Showing posts with label arjay. Show all posts
Showing posts with label arjay. Show all posts

Sunday, April 26, 2009

Ano nga kaya, 'no?

I find this very amusing. Haha.

I know for a fact that the name Arjay Arellano isn't the most unique name in the world, so this could be anybody with the same name as my friend. Nakakatawa lang isipin kung "Arjay Arellano" na kakilala ko nga itong tinutukoy niya. Haha.

sabi sa blog:

"the name of the guy is arjay arellano and yes i love him from the start…mula palang po ng makita ko ang lalaking ito minahal ko na..."

Diba naman? Sinong hindi maku-curious. Eto pa:

"pro wag k 1yr ako niligawan nito oh laban k???hehe.. but you know what we never had a formal break up and its really hard for me to move on right after the relationship."

Hmmm... this was written in August 2007. If this is my friend Arjay, then he's keeping secrets from me (like hello, of course he has his secrets! haha) and wait, hindi naman niya one year niligawan yung ex niya? Haha... pero tuloy natin...

"i love him so much that every time i got to think about him i dont care where am i dahil i usually burst out.. my tears never stop falling for him. until now i never got the chance of talking to him..."

Naisip ko lang. I doubt kun si Arjay nga na friend ko ang tinutukoy dito. Hindi ganito magsulat yung ex nya, at yung mga nagustuhan niya, hindi ganito kababaw magsulat... unless, niko-conceal niya ang totoo niyang identity. haha.

Pasensya na. Nasobrahan na yata ako ng kakapanood ng Veronica Mars kaya ganito. Pero, nagtataka pa rin ako, sino kayang "Arjay Arellano" ang tinutukoy nito at sino kaya 'tong nagsulat nito? hehe

Saturday, March 28, 2009

To my dearest Pangga!



BONGGANG-BONGGA ka ngayong araw na ito dahil ARAW mo ngayon!

Dedma sa lahat ng nega, kalimutan ang problema! I-enjoy ang araw na ito dahil minsan ka lang maging 24. Di ba!

Wag kalimutang ngumiti! Baka may maakit, para magka-lovelife na rin tulad ni *****! ayun, bawal daw sabihin kaya puro *****! ahahahaha!

At dahil nga ispeyshal day mo today, eto ang iyong horoscope for the day! hehehe

"It's important to be around people who share the same values as you right now.
Why would you listen to anyone who tells you that you can't accomplish one of your goals? Someone as charming and as dedicated as you can work their way around any obstacles thrown in their path. So if you get a red light from the big boss, your funds are pulled or the weather rains all over your picnic plans, turn to other people to help you out. You know exactly how to ask for favors from people -- and there are quite a few favors due to you. Call them in." (Ayon sa iyong horoscope! Ahahaha!)

Wabyu Jay! Mwah!

Wednesday, February 18, 2009

Missing Arjay

Sa mga ganitong pagkakataon, alam ko na ang sasabihin mo:

"Ate, ang dami mo nang pinagdaanan para magkaganyan ka dahil lang sa ganyang mga bagay-bagay."

Miss na kita. Isa ka sa mga taong alam kong hinding-hindi ako iiwan sa ere kahit pa anong mangyari. Gustong-gusto ko nang bumalik sa Pinas.

I miss you.


Thursday, October 23, 2008

MidTerm Gaga

"Cramming is bad for your health."

Noong midterms week, lagi akong umaga natutulog, mga ganitong oras, hindi dahil nag-aral ako ng mabuti kundi dahil kailangan kong madaliin at tapusin ang pag-aaral para sa exam kinabukasan. Cramming - ang sakit ng karamihan sa mga UPian.

Si Arjay, ang pinakabonggang crammer na nakilala ko. Walang tatalo sa kanya sa pagka-aligaga sa tuwing nagka-cram. Pero hindi 'yun ang dahilan bakit nasabi kong pinakabongga si Arjay pagdating sa pagka-cram. Kasi, nagka-cram na nga siya, lumulusot pa rin. Flying colors ang mga grades, perfect ang mga presentation... mga ganun ba. Well, halos lahat ng UPian na kakilala ko ganyan, lumalabas ang tunay na anyo kapag nasa binggit na ng kung anuman. Parang hindi nasisiyahan kung walang challenge, kung walang adrelanine rush, parang ganun. And yes, ganun din ako. Hindi nga lang madalas makalusot. Ahehehe.

Before nag-midterm exam dito, kung anu-ano ang pinaggagawa ko -- may pagpapa-cute, may panonood ng Heroes, may pagbababad sa kainan, sa kung saan-saan kasi may hinahanap na kung sino... mga ganun bang walang kapararakang bagay, habang kinakabahan na malapit na ang exam.

Dumating ang exam week, ayy!!! Hayan na, naloka na si bakla. Inuumaga sa pag-aaral (na may kasamang kuwentuhan, kainan, etc. samahan mo pa ng conversation sa mga PSEUDO-CONFRONTATIONAL na tao). Natatakot ako na baka hindi ko mapasa 'yung exams ko. Pero, sa awa ni Lord, ayun nakapasa naman. Though disappointed ako sa tatlong exam (lalo na dun sa isa kasi naka-A si Barbie!!! Shit!) Ayun. Noong wednesday, lumabas na 'yung grades namin for the midterms and here's my grade:

Photobucket

Surprisingly, I got two As and three B+. Wala akong B, lalo na C. Ang galing-galing ni Lord! Nakakatawa pa 'yung isang A ko kasi second ako sa highest sa exam. Ahaha, natatawa ako kasi hindi ako nag-aral sa subject na 'yun. At hindi ako architect or civil engineer (Urban Housing kasi yung subject). Funny but I'm thankful for that.

Kailangan ko pang magpursige kasi hindi pa tapos ang laban, midterms pa lang yan, may finals pa at mukhang mas madugo ang finals. Tsk tsk tsk. (Buti na lang nahabol ko na yung Heroes, paisa-isa na lang ang nood ko ng episode.) So, para maiwasan ang kangaragan sa finals, at para maging maganda ang FINAL GRADE, tatantanan ko na ang cramming...

Oh well...

Monday, July 28, 2008

ARJAX




Name: Arjay Arellano
Age: Younger than me ahehehe
Occupation: Instructor
Ambition: To become a MODEL!!!

Ahehehehe... peace jay! mwahmwahmwah!



arjax