paisa-isa na lang ang nood ko ng episode.) So, para maiwasan ang kangaragan sa finals, at para maging maganda ang FINAL GRADE, tatantanan ko na ang cramming...

Oh well...

13 comments:

  1. haaay sana nga magkatotoo ito ineng
    para na rin saken
    at para sa lahat ng crammers!

    ReplyDelete
  2. what!!!at kung makapagemote ka feeling ko uwi ka na ng sem break!!!congratz.cramming never does any good to me.but i do it anyway.. when am i going to learn.ahayhayhay.. :)

    ReplyDelete
  3. Panalo A student!Iwagayway ang banderang Pinoy! Itaas ang kaliwang kamao at umawit ng UP namaing mahal! hehehehe

    ReplyDelete
  4. ahaha... akala nyo lang mataas na yan, pero 'day hindi! Kasi may nakatatlong A! Ahehe. Si Donna, UPian din na kaklase ko dito, she got three As. At pare-pareho kaming one-night before the exam nag-aaral! Ahahaha. Nahihirapan pa rin ako sa computation! haaay...

    ReplyDelete
  5. Naku 'te, tsambahan ito! Super kinakabahan kaya ako... :D Mabait talaga si Lord. :D I still have to work harder kasi hindi talaga ako magaling sa numbers! At hindi ako marunong gumamit ng scientific calculator! Ahehhe...

    ReplyDelete
  6. it's the thrill of the chase! hehehe. i'm a bonggang crammer! ehehe

    ReplyDelete
  7. hay naku manay xiaui! take this. kahapon habang one hour na lang ang natitira bago ako magpresent ng paper ko at nagcacram sa pagupdate ng powerpoint ko, ang sabi ni ranjith perrer who was just beside me ay "You are worse than us!"Ahahahaha!

    ReplyDelete
  8. hi prinze23 belated happy bday.remember my pasalubong. :)

    ReplyDelete
  9. ahahahaha!!! Naku, ganyan yan te! comment nga niya sa exam ko, "Your answers are good but your presentation is very messy!!!" Kamusta naman yun atez!!! Ahahaha... pero love ko yan si ranjith the pooh! Ahahaha

    ReplyDelete
  10. haha! thanks ate lau! see you soon. don't worry meron na akong tinabi for you :)

    ReplyDelete
  11. haha! go ranjith the pooh hehe may picture kami kahapon. siya discussant ko hehe

    ReplyDelete
  12. wow! Ang syala naman nun! Cool! Patingin! :D Sayang talaga hindi ako nakapunta! Grrr.. nandun ba si nowarat?

    ReplyDelete